Chapter 9 "Her Bad Side"

Magsimula sa umpisa
                                    

Bakit?Totoo naman ha?Patay na patay si Ken kay Nicka.

"Tsaka nagtatampo din nga pala yun dahil mag-iisang linggo na kayong hindi nagkikita."

[Hm.Ganun ba?Sige,tatawagan ko sya mamaya.]

"Tawag lang?"

[Sai,alam mo namang madami akong ginagawa.]

"*shrug*Lagi naman.So...bakit ka tumawag?"

[Vacant ko ngayon kaya tinawagan kita.Namimiss na kita,Sai.]

I heard her laughed but I know it's fake.

"Ayos ka lang ba dyan?"

Bigla syang natahimik sa kabilang linya kaya napakunot ang noo ko.Something's wrong at hindi sinasabi sakin yun ni Nicka.

Huminto ako sa paglalakad at ganun din si Louie.

"I'm waiting for your answer,Nicka.Ayos ka lang ba dyan?"

[A-ah oo,Sai.Ayos lang ako dito.]

Nanginginig ang boses nya.

"Vacant mo ngayon,di ba?"

[O-oo.Bakit?]

"Pupunta ako dyan.Hintayin mo ako."

In-end ko na yung call tsaka ako mabilis na naglakad papuntang parking lot.

"Samahan na kita,Sai."

"Hindi na,Louie.Besides,girl bonding tong gagawin namin and boys are not allowed."

"Hay...sige na nga.Ingat ka,Sai."

Tinanguan ko sya bago ako sumakay sa kotse ko.

Minadali ko ang pagmamaneho papunta sa school na pinapasukan ni Nicka.Hindi naman yun ganun kalayo.

Makalipas ang 20 minutes na pagmamaneho,narating ko rin ang school nila.Nagpark ako sa parking area na malapit sa Leial University (pinapasukang university ni Nicka).

Bumaba na ako sa kotse ko at pumunta sa gate.Bago ako makapasok,hinarang muna ako ng guard.

"Ah,hija.Kailangan ko ang ID mo bago kita papasukin."

Agad ko namang binigay ang ID ko.Hindi masyadong mahigpit dito sa Leial.Kung hindi ka nag-aaral dito,iwan mo lang ang ID mo sa guard at papapasukin ka na nila.

"Oh sya,sige.Kunin mo na lang to pag palabas ka na,hija."

Tumango ako tsaka ako nagpatuloy sa pagpasok.Madaming studyante ang nagkalat sa school grounds.Karamihan sa kanila ay nakatingin sakin dahil na rin siguro sa suot kong uniform.Ang weird nga namang makakita ng taga Grimson sa loob ng Leial.Bakit weird?Dahil kalaban lang naman ng school na to ang school namin pagdating sa pagiging famous.

Nagpalinga-linga ako,nagbabakasakaling makikita ko si Nicka.Kinuha ko ang phone at tinawagan si Nicka pero ring lang ng ring ang phone nya.Hindi kaya may klase na sya?

Palakad-lakad lang ako sa loob ng campus hanggang sa makarating ako sa lugar na may bench and tables.Sa di kalayuan,may nakikita akong mga babae na nakapalibot sa isa pang babae.

That girl in the middle...kinda familiar...

The hair...the glasses...the way she hold those books...

It's Nicka.

Hindi ako pwedeng magkamali.What is she doing with those weird girls?

Lumapit ako sa kanila ng tahimik.Looks like they're having a conversation.

"Don't make me laugh,Nicka.Lahat naman tayo dito,madaming ginagawa."

Sabi nung babaeng nasa harap ni Nicka.Anim silang nakapalibot kay Nicka at sa tingin ko,hindi sila friendly.

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon