Special Chapter - Trish

Start from the beginning
                                    

"Sagutin mo na lang kasi," sabi niya at inirapan ko naman siya.

"Hindi ko alam," sagot ko. Totoo naman na hindi ko alam, jusko. Hindi pa naman sumasakit 'yung boobs ko. Ganoon kasi 'yon kapag dinadatnan ako, malalaman ko 'yun kapag sumasakit na 'yung boobs ko. E hindi naman sumasakit, so paano ko malalaman?

"Ano ba freak, huwag mo naman akong lokohin." Sabi niya sa akin.

"E hindi ko nga alam! Malay ko ba!" singhal ko sa kanya. Kung kanina ay medyo lumamig na ang ulo ko. Ngayon ay parang umiinit na naman dahil sa kakatanong niya. Lakas makataas ng pressure ng dugo!

"Okay, huwag ka na magalit. Ito na lang ang tanong ko, ano ang gusto mong kainin?" tanong niya sa akin. Muntik na akong maguluhan sa tanong niya.

"Wala. You should ask me, sino ang gusto kong makita." Sabi ko sa kanya.

"Oh? Sino nga ba?" maikling reply niya.

"Namimiss ko si Carlito." Sagot ko.

"Na naman?" tanong niya sa akin.

"Ano ngayong problema mo kung namimiss ko siya?" napakamot siya sa kanyang kilay.

"Ako naman ang paglihian mo, freak." Sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

Ano daw? Sino raw ang naglilihi? Bakit may 'paglilihing' thingy na nasama? At bakit maglilihi, sino ba ang buntis?

"Sino bang buntis?" tanong ko na walang ekspresyon sa aking mukha. Hibang na ata 'tong asawa ko.

"Ikaw!" mabilis niyang sagot.

"Ako?" turo ko sa sarili ko.

"Oo." Tugon niya, "Ikaw.." turo niya sa akin.

"Paano?" Tanong ko.

"Nagsex tayo."

Muntik na akong mapamura sa sagot niya. Bigla siyang tumawa habang ako ay napapikit ng mariin. Huminga muna ako ng madaming beses para kalmahin 'yung sarili ko. Masanay ka na, Trish. Medyo may kabastusan talagang taglay 'yang bibig ng asawa mo.

So buntis ako?

"Bakit hindi ko alam?" tanong ko sa kanya.

"Dahil... ano.. dahil hindi ko rin alam ang sagot sa tanong mo, freak!" tumawa siya bigla. Mahabaging Diyos, bakit Mo ako binigyan ng gwapong asawa kung kalauna'y mababaliw naman pala. May kinuha siya sa sa dashboard ng kotse.

"Pregnancy test kit, itry mo na ng makasigurado tayo," iniabot niya sa akin iyong puting test pack.

"As in now na talaga?" tanong ko at tumango siya, "As in now sa gitna ng highway?" tanong ko at inilabas niya iyong ethyl alcohol.

"Oo, freak. Excited na ko sa magiging resulta!" bigla kong binato sa mukha niya 'yung hawak kong test pack. "Aray naman! Bakit ka na naman namamato?!" sigaw niya.

"Sinisigawan mo ko?! Ha?!" tanong ko pabalik sa kanya. Biglang umamo ang mukha niya sa akin saka banayad na ngumiti.

"Hindi nga po. Nagvovocalize kasi ako." Sagot niya na ikinatawa ko. "I-try mo na ngayon, isang patak na ihi lang naman, e..." sabi niya pa. Oh God, napakabastos talaga ng bibig niya, "..bilis na, baka si baby girl na 'yan!" masigla niyang sabi.

"Unang una, nasa gitna tayo ng highway." Sabi ko at umangat ang kilay niya.

"Hindi ka naman makikita ng dumaraan. May kotse naman tayo." Sagot niya at napa-face palm ako.

"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa'yo! Oo na, mamaya uubusin ko 'yung test pack sa bahay at ipapalamon ko sa'yong lahat." Sabi ko at natawa siya sa sagot ko. Minsan talaga ay hindi ko alam kung sira na ba talaga ang ulo niya, masyado ata siyang nadepress dahil hindi na siya gaanong lumalabas sa telebisyon. Mas gusto niya kasing maging normal na tao raw, well, good for him, abnormal siya , e.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Where stories live. Discover now