“I'm Christoffer by the way.” Taranta akong bumaling sa kaniya at tinanggap ang pakikipagkamay niya. Hindi ko naman expect na magkakaroon ng ganito, ang akala ko lang naman kasi pagkatapos ng introduction kanina at makakaalis na ako pero hindi pa pala.

“You can call me what ever you want. You can even call me love,” saad nito at tumawa.

I chuckle too then swallow the rest of the cupcakes down my throat. I can't believe this man. Is he trying to flirt what the me? Have no time for love, I need to work.

“Joker ka naman pala. Teptep will do, right?”

“Teptep it is---”

Maysasabihin pa sana siya nang biglang nagtugtog ang music at para bang may sayawan na magaganap.

Napalingon ako sa paligid ko. Kaniya kaniya ang paglapit ng mga lalaki sa ibang babae o ang mga mag-asawa ang agad na naglakad papunta sa gitna at nagsayaw.

Malumanay ang kanta at talagang napakasarap pakinggan. Panay ang tikhim ko nansa tingin ko ay ako lang nakakarinig nang hinampas ng kaunti ni Christoffer ang mesa gamit ang kamay niya at inilahad sa akin ang isa matapos ang ilang segundo bago nagsalita.

“May I have this dance?” Nakatitig lang ako sa kamay niya at Napatingin sa mukha niya.

Nagdadalawang isip ako dahil hindi ko naman alam paano ang sumayaw. Paano kung matapilok ako doon? Nakakahiya kapag ganon. Mga tanyag pa naman na mga entrepreneurs ang nandito and there's no way I'm embarrassing myself or the Vasco.

Ilang segundo pa ako nag-isip nang maramdaman ko ang yapak ng isa pang lalaki sa may gilid ko.

“This beautiful young lady is dancing with me, right Maya?”

Nang lingunin ko ay hindi nga ako nagkamali. It's no other than Achie Miel Vasco. Nakalahad din ang isang kamay niya at nakatingin sa akin at paminsan-minsan ay itinataas ng kaunti ang isang kilay na para bang sinasabi niyang, ‘tatanggapin mo o tatanggapin mo?’, gano'n.

“Ay, oo eh. Sorry teptep ha, mauna na kami. Nice meeting you.”

Agad kong tinanggap ang nakalahad na kamay ni Achie at hinila patungo sa nagsasayawan na mga tao. At nang sigurado na ako na hindi ako makikita ni Christoffer ay tumigil na ako at humarap kay Achie. Hindi na ako nagulat nang nakatingin din siya sa akin.

Tahimik niyang hinawakan ang beywang ko gamit ang isang kamay niya at ang isa naman ay hinawakan ang isa ko pang kamay at itinaas ng kaunti bago nagsimulang mag-sway ng dahan-dahan.

Napapayuko at napapalinga sa kung saan dahil hindi ko makayanan ang tingin niya.

“You look beautiful in that dress, Maya. Kahit na nagulo ang buhok mo dahil kanina, you still look amazing.”

Pigil ang ngiti ko sa mga oras na 'yon dahil ayaw ko namang isipin niya na gustong gusto ko ang mga sinasabi niya patungkol sa akin.

Tumango ako at tahimik na nakipagsayaw sa kaniya nang muli siyang magsalita. “I missed you." At sa pagkakataong ito, hindi ko napigilan na higpitan ang pagkakahawak sa isang kamay niya dahilan ng pagngiti niya.

“Miss mo din ako 'no?” Napatawa ako sa narinig, natampal ko tuloy ang braso niya kung saan nakalagay ang isang kamay ko.

“Tumahik ka. Don't ruin the mood, Achie.” Tumango tango siya at tahimik lang kaming nagsasayaw, paminsan-minsan ay nagkakatitigan at agad na umiiwas ng tingin. Iyon ang ganapan hanggang sa matapos ang kanta.




“MAMA!” Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko kay Caly nang salubungin ako pagkapasok ko sa loob ng bahay.

“Kuya nandito na si Mama!” Ilang segundo lang ang lumipas at nagsulputan ang tatlo. Yumakap at hinalikan ako sa pisngi na pinangunahan ng panganay na si Rehan Jay, sinundan ni Mark Jihan at Breil James.

HER HALF (COMPLETED) Where stories live. Discover now