SPY

40 0 0
                                    

CHAPTER VIII

Selene's POV

Last day na ng paglalakbay namin.

Hindi ko maintindihan itong si Afriel dahil minsan suplado,minsan makulit,minsan loko,minsan tahimik,minsan maingay pero madalas mabait... Ah basta ang ABSTRACT niyang tao kung tao nga sya. Sa 3 days na magkasama kami naging mabait sya sakin, nakakangiti ako though mahirap ang sitwasyon ko ngayon. Ulilang lubos na ako. Ano na lang mangyayari sakin? Ah bahala na lahat ng Man... Si Superman, Batman,X-men,Blueman,Redman,Greenman,Blackman pati na rin si Pinkman. Ayan na naman ako ee si mahilig mag-imbento.

"Afriel..." pagtawag ko sa pangalan nya

"Ohh... Problema mo?"

"Marami, bakit?" i answered

Totoo namang marami akong problema, pinoproblema at poproblemahin ee. Tsk.

"Tss... Bakit nga?"

Hahahha... Anong problema ng taeng ito este tao ayy... Creature na lang, di ko kasi alam kung ano ba talaga.

"Hmm..." huminga ako nang malalim at saka nagpatuloy...

"Tao ka ba?" i added

Napahinto sya ng paglalakad. Omm... Teka hindi kaya... Ohhh myy!!!

Kalahi kaya sya ni Matteo Do? Teka... Ilang beses na nya akong niligtas ah... So ako kaya ang another version ni Steffy at sya ang another version ni Matteo Do? So Alien sya? Omm ommm ommm...

Tinitigan nya ako at saka huminga ng malalim. Aaminin na kya nya na Alien sya?

"Briella..." sabi at saka humugot ulit ng malalim na hinga.

"Okay lang naman kung Alien ka, 'Wag kang mag-alala hindi ko sasabihin kahit kanino na may Alien dito sa lugar na 'to."sabi ko sabay ngiti

"Briella...hindi akoㅡ"

"Tao ka?" tanong ko ulit pero umiling sya so... Confirmed

"Okay nga lang ee. Syempre hindi mo kayang aminin pero gets ko naman na 'no." dagdag ko

Napaisip na lang siya at nag-sigh. Tignan mo 'to ang tagal na naming naglalakad pero ni minsan hindi sya hiningal tapos ngayon hihingal-hingal sya.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Imagine hindi ako nabibigatan sa mga armas na dala ko. Ang buong akala ni Afriel ay isa kaming mangangaso ni Papa na naligaw lang dito. Kahit sobrang bait nya sakin hindi ko pa rin pwedeng sabihin ang mga bagay na dapat ako lang muna ang nakakaalam. Ako nga mismo naguguluhan pa ee sya pa kaya. Mas okay na rin 'to dahil magkakahiwalay na rin kami 'no.

"Briella... Malapit na tayo." sabi nitong Alien na 'to.

"Talaga?" sagot ko

Pagkalipas ng ilang segundo...

Mag-isa na lang ako. Sobrang lungkot nun. Being alone is more painful than getting hurt sabi sa nabasa ko noon. Madali naman kasing mag-pretend na masaya ka pero deep inside sobrang lungkot mo. I'm actually Dead Inside but still trying to live outside.

"We're here." pagkasabi nya nun parang ayoko pang umalis.

Tumapak na ako palabas.

"Hoy Banana hater! 'wag mong tatangkaing magpakamatay hah." sigaw nya dahil lumabas na ako sa portal na 'yon. Gusto ko syang lingunin pero nauna na ang pagpatak ng luha ko. Sa kanya ko kasi naihinga lahat ng sakit na naramdaman ko mula noong nawala si Papa sa tabi ko. Utang ko sa kanya ang paghinga ko ngayon pero gago 'yon ee mas okay na nga na patay na ako. Hayyy...

The Half Moon of the SunWhere stories live. Discover now