Chapter 49

12.7K 759 110
                                    

Dominique

"Takbo!" Sigaw sa akin ni Jazmine ng lumabas si Lolo Aliseo mula sa likuran dala ang itak nito.

"Sinong nagnanakaw ng mangga ko?! Tatagain ko kayong mga walang hiyang mga bata kayo!" Nanlaki ang mga mata ko sa sigaw nito. Nahulog pa ako at bumagsak sa lupa. Ang sakit tuloy ng tagiliran ko. Aangal sana ako dahil sa pagkahilo pero naalala kong nasa panganib ang buhay ko.

Mabilis akong bumangon at tumayo saka tumakbo sa direksyon kung saan kami sumulpot kanina ni Jazmine.

"Bumalik kayo rito! Mga salbaheng mga batang magnanakaw!" Narinig ko pa ulit na sigaw nito. Salamat na lang talaga at matanda na. Hindi na ito makakahabol sa amin.

Naabutan ko si Jazmine na nakasandal sa puno habang kipkip nito ang mangga na inilagay pa talaga sa harapan ng damit nito. Wala kasi kaming dalang supot. Magnakaw na nga lang palpak pa.

"F*ck that's crazy." Mahinang mura ng pinsan ko habang butil butil na pawis ang nasa noo nito at ang ilan ay naglandas na sa pisngi. Mabuti na lang maganda ito kundi ay magiging certified dogyot.

"I told you to watch him habang namimitas ako pero magsasabi ka nandiyan na." Pareho pa kami nitong hinihingal.

Mabuti na lang at hindi mataas ang puno ng manggang inakyat ko. Antagal ko pang umakyat kanina dahil hindi ko alam papaano. Sa totoo lang ay mas hindi ko rin alam kung paanong bumaba pero blessing in disguise na rin ang pagkakahulog ko sa puno.

"Hindi ko naman alam na maririnig ang nabaling sangang inapakan mo." Natawa ito saglit. "Matanda na pero malakas pa rin ang pandinig. Mabuti hindi tayo namukhaan kasi alam kong malabo na ang paningin ni Lolo."

"Tara na. Babalatan pa natin iyan."

Ng makauwi kami ay nagtataka si Lola Celia kung bakit ang dumi raw namin. Napakamot si Jazmine sa leeg nito.

"Nagnakaw kami ng mangga ni Lolo Aliseo, Lola."

"Aba'y bakit niyo naman ginawa ang bagay na iyon? Wala na ba kayong pambili? Pwede niyo namang hingiin na lang kesa nakawin. Wala talaga kayong magawa sa buhay niyo at nakuha niyo pang lokohin ang Lolo Aliseo niyo."

Ako naman ngayon ang napakamot sa ulo. Kumuha si Jazmine ng dalawang peeler at ibinigay sa akin ang isa.

"E Lola iyon kasi ang bilin ni Mikaela." Wika ko habang nagbabalat ng mangga.

Napailing ito. "Sabagay mahirap talagang maglihi. Mabuti nga at nakakakain ng tama ang asawa mo samantalang ako noon e ang hirap kong kumain. Halos mabaho ang kadalasan kong naaamoy kahit sa iba ay normal naman at merong mga taong kahit wala akong sama ng loob sa kanila e napapangitan ako ng walang rason."

Nagkatinginan kami ni Jazmine.

"Mabaho daw." Pabulong kong wika rito.

"Gago." Bulong din nito pabalik sa akin.

"Hindi pa kami mag-asawa Lola. Kasintahan ko po siya." Pagtatama ko sa sinabi nito kanina.

"Doon din naman ang punta niyo. Alangan namang anakan mo na lang si Mikaela. Ang ganda ganda pa naman niya at mukhang mabait kasi hindi palaimik."

Kunway napaubo si Jazmine.

"Kung ganun. Kakainin niya lahat iyan?"

"Opo Lola." Si Jazmine ang sumagot rito.

Napangiti ito habang patuloy lang kami ni Jazmine sa pagbabalat ng mangga. "May kasabihan ang mga matatanda noon na kapag kumain ng maaasim ang mga naglilihi. Hindi ka dapat nakikikain dahil mapupunta sayo ang paglilihi niya ng ilang araw."

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon