Prologue

61 1 0
                                    

Nalulungkot akong napatingin Kila Lola Fey at kuya Aki, luluwas na naman kasi sila ng maynila upang mag trabaho. Isang kasambahay si Lola si kuya naman raw ay isang hardinero doon. Isang buwan lang silang nanatili dito at aalis rin agad. Ako at si lolo na naman ang maiiwan dito sa bahay, gustuhin ko man na wag ng aalis si Lola ngunit hindi pwede mahirap kami isang kayod isang tuka. Kung hindi aalis sila Lola para mag trabaho hindi ako makapag aral at hindi kami mabubuhay. May sakit si lolo kaya hindi na sya masyadong nakakapaglakad.

"Ohh bakit nakasimangot ka diyan?" wika ni Lola Fey saakin. Tinutulongan ko na ilagay sa bag iyong mga damit nila kuya. Hininto ko muna iyon at tinignan si Lola bago napanguso.

"Eh kasi aalis na kayo."

"Sus Hindi kana nasanay non," mas lalo akong napanguso dahil sa sinabi ni Lola.

"Eh Lola naman eh!" maktol ko dito, ngumiti ito saakin at niyakap ako.

"Wag mona kaming isipin doon, mas mabuti pa pagbutihin mo ang pag aaral mo." napangiti ako sa tinuran ni Lola at tumango, third year collage na ako isang taon nalang matatapos na graduating na sana ako ngunit huminto ako ng isang taon noong nag ka stroke si lolo wala kasing mag aalaga sakanya.

"Opo Lola ako pa!" Napatingin kami kay kuya bihis na bihis na ito. Mas lalo akong napanguso saakin na naman hahanapin ni Adi si kuya yung kaibigan ko na si Adi na may gusto kay kuya.

"Kuya wag mong kalilimutan yung pasalubong ko ah." Ani ko dito.

"Oo na mas excited ka panga sa pasalubong ko kay sa saakin eh." Pag tatampong wika nya kaya napanguso ako.

"Eh minsan lang ako makatanggap ng chocolate eh." ani ko dito napangiti ito saakin at ginulo ang buhok ko.
Sinuway ko ito dahil kakatali kolang sa buhok ko tapos ginulo nya.

Nag usap muna sila Lola at Lolo alam ko na malungkot si lolo pero naiintindihan naman nya iyon.

Nag paalam mona ako kay lolo na ihahatid ko sila hanggang sa sakayan dahil pupunta rin naman ako sa palengke bibili ako ng mauulam namin, ako ang may dala sa maliit na bag ni Lola, habang binabaybay namin ang daanan, maliit ang Probinsya na ito kaya sobrang hirap makahanap ng magandang trabaho at malaking sahod mukhang napag iwanan na nga ito ng panahon ngunit kahit ganon maganda naman dito dahil maraming puno at masagana.

Pumara ako ng trycykel para makapunta papuntang station ng buss nasa harapan kami ni Lola habang si kuya ay nasa likod namin. Hindi naman kalayuan ang station ng bus sa bahay namin kaya ilang sandali lang ay nakarating kaagad kami.

"Palagi kayong mag ingat doon Farah, at kung may problema tumawag lang kayo sa Mansyon." kaagad kung tinanguan ang bilin saakin ni Lola.

"Opo Lola." Niyakap muna nila ako bago sila sumakay ng bus. Kumakaway pa ako dito palarga na kasi yung bus dahil puno na. Pinigilan ko ang umiyak dahil ayaw ni Lola, hanggang sa makaalis na ang bus ay doon na ako tumalikod.

"Hoyy!" simaan ko ng tingin si Adi dahil ginulat niya ako.

"Nasaan si Aki?" yun kaagad Ang tinanong nya saakin ngiting ngiti pa ito. Maganda si Adi Sabagay yung tatay naman nito ay kano kaya may lahing Kano, kaya mag kaibigan kami Kasi parehas kaming magaganda.

"Wala na nakaalis na." napanguso ito saakin, napatingin ako sa hawak nya na tinapay.

"Sayang ibibigay kopa naman sana sa kanya ito." pinakita nya saakin ang tinapay.

"Ehh kasi diba sabi ko maaga kang gumising, ayan tuloy hindi mo na naabutan." sermon ko dito.

"Maaga naman talaga akong gumising kaya nga lang pinabantay ako ng tindahan ni mama eh." may kaya sila Adi dahil may tindahan sila dito sa bus station malakas din iyon at yung ate naman ni Adi ay abroad kaya kahit papaano ay maganda ganda ang Buhay nila. Yung tatay naman nito ay simulat sapol hindi nya nakita dahil bunga lang naman raw si Adi sa kapusukan ng mama nya noon yun yung sabi nya.

"Samahan moko sa palengke. Syaka akin nalang yang tinapay madami naman kayo nyan eh." napakamot na binigay nya saakin ang tinapay. Alam ko naman na kinuha nya ito sa tindahan nila,

Napabuntong hininga ito at sinabayan ako sa pag lakad papuntang palengke.

"Sa totoo lang bibilhin na yung lupa na kinatitirikan ng tindahan namin. Ayaw ni mama syempre dahil doon kami kumikita at syaka malakas yung benta namin doon. Ngunit hindi naman kami ang may ari ng lupa na iyon nag rerenta lang kami." gulat akong napatingin sakanya. Bakit hindi ko yun alam.

"Kailan lang?" tanong ko dito.

"Pumonta doon ang may ari kanina ng lupa, lahat kami na nag titinda doon ay mapapaalis binigyan lang kami ng one week na palugit."

"Paano nayan? saan na kayo mag titinda niyan?" malungkot na wika ko.

"Mag hahanap ulit." nakakalungkot nga yun dahil matagal na silang nagtitinda noon ni hindi pa siguro kami pinanganak nag titinda na Ang mama nya doon.

Hindi na muna namin pinag usapan Ang tungkol doon ng makarating kami sa palengke, walang masyadong tao dito dahil tanghali na, mamayang hapon pa dadagsa ang mga tao.

"Ohh ano sa inyo Ganda?" napatingin ako sa tinda nya isda iyon pero agad din akong napakamot ang Mahal ng kilo shuta!

"Ate Wala nabang tawad yan?" tanong ko habang tinuro yung isda.

"180 nalang Ganda, mahal talaga ang benta ngayun ng isda eh." Wala akong nagawa kundi tumango nalang.

"Isang kilo lang ate." Ani ko at binigay yung pera. Nakakahiya Naman kung tatawad pa ako eh 200 yung killo naging 180 na. Dahil Wala  g naiwan na pera Ang gagawin ko ay mag lalakad nalang patungong bahay.

Nang makarating kami sa terminal ng bus ay maraming tao doon, nag kakagulo ata. Kaya dali dali kaming nakisiksik. Kitang kita ko Mula dito yung malaking usok agad na dinabbol Ang puso ko dahil Ang usok na iyona ay malapit saamin

"Ayon si Farah!" tinuro ako ni Bitoy na kapitbahay namin kaya napalingon yung mga tao saakin. Tumakbo ito papalapit saakin.

"Yung bahay nyo nasusunog bilis!" dahil sa sinabi nito muntik nakong himatayin Buti nalang inalalayan ako ni Adi. Si lolo..

"Dali bilis sumakay ka saakin." dali dali akong sumakay sa motor ni Bitoy naiiyak nako hindi ko alintana yung sumisigaw na si Adi naiwan kopa yung binili Kong isda pati yung to tinapay nang makarating kami doon agad akong bumaba at tumakbo may mga rescuer na doon at mga bumbero ngunit hindi parin ma tupoktupok yung apoy.

Akma na akong papasok ng pigilan ako ng rescuer.

"Ano ba papasukin nyo ko si lolo ko naiwan sa loob." umiiyak kong wika at pilit winawaksi ang mga kamay na pumigil sa akin. Nanginginig na ako hindi kona alam ang gagawin ko tanging nasa isip kolang ngayun ay pumasok sa loob.

"Hindi maari miss masyadong malaki yung apoy may mga rescuer na Ang pumasok doon upang ilabas Ang Lolo mo." umiling iling ako habang umiiyak.

"Farah..huminahon ka muna." humahangos na wika ni Adi.

Kaagad akong napatakbo ng makalakbas ang mga rescuer At dala dala nito si lolo.

"Lolo.." umiiyak na wika ko. Pinagtiulongan itong buhatin nga mga rescuer nanginginig ako habang nakatingin kay lolo ang Dami niyang paso sa katawan at halos hindi kona sya mamukhaan. Dinala sya sa ambulance kaya pumasok ako doon.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Jul 27, 2022 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

His Dark Touch Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang