Tribe of Dwarf and Giant

93 2 0
                                    

CHAPTER II

Selene's POV

Sa paglalakad namin napansin kong hindi ako nakararamdam ng pagod. Tss... Alien ata ako, 'yon ata ang pagkatao ko. Habang kausap ko ang sarili ko nagsalita si Papa "We're here" at napabuntong hininga.

Katakot naman ito parang bahay ng mga bruha, dito ako magbabakasyon? Kaloka ha.

Papa, sigurado ba kayong dito ako magbabakasyon? Paano ko ma-e-enjoy ang bakasyon ko sa ganitong lugar? Akala ko sa white sand beach ninyo ako dadalhin o di kaya'y sa isang magandang lugar. Ee... Papa, parang bahay 'to ng mga... Natigilan ako nang takpan ni Papa ang bibig. "Sssshhh... Watch your word, My little princess." seryosong sabi ni Papa. Ba't biglang sumeryoso ang Papa ko? Di naman siya ganito ahh. Nakakapanipabago.

Sorry po, malungkot na sabi ko.

Hindi maganda ang pakiramdam ko. Parang gusto ko nang umuwi. Huehuehue. :"( Nakakapanibago talaga ang kilos ni Papa parang may gumugulo sa kanya na nagdudulot ng kalungkutan sa kanya. Hmmm... Nahawa na rin tuloy ako.

Biglang humangin nang napakalakas kaya napapikit ako. May narinig akong malaking boses "Eli!" tinawag nya si Papa.Napuwing ako kaya hindi ko agad nakita ang nagsalita.

"Sabi ko na nga ba at babalik ka rito, Maligayang Pagbabalik Eli" dagdag pa nito.

Medyo Okay na ang mga mata ko nagkaroon na 'ko ng pagkakataong makita ang taong ito.

Wooahh... Ang Cool ng sapatos nya. 'yon agad ang napansin ko kasi mahilig ako sa sapatos. Sana sa pagbabakasyon ko bigyan nya ako ng sapatos na tulad ng sa kanya.

"Garf, it's been a long time pero ang pogi mo parin tulad ko." bati ni Papa doon sa lalaking kasing edad lang din ni Papa.

Agad namang inakbayan nito si Papa habang ako out of place, tapos bigla itong napatingin sakin at ngumiti "Kamukhang kamukha mo si Eloisa pero tingin ko ugali ng Papa mo ang nakuha mo kaya mahihirapan yata akong i-train ka." saad ni Ginoong Garf sa akin habang ako naguguluhan parin talaga. Naloloka na ako. Kanina kikilanin ko ang sarili ko tapos ngayon may training na ako. Aba parang ang bilis ng pangyayari sa buhay ko. Katatapos ko lang sa high school at akala ko bakasyon ang pinunta ko tapos may training pala ako. Geez. -_- What the ...

"Anak tara na sa loob malamig dito at alam ko pagod at gutom ka na, kaya tara na." pag-anyaya sakin ni Papa.

Teka Papa, marami na akong tanong na hindi pa nabibigyan ng kasagutan. Baka mabaliw na po ang anak nyo nito. Papa, anong ginagawa natin dito? Bakit tayo nandito? Tanong ko kay Papa.

"Ikaw mismo ang makakasagot sa mga tanong mo, my little princess." maikling sagot ni Papa.

Di mapigilan ng noo ko na kumunot kaiinis naman.

Nasa likuran lang ako nila Papa at ni Ginoong Garf. Magbarkada pala sila ni Papa. Childhood friend sila.

Pagkapasok namin sa mistulang kastilyo (hehe, ayokong tawaging palasyo kasi naman mukhang lungga ito ng alam nyo na hehhe...)

Ohh My Geez... What the... Ano 'to... Mababaliw na talaga ko... Pinigilan kong tumili baka marindi ako sa sarili kong tinig. Nakakita lang naman ako ng mga dwarf at giant. I can't believe what i see now. Panaginip ba ito o bangongot, kahit ano pa ito gusto ko nang magising.

"Anak, maiintindihan mo rin ito, makikilala mo rin ang sarili mo. Noong una kasi nag-alinlangan ako dahil akala ko matatakasan natin ang tadhana kaso may banta sa aking panaginip at nangungusap sakin na ito ang ikabubuti mo, gayunpaman kahit ayoko wala akong magagawa anak ee. Ayoko man pero kailangan nating tanggapin,dahil ito ang nakatakda." paliwanag ni Papa.

The Half Moon of the SunWhere stories live. Discover now