“Kamusta ka po Mama?”

“Na miss ka po namin!”

“Welcome home, Ma."

Naupo na muna ako sa sofa na medyo masira na pero nauupuan pa naman. Pumasok din si Mark sa dating kuwarto ko para kumuha ng panyo at tubig naman si Breil. Si Rehan ay nasa kusina, tinatapos ang niluluto na itlog para sa mga kapatid niya na siyang ikinangiti ko ng husto.

Napakamaalaga talaga ni Rehan kahit kailan. Si Caly naman ay ayaw humiwalay sa akin dahil na-miss daw ako. Halos dalawang linggo din akong Hindi nakadalaw sa kanila dahil na din sa tumulong pa ako doon sa mansion. Laking pasalamat ko na lang na pinayagan akong makauwi.

“Ma, gutom ka po ba? Tara po dito, kain po tayo. Nagdagdag po ako ng itlog na niluto para sa inyo.” Ginulo ko ang buhok ni Rehan at tinanguan siya.

Si Caly naman ay ayaw bumitaw sa kamay ko at gano'n din si Breil. Akmang uupo na ako nang may nakalimutan ako.

Nagpaalam muna ako saglit sa kanila na may kukunin lang sa labas at Mauna na silang maupo sa mesang nabili namin sa palengke isang buwan ang nakaraan dahil tuluyan ng bumigay ang luma.

Nang makabalik ako sa loob ay ipinuwesto ko ang nakalimutan ko sa labas kanina. Sinamaan tuloy ako ng tingin.

“Mga bata, kilala niyo naman na siya hindi ba? Si Achie, ang dating boss ko," pagpapakilala ko sa kanila.

Nag hello naman siya at nakatayo lang doon. Hindi kasi siya kinibo ng mga bata at nakatingin lang sa kaniya lalong lalo na si Rehan.

Bumaling sa akin si Achie at sa tingin niya pa lang ay parang nanghihingi na siya ng tulong na siyang nagpatawa sa akin.

Iyan ang nakukuha niya sa pagpupumilit na maghatid sa akin. Ipapahatid naman na daw sana ako ni Ma'am kanina eh kaso umepal siya kaya ayan. Edi na-awkward na siya kakatayo.

Tumikhim muna si Rehan at nagsalita. “Magandang araw din po. Maupo ho kayo kung nais niyo. Itlog lang po ang maari naming mai-share dahil hindi po kami mayaman tulad ninyo po,” saad nito at tumikhim muli bago nagsimulang magsandok ng kanin para sa mga kapatid.

“Good morning po."

“Kain ka po kung gusto niyo."

“Magandang araw po."

Kaniya kaniyang bati ng tatlo na ngayon ay busi na sa pagkain.

Nahiya ako sa kaniya dahil parang ayaw niya naman dito kasi sino ba naman ang may gusto kong nasanay sa sobrang luwag na bahay at engranding pagkain sa hapag.

“Ma, upo na.”

“Ay opo, heto na.” Dali dali akong kumuha ng stool para sa akin at kay Achie na tahimik lang at agad na sumusunod sa pinagagawa ko. Sumama pa kasi.

“Kung gusto mo, hati tayo dito sa scrambled egg. Magsasaing na lang ako ulit mamaya para sa mga bata. Huwag kang mahiya, nakakain ka naman na siguro ng scramrbled egg eh,” saad ko habang nilalagyan ng kanin ang plato niya at hinatian ng itlog.

“RJ may kutsara pa ba?” Umiling si RJ na siyang ikinatitig naming dalawa ni Achie.

“Lima lang tayo Ma, kaya lima lang din ang kutsara natin. Ayokong lumagpas sa gano'n kasi baka masanay ang tatlo na may gumamit ng gumamit ng mga bagay na hindi limitado.” Tumingin siya kay Achie at itinaas ang kanang kamay.

“Puwede ka naman pong mag-kamay na lang dahil nagamit na ni Mama iyang kutsara na hawak niya at bawal kayo magsalo ng laway.”

Hindi na ako nagulat sa mga salitang lumabas sa bibig ni Rehan. Ganito talaga siya sa mga taong malapit sa kaniya, minsan ay sobrang strikto. Tahimik lang kapag Magalit pero kapag may sasabihin, may kabuluhan naman. Kaya mas kampante akong kaya nilang apat kahit wala ako dahil nandito si Rehan.

HER HALF (COMPLETED) Where stories live. Discover now