Lame

37 0 0
                                    

CHAPTER VI

Selene's POV

Natapos na ang training ko kaya ang saya-saya ko kasi nangako sakin si Tito Garf na pwede akong gumala rito sa tribe nila at pumayag naman si Papa. Si Arfin ang tour-guide ko. Naging mabait na sakin si Arfin pero di parin nya kayang alisin ang pang-aasar na para sa kanya ee katotohanan daw. Pag magkasama nga kami i feel something... Ewan ko ba... Masaya lang ako pag nakikita ko syang masaya and i can assure na itong feelings ko sa kanya ee hindi love but it feels like a special. Ah basta nakakatamad nang mag-explain. Hahha...

Napaka-gentleman nya naman kasi at matulungin sya. He always think for the others before himself.

Hinihintay ko si Arfin. Ang tagal naman nun. Kung matulog naman sya parang oso.

"Kanina ka pa ba naghihintay? Pasensya ka na ha napasarap kasi tulog ko." I saw him na nag-stretch pa sa harap ko sabay hikab. He put his hand on his pocket then he smile.

"Ah. Hindi naman. Excited lang akong mamasyal dito." sagot ko

"Kailan nga pala kayo uuwi?"

Oo nga nawala na sa isip ko iyon ah. Geez.

"Hindi ko pa alam." naisagot ko na lang

Nagsimula na syang maglakad kaya sumunod na lamang ako sa kanya.

"Saan tayo pupunta Arfin?"

Ano ba ito? date ba ito? Hindi naman siguro. Bakit kasi kaming dalawa lang. Tss...

"Kung saan hindi mo pa napupuntahan."-Arfin

Huminto kami sa maliit na bahay pero napakagara dahil gawa sa gold.

"Kaninong bahay iyan? Ang yaman naman ng may-ari nyan."

"Ang mga dwarf ang namamahala sa mga golds. Tara na at pumasok." sagot nya

Bumungad sa amin ang nakakasilaw na mga ginto. Napakaraming alahas. Ang gaganda.

"Magandang Araw Prince Arfin." bati naman ng isang dwende na may katandaan na.

"Nasaan ang mga magagandang bracelet nyo rito?" tanong ni Arfin

Mahilig din pala sa alahas itong pesteng ito.

Nilabas ng matandang dwarf ang naggagandahang bracelet. Ang cool!

"Mamili ka Selene."

Natulala ako. Ako. Ako ang mamimili? Halos lahat maganda eehh...

"Bakit ako?"

"Malamang ikaw ang magsusuot."

Ako ang magsusuot. Kinapa ko ang leeg nya pati ang noo nya, i was checking kung inaapoy ng lagnat itong taong ito. Tinignan ko ang likuran nya baka kasi bigla syang tinubuan ng pakpak at naging anghel.

"What the hell are you doing?!" nainis na sya. Agad agad maiinis na. Tss.

"Instead of doing stupid things just choose!" pikon na yan. Hahahha

"Yes commander!" sagot ko

Nagkunot noo naman sya, kung may baon lang akong plantsa aba pinalantsa ko iyong noo nya.

Natagalan akong pumili. Grabe naman kasi ang daming magaganda pero isa lang ang pipiliin ko. Masyado na kasi akong abuso kung hihingin ko lahat, baka malugi na sila.

"3 minutes left. Ang kupad mo." ang sungit na naman nya. Kanina ang bait. Siguro kasabay nang pagsabog ng Mt. Pinatubo ang pagsilang nya.

Nakapili na ako. Pinili ko 'yong bracelet na may crystal na blue then red. Hihihi... Ang cool talaga. Baka ma-holdap ako nito ihh. Sinuot ko na agad.

The Half Moon of the SunWhere stories live. Discover now