“Not that. I mean, okay ka na ba? okay na ba kayo?” sabi Prince.






Yung sa status pala namin ni Kaizer ang tinutukoy niya.




Napangiti ako naman ako. Napaka concern talaga ng tao na ito sa akin.




“Okay na, kahapon pa” nakangiti kong sagot sa kanya.





“Mabuti naman pala kung ganun” sabi niya.






“Well, I told him everything. Mula umpisa ng kasalanan niya hanggang sa dulo. I also told him that I was about to terminate him as part of the band. Pero dahil sa inyo, lalong lalo na sayo ay hindi ko na tinuloy. He was so sorry and he realized kung anong kasalanan ang nagawa niya” sabi ko.






“Wow, ha! But that’s good to hear” sabi naman ni Prince.





“Hello!” nakangiting bati ni Kaizer habang naglalakad papunta sa amin.





Aba! Ang mokong na 'to! Baka gumawa na naman ng gulo ah.





“Ah Kaizer! Nandyan ka pala. Ah Prince, di ba may gagawin ka pa?” sabi ko.





Halata namang nagulat si Prince sa tanong ko, pero parang naintindihan niya ang ibig kong sabihin.





Ayaw ko lang naman magkagulo ulit sila ni Kaizer.





“Ahh. Oo. Sige, Princess aalis na ako” sabi nito at tumayo na para umalis.






“Wait lang, Prince” pigil ni Kaizer.
Hinawakan niya pa sa braso nito.





Si Prince naman ay napatigil sa pag-alis.





Tinignan nito ang braso niya na hawak-hawak ni Kaizer.





Agad din namang tinanggal ni Kaizer ng mapansin niyang iba na ang ekpresyon ng mukha ni Prince. Halatang galit or inis parin ito.




“Kaizer, ano ba? Huwag kang gumawa ng gulo dito, pwede?” saway ko kay Kaizer.





Buti nalang ay maingay ang paligid at hindi nila pansin na may tension dito sa side namin. Nasa dulong side kasi kami nakapwesto.





“Relax guys, okay? I’m just here to say sorry to Prince” sabi ni Kaizer.






Ow! Kahapon nga pala sinabi niya na makikipagbati siya kay Prince today.





“Really? Isang Kaizer Montenegro, makikipag-bati sa akin?” sarkastikong sabi ni Prince.






“Yeah, Bro! I know naman kasi na kasalanan ko. Kaya nga I’m asking for forgiveness. And I also want to thank you for convincing Lew na huwag akong tanggalin sa band” sabi ni Kaizer.







“I just did that dahil ayaw kong mahirapan si Lew. Kung ako ang tatanungin mo ay mas gusto ko na maalis ka na sa band, even to Princess’ life" seryosong sabi ni Prince.







Natahimik naman si Kaizer dahil sa sinabi ni Prince, pero hindi siya umimik.




Wala din naman akong masabi.




Hinahayaan ko lang muna si Prince para mailabas din niya yung sama ng loob niya kay Kaizer.




I trust him naman na walang pisikalang magaganap.





Listen To Your Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now