Chapter 364

588K 18.1K 37.4K
                                    

A/N:


Keigan's head.

Jay-Jay's POV

"Tatakas ka pa? Pagtataguan mo pa ko? Nadala ka na ba?" sunod-sunod na tanong ni Kuya Angelo habang nakahiga ako sa hospital bed sa E.R. ng ospital.

Hindi talaga siya papaawat sa pagsermon sa'kin. Hindi man lang namili ng magandang lugar. Pwede namang sermonan niya ko sa Park o kaya sa Grocery Store, maganda do'n. Pwede ring sa isla ko pero hindi siya pwede do'n, hindi ko siya patutuntungin do'n.

NEVER!!

Kakatapos ko lang pasukahin ng Doctor at hinahayaan akong magpahinga dahil sa panlalambot. Tinitigan ko ang patak ng tubig mula sa I.V. tube na nakasaksak sa kaliwang kamay ko. Hindi ako makasagot sa kanya dahil na rin sa sakit ng lalamunan ko. Gusto kong uminom ng tubig pero pinagbabawalan ako ng mga Nurse at Doctor.

Napatingin ako sa kabilang side ko kung saan ang kama ni Keiren. Matamlay din siya kagaya ko pero may malay na, hindi kagaya kanina. Sinaksaksan din siya ng I.V. fluid kagaya ko. Hindi rin siya pwede uminom o kumain. Mas nakakatakot nga lang ang nangyari sa kanya dahil kusa siyang sumuka pagdating dito sa ospital.

Hindi kagaya sa'kin, ayaw pang lumabas. Trip yatang gawing tambayan ang sikmura ko, eh hirap na hirap na nga ako sa sakit ng tyan.

"Save your sermon, mas kailangan niyang magpahinga ngayon," awat ni Keifer kay Kuya Angelo.

Tama siya. Save button.

Napairap si Kuya bago kami talikuran at maglakad palayo. Nilapitan ako ng Hari ng mga Ulupong. Hinawakan niya ang isang kamay ko bago halikan 'yon.

"Do you feel better now?" tanong niya sa'kin.

Dahil hindi ako makapag-salita tumango na lang ako bilang sagot.

Bahagya siyang yumuko para halikan ako sa noo. Pinilit kong lumayo dahil alam kong basa pa rin ng pawis ang muka ko pati na rin ulo ko. Ayokong maamoy niya ang anit ko. Hindi pa naman ako nag-shampoo ng maayos kaninang umaga.

Baka amoy kargador na ang buhok ko.

"What's wrong?" tanong niya pero umiling lang ako.

Bakas pa rin ang pag-aalala sa muka niya. Alam kong hindi siya mapakali dahil dalawa kami ng kapatid niya ang napahamak. Hindi basta dapat baliwalain lalo na't malinaw ang sinabi ng Doctor.

Poison ang glue at delikado ma-consume ng tao. Mabuti na lang din nasabi ko kay Kuya ang nainom namin habang nasa byahe kami papuntang ospital. Pero hindi ko sinabi kung sinong nagpainom.

Naaawa ako kay Keifer. Ayokong mas mahirapan pa siya sa sitwasyon ng kapatid niya. Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo pero baka masaktan siya. Pero kung hindi ko naman gagawin baka ulitin niya kay Keiren ang nangyari at baka sa susunod hindi na maagapan. Ang hirap magdisisyon kapag involve ang mga taong mahahalaga para sa kanya.

Pero mukang hindi ko na kailangang pag-isipan dahil sa mga sunod niyang sinabi.

"It was Keigan who put the glue in your drink." Hindi 'yon patanong.

Mahirap para sa kanya na akusahan ang sariling kapatid pero sa pagkakakilala ko sa kanya hindi siya basta-basta maga-assume lang. Malamang na meron siyang ebidensiya.

Kahit ayokong sumagot ginawa ko pa rin. Hindi dahil para magsumbong o para makaganti sa ginawa sa'kin. Dahil baka gawin niya ulit 'yon at baka sa susunod mas malalang lason na ang gamitin niya. Tipid akong tumango at nakita ko ang sakit sa mga mata niya.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon