She would regret her stupidity again later. I'm sure of that.

Ininom nito ang gatas at umikot para sumandal sa sink pero naibuga nito ang iniinom ng makita kami at nabitawan pa ang baso dahilan para mabasag iyon. Nagkandaubo ito habang panay ang bayo sa dibdib.

Sumunod na pumasok si Lola Celia at nagmamadali itong lumapit kay Jazmine. May pumasok ring kasambahay para linisin ang mga nagkalat na bubog.

"Anong nangyari? Napano kang bata ka?" Nag-aalalang tanong nito pero tumalikod si Jazmine para maghugas ng mukha at kamay habang panaka-naka itong inuubo.

Ginanahan tuloy akong kumain. Katangahan five point zero version of Jazzy.

Hinaplos-haplos ni Lola Celia ang likuran nito. "Huwag ka naman kasing padalos dalos apo. Malilintikan ako sa Mommy mo kapag may nangyari sayo. Alam mo naman iyon may pagkaloka-loka. Hindi ko nga alam bakit pinatulan iyon ng Mama mo. Sige na, kumain kana at aalis na raw kayo sabi ni Mikaela. Huwag ka ng umakting diyan."

Hindi makapaniwalang napatitig si Jazmine sa Lola nito. Walang masabi and this time ay natawa na talaga ako ng mahina. Iyong mukha niya kasi halatang aping-api.

Wala itong imik na naupo at kumuha ng pagkain pero natigilan ito ng mapatingin kay Mikaela.

"G-Good morning Prof-"

"Ate." Walang emosyong pagtatama rito ni Mikaela.

"A-Ate."

Walang imik na ipinagpatuloy ng pinsan ko ang kanyang pagkain. Kaunti lang sana ang kakainin nito pero pinilit ito ni Lola Celia na kumain ng marami. Alam ko rin namang naiilang si Jazzy dahil na rin kay Mikaela.

"Bakit naman ang bilis niyong umuwi Mikaela? Mami-miss ko kayo rito. Minsan lang magawi ang mga apo ko dahil busy sila sa pag-aaral." Si Lola Celia na nakaupo sa harapan nito. Kami kasi ni Jazmine ang magkatapat ng upuan.

"May nangyari po kasi sa kaibigan kong si Miss Fin."

Naibuga ni Jazmine ang tubig na iniinom nito ngayon. Kung kelan papatapos na saka na naman magkakalat.

"Jazzy apo ano ba. Ano ba ang nangyayari sayo?"

Inubo na naman ito pero uminom ulit saka mabilis na tumayo.

"Wala Lola. Aalis na po kami kasi may kailangan din akong tapusin. Babalik din po kami." Humalik ito kay Lola Celia saka mabilis na umalis.

"Nangyari sa batang iyon." Takang tanong ni Lola Celia habang nakasunod ang tingin nito sa pintuang nilabasan ng pinsan ko.

"Thank you po sa lahat. Babalik po kami." Si Mikaela kaya napayakap rito si Lola pagkatapos naming tumayo.

"Mag-iingat kayo doon ha. Ingatan mo ang apo ko at ang anak niyo lalong lalo na ang sarili mo." Pinisil ni Lola Celia ang kamay nito pagkatapos nilang maghiwalay. "Ang tangkad mo talaga. Ang ganda ganda mo pa kaya sana huwag mong ipagpapalit sa iba si Selenophile."

Napakamot ako sa ulo. Nakakahiya. Bakit ako binubugaw ni Lola? Samantalang wala naman talagang makakapalit sa akin. Ayan nga at dala-dala nito ang assurance ko sa kanya.

"Ipagpapalit ko siya kapag nagloko."

Deretsang sagot nito kaya nanlaki ang mga mata ko. At ako pa talaga?

"Bye Lola. Mag-iingat kayo palagi rito. Babalik po kami." Hinalikan ko ito sa pisngi. "Pakisabi na lang po kay Lolo at Tito Kurt na dumalaw kami."

"Makakarating apo."

Si Lolo Vicente ay pansamantalang nasa bahay ni Tito Kurt kasama ang pamilya nito. Si Tito Kurt ay ang nag-iisang kapatid ni Tita Allison.

Ng makapasok kami sa sasakyan ay nandon na si Jazmine at halatang aligaga.

"Sofiera is fine kaya ayusin mong magmaneho Miss Giedevaun."

Ha?

Napatingin si Jazmine rito. "Wala pong nangyari kay Miss Fin?"

Umangat ang kabilang gilid ng labi nito. "I just said that because I have something to do at home."

Nalaglag ang panga ng pinsan ko.

"Why did you do that-"

"And why can't I?" Masungit na balik ni Mikaela rito. "I know your undying love for her."

"Ay shit naman Ma'am! Pinakaba mo ako." Napahampas pa ito sa manibela ng sasakyan nito.

"I know you like her so shut your dirty mouth."

Nanlaki ang mga mata ng pinsan ko. Magsasalita pa lang sana si Jazmine pero..

"Stop that explanation Miss Giudevaun. Minus ten for trying now to defend your self with a lie."

"Tang ina." Jazzy mumbled.

Napatutop ako sa aking bibig dahil gusto ko ng bumunghalit ng tawa lalo na nakakatawa ang mukha ng pinsan ko ngayon.

"What did you just said?"













"T-Tang ina ko po."







___

I'm so dang tired 🤌🏻

good morning- hope this will make your day ahead..

goodnight..

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ