Chapter 22: Proposal

Start from the beginning
                                    

AKO: O-OO NGA PERO--

SIYA: PUMUNTA KA DITO, IN 20 MINUTES KAPAG WALA KA PA DITO IBIBIGAY KO YANG CHIMAY MO KAY GABRIEL!

AKO: ABA ATE---HELLO?! HELLO?! HOY ATE!!!! AISH!



Aba't binabaan ako ng telepono! Hindi niya pwedeng ibigay ang chimay ko sa iba! Chimay ko yun eh! Akin lang!!! >.<

Nag-bihis naman ka-agad ako at sumakay na sa kotse. Mabilis ko itong pinaharurot. In 15 minutes na kadating na rin ako.

Pumasok naman ako sa loob ng venue at ang dami ka-agad na tao. May live band na kumakanta sa pinakaloob. Walang stage dito kasi nga rest house namin to. Hinanap ko na ka agad si Aberdeen pero hindi ko siya makita.

Lingon lingon pa din ako pero hindi ko siya makita. Tinry kong hanapin si ate pero di ko siya makita. Miski si peste di ko din makita. -_________-

Tumingin ako sa wrist watch ko at 9:00 na. Ganun na ba talaga ako katagal nag-hahanap kay Aberdeen? Psh!

Nilibot ko nalang ulit ang rest house at napatingin ako sa isang table. May isang babae na naka-white gown. Hindi siya kahabaan tapos tube. Nakatalikod siya sakin. Kulot ang buhok niya at may kasama siyang isang babae at lalaki.

Napatingin naman sa dereksyon ko yung kasama niyang babae kaya nag-tama ang mata namin.

"IVO!!! HERE!!!" sigaw ni ate

Letse! Dun ko lang pala sila mahahanap. -________-+++

Lumapit ako sa table nila. Nakita ko ang itsura ni Aberdeen at ang....ang....ang ganda niya....Siyempre naman diba! Nagpamake over iyang si tibo kaya gumanda! >.>

"Hey Ivo! Anung masasabi mo sa itsura ni Rian?" tanung sakin ni ate

"Normal pa rin naman" sagot ko

Hindi nag-sasalita si Aberdeen, ang tahimik lang niya. Nakakapanibago.

"Sayaw tayo Bree?" bigla namang nag-salita si Gab

Sinong Bree? Napatingin nalang kami ni ate sa kanya at nakalahad yung kamay niya kay Aberdeen. Wait a minute! Yung Bree ba eh si Aberdeen? Bakit ang dami namang pangalan nitong chimay ko!!!

"Gabriel! Sabi ko sayo wag mo ng itatawag sakin yan eh" angal ni Aberdeen

"Ayoko nga, ako ang nag-nick name nun sayo eh" sabi naman ni Gab

So nickname lang yun? I see...

"Gabriel!" sigaw ni Aberdeen buti nalang at malakas ang tug tug kaya hindi siya napansin ng mga tao

"Shall we dance?" tanung ulit ni Gabriel

I'm inlove with a ... LESBIAN?!Where stories live. Discover now