Chapter 37

11.5K 622 43
                                    

Dominique

"What are you doing here Howard?" She asked me in her mono tone voice. Kitang kita ko ang mga mata nitong walang buhay at punong puno ng lamig.

Wala namang bago pero hindi pa rin ako sanay lalo na kapag ganitong parang may nagkakarerahan sa tiyan at dibdib ko.

I cleared my throat bago huminga ng malalim. Mahaba ang pasensya ko pero sa klase ng ugali ni Professor Knutson ay talagang nasusubok ako. Ang sabi rin kasi ni Mama Scarlet kapag daw gusto ay kailangang paghirapan. And with Knutson I am willing to sacrifice for her.

"You're wasting my time."

Hindi man lang ito nagulat ngayon na nandito akong nakatayo sa mismong harapan ng pintuan nito at imbes ay nagsusungit. Napakataray talaga ng babaeng ito.

Kakauwi lang nito at nanggaling daw sa check up sabi ni Mr. Bryson. Hinatid rin ito ng isa kaya kampante akong safe ito tuwing umaalis at umuuwi. And I thanked Bryson for taking care of her kahit papaano.

Nandito ulit ako para magbigay ng bulaklak at isang basket ng iba't ibang prutas at pagkain galing sa restaurant ni Mama Scarlet. Usually ay nagdadala ako ng sandamakmak na bulaklak sa harapan ng bahay nito. Natutuwa akong may susi si Tita Xen na ibinigay sa akin. She call it a whore key since lahat ay kaya nitong buksan kasama na pati ang gate ni Mrs. Knutson.

Si Jazmine palagi ang nakakasama ko para mamili ng bulaklak o di kaya ay bumili ng groceries since wala akong sasakyan at ito ang driver ko. Hanggang ngayon ay hindi pa nito alam na buntis si Mrs. Knutson at ako ang ama. Ganun ang naging set up namin ni Jazmine sa mga nagdaang linggo at nauuna ako palagi sa school sa umaga para maglagay ng bulaklak sa lamesa ni Mrs. Knutson pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito lumalambot sa akin.

May nangyari na. Nabuntis ko na't lahat lahat pero wala pa ring ganap kung ano na ang estado namin.

I am aware na hindi ako nito mahal pero hindi ako pwedeng sumuko. I love her at dinadala nito ang isang Howard na eventually ay magiging tagapagmana ko.

"Nandito ako para kamustahin ang mag-ina ko."

She crossed her arms at halatang hindi nito nagustohan ang sinabi ko.

"Wala kang mag-ina rito."

"Ikaw at ang anak ko na dinadala mo."

"You don't own this child I'm carrying Howard. Makakaalis kana."

That made my blood boiled. Akmang isasara na nito ang pintuan ng bigla na lang akong pumasok dala-dala ang mga pinamili ko para dito. Walang lingon akong dumiretso sa kitchen at ilapag doon ang mga pagkain kasama na ang isang basket ng prutas. Hindi ba niya alam na ang bigat ng mga dala ko at hindi ako sanay magbuhat.

"Get out of my house." Malamig nitong utos sa akin na sinundan pa talaga ako.

Tumingin ako rito at nakipagsukatan ng malamig na tingin.

"Hindi mo ako pwedeng palayasin. Ano iyon Mikaela? Pagkatapos mo akong gamitin para anakan ka saka mo ako itatapon na parang basura?"

This woman get under my nerves. Huminga ako ng malalim para kontrolin ang sarili ko. Inaalala ko kasing buntis ito at nakakasama sa bata kapag na-stress ang ina pero paano mai-stress ang ina kung walang pakiramdam!

Napahawak ako sa dibdib ko ng kumirot iyon dahilan para matigilan si Mikaela sa sasabihin sana nito.

"Are you ok?" Napakunot ang noo nito.

Manhid.

Magtatanong pa talaga. Why can't she just accept my help? Kung ayaw nito at least isipin man lang nito ang magiging anak namin at kahit ilang beses pa nitong itanggi na hindi akin ang batang dinadala nito ay hindi ako naniniwala.

"Hey, answer me dimwit." Wika nito ng hindi ako sumagot.

Lumapit ito sa akin at kahit papaano ay nakita ko ang pagrehistro ng kaunting pag-aalala sa mga mata nito pero ang mukha ay nanatiling walang emosyon. Paano nito nagagawa ang bagay na iyon?

I compose myself saka ako huminga ng malalim. "Ayos lang ako." I looked at her straight in the eyes. "Let's talk." Kalmado ko ng sabi rito. "I can't go on like this Mikaela kasi kahit ilang beses mong sabihin na hindi akin iyan. Hindi ako naniniwala. Huwag ka naman maging madamot. Isipin mo ang bata-"

"Why would you bother kung hindi naman ikaw ang ama?"

"For the nth time. I don't believe you and trust me kung sabihin ko sa iyong marami akong paraan para mapatunayan ang bagay na iyon."

Tumaas ang sulok ng isang labi nito. Halatang nagtitimpi.

"You don't believe if I said this is not yours?"

"Like I said-"

"But you do believe and you know that I don't love you right?"

Ouch! Oo na. Ako lang naman ang nagmamahal rito at hindi ko naman nakakalimutang gusto lang ako nito at ngayon ginusto lang din na anakan ko.

"You have a bad habit of cutting me off and I don't care woman if you love me or not." Kumirot ulit ang dibdib ko kaya napahawak na ako sa gilid ng lamesa.

"Howard-"

"Stop it Professor Knutson." I said as I lift my right hand to stop her from taking any steps closer to me. "I am after the baby."

Tinitigan lang ako nito. "If you can't do the right thing then ako ang gagawa non. Alam mo ba ang kasabihan Professor Knutson?"

Hindi ito nagsalita at nanatiling nakatingin lang ito sa akin ngayon ng walang buhay. How could such a beautiful woman be this cruel?

"You can't be a good Mother unless you become a good Daughter. The example you set to your child will come after you being a good Daughter and what your Mom taught you is exactly the Mother you're going to be."

Hindi ito natinag at mas lalong naging malamig ang ekspresyon ng mukha nito.

"You know nothing."

"Maybe pero sa lahat ng ginawa sa akin ng mga magulang ko. That's everything. And the child is mine kaya gagawin ko rin ang tama para sa kanya."

"Stay away from me Howard. I don't love you and will never be a part of your future life! Get out!"

Shit!

Bakit ganito kasakit?

I didn't say anything as my chest keeps on hurting. Nade-depress ako at para na akong namamanhid sa sakit.

"Ok." I said as I walked out of her house.

Nagmamadali akong makalayo sa bahay nito at pagkaapak ko pa lang sa labas ng gate ay mabilis akong inalalayan ng pinsan ko.

"Cous anong nangyayari sayo?"

Pero umiling lang ako rito habang sapo ang dibdib ko.




"Take me home Jazzy."












_____
Natatamad akong pumasok sa work bukas 😂 I wasn't tired today but also I wasn't feeling well at dahil doon. Literal na nakahiga lang ako maghapon kanina sa work. Wala ako sa mood to do anything.

This story is no revision.
Goodnight..

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon