Chapter 10

13.3K 644 86
                                    

Dominique

"I'm sorry we took so long."

Sabay kaming napalingon ni Jazmine at muntikan na akong matumba habang nakasandal sa sasakyan ng pinsan ko habang si Jazmine ay nakanganga. Paanong hindi e magkasama si Miss Fin at Mrs. Knutson ngayon.

Kung kelan talaga ako lumalayo. Saka naman ako sinusundan ng kamalasan. Ayaw ko na talaga siyang kibuin dahil parang ang dami ko ng kasalanan dito.

"Ok lang ba kayo?" Tanong ni Miss Fin ng walang magsalita sa amin ni Jazmine.

"A-ayos lang po Miss Fin."

"Parang hindi naman e. By the way, this is my friend na isasama ko. Si Mikaela Knutson. I drag her with me. Ayos lang ba sa inyo?"

Nagkatinginan kami ni Jazmine bago bumaling sa dalawa.

"Sobrang ayos po. Tara na?" Kinakabahang tanong ng pinsan ko sa mga ito.

Ngumiti si Miss Fin habang seryoso lang si Mrs. Knutson na nakatingin sa amin. Hmp! Yelong masungit!

Pinagbuksan ni Jazmine ng pintuan ang dalawa at hindi na nito hinintay pang makapasok ang mga ito para pagsarhan. Agad itong nagpunta sa drivers side at ako naman ay sa passengers side. Alangan namang magtabi kami ni Mrs. Knutson sa likuran at masolo ni Jazmine si Miss Fin sa harapan? Ha! Masaya siya! Hindi pwede.

"Hindi ko alam na may pagka-bad girl ang datingan mo Jazmine."

Ngumiti ng alanganin ang pinsan ko na sa huli ay naging pilit. Tuloy para siyang asong kumain ng maasim.

"What do you mean Miss Fin?" Kahit pa-simple lang ay alam kong kinakabahan ito base sa higpit ng hawak nito sa manibela habang pukos na pukos sa pagmamaneho matapos naming lisanin ang eskwela.

"You really drive this bad ass chic mustang!" Parang tuwang tuwa ito. Ngayon lang kaya ito nakasakay? Imposible naman.

Namula ang mukha ng pinsan ko kahit hindi ito nakikita ni Miss Fin.

"Ah opo pero hindi po ako bad girl." Oo nga naman. Minus points ito kung sakali kay Miss Fin.

Mukhang malaki ang tama ng pinsan kong ito.

"Huwag mo akong ma-opo opo Jazzy. I'm still young." Nakatawang wika nito samantalang tahimik lang kami ni Mrs. Knutson.

"I can see that Miss Fin." Hyper na sagot ng pinsan ko dahilan para matahimik ang Propesora namin.

Miss Fin cleared her throat.

"Dominique?"

"Yes Ma'am?"

"How come you don't drive?"

Napansin nito iyon? Sabagay kahit sino naman siguro malalaman non, tatlong taon ba namang hatid sundo ako hanggang ngayong fourth year na ako.

"Alam ko po pero hindi ako pinapayagan ni Mommy at Mama."

Natahimik ulit ito. May problema ba sa sinabi ko?

"Pardon Dominique?"

"Hindi po ako pinapayagan ni Mommy at Mama na magmaneho." Ulit ko.

"I'm sorry I don't get it. Couple?"

Napatango ako habang nakatingin sa daan. "Yes Miss Fin. I have a Mommy and a Mama."

"So which is your real Mom kung ok lang malaman. I mean uso naman ang IVF ngayon diba?"

Napangiti ako. "I'm their biological daughter."

"No, I mean that's impossible. Kaya na nilang gumawa ngayon ng ganun?" Kahit hindi ko nakikita ang mukha nito ay alam kong namamangha ito.

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon