Daring Training

99 2 0
                                    

Yan po si Arfin

CHAPTER IV

Selene's POV

Maaga akong nagising ngayon sa hindi ko alam kung bakit. Medyo naintindihan ko na ang mga bagay bagay pero hindi parin gaanong malinaw para sakin. Lumabas ako para magpahangin. Tinignan ko ang lupain ng Tribe of the Dwarf and Giant napakalawak. Nakita ko ang malawak na lupain na may mga tanim na strawberry, blue berry, at kung ano pang matatamis na prutas. Parang ang sarap mamitas at kumain. Naglalaway na 'ko. 'Di ko namalayang dinala na pala ako ng aking mga paa sa malapit na hardin na may tanim na strawberries. Pipitas na sana ako kaso biglang may tumirador ng isang strawberry na sana'y kukunin ko na. Lumingon ako para makita kung sino 'yon, akala ko si peste pero hindi pala. Ibang tao ang nakita ko should i say dwarf o giant. Tss. Meron pa palang tulad ni peste rito. Tss.

"Oh ito... Isa lang ang pwede kong ibigay sayo dahil pinagbabawal ang basta bastang pamimitas dito." sabi ng tiradorman.

"Ah... Pasensya na para kasing ang sarap ng strawberry ee." sagot ko.

"Kapag hindi pa tag-ani hindi pa pwedeng pumitas ng kahit anong prutas dito, sa katunayan nga kung pinitas mo 'yan sigurado ako nangisay ka na d'yan." nakangising sabi nito.

"At bakit naman ako mangingisay?" pagtatakang tanong ko.

"Dahil may electric barrier ang mga prutas kapag hindi pa tag-ani, tinatanggal lang ito kapag tag-ani na." paliwanag nya.

"Ahhh... Ganoon ba, Pasensya na." sabi ko. Ngumiti lang sya at tumalikod na.

"Teka lang Mister, pwede bang secret lang natin na tinangka kong kumuha ng prutas." sabi ko sa kanya.

"Oo naman dahil alam kong di mo kakayanin ang parusa sayo." sabi nya sabay kindat. Lumakad na sya saka ko pa naisipang magpasalamat.

"Salamat!" sigaw ko sa kanya.

Nag-wave lang sya ng kamay nya. Ang cute nya di tulad ni peste.

Arfin’s POV

Ang gwapo talaga ng mukhang to, paano ako nagawang tawaging peste.nung mikrobyong yun sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Sigurado ako na matitigil na ang pagtawag saking peste pag nakita nya ang Arfin ngayon. I will wear some hot suits for today.

“Prince Arfin! nasa training field na po si Miss Selene.” sabi ni denden

Excited na ‘kong makita nya ang hot na si Arfin. I wan’t her to make regret for calling me peste.

“Dalian nyo po Prince Arfin.”-denden

“Oo na wag kang makulit.”sagot ko

Trabaho na ni denden mangulit sakin, kaya naman sanay na ko.

Papunta na ‘ko sa training field, iniwan na rin ako ng makulit na si denden. Pag dating ko sa training field... Ooohh... She’s wearing a cool attire that make her look hot... Naka-shorts sya at naka sleeveless. Teka ako dapat ang hot dito. Akala ko sya pa lang ang nandito kaya lalapitan ko sana sya pero biglang lumabas si Lim tapos inabutan sya ng strawberry. Ang laki ng ngiti nya parang batang binigyan ng candy. Ang babaw pala ng kaligayahan nito eee...

Sa nakikita ko parang magkakilala na sila. They look friends. Tss... Di hamak na mas gwapo ako kay Lim ‘no. Ni hindi man lang niya napansin ang existence ko rito kaya naman umupo na lang ako sa isang tabi. Ayokong panuurin yung dalawang yun nuh. Na-bored ako kay nilaro ko muna yung bato na nakakalat sa tabi ko.
*bato dito
bato d’yan...

Hanggang sa may nabato ako... Hihihihi... Ang saya may natamaan ako... Pero promise hindi ko naman sinadya. Hindi ko kasalanan na mas pinili ng bato na tumama sa kanya kaysa sa lupa ‘no o baka naman akala ng bato lupa sya. Mukha naman kasi kaya di ko rin masisisi yung bato... Kaya sya ang may kasalanan kasi mukha syang lupa... Hahhaha...

The Half Moon of the SunWhere stories live. Discover now