Chapter 3: Breaking the rules.

278 231 15
                                    

"Alam ko naman na susuway ka pa rin sa rules ko, kilala na kita Samantha."







Samantha's pov,


"Since pinagkatiwala ka sa akin nila Sir Louie, ako ang masusunod at eto ang mga sasabihin ko at rules na dapat mong sundin." Sabi niya pa at naupo sa kaharap kong upuan.


Ugh! Hindi niya pa nasasabi yung rules magrereklamo na ako, hindi naman ako bata para bigyan ng rules I can handle my self.

Nakangalumbaba lang ako sa mesa habang binibigyang oras ang mga nonsense na sinasabi ni Matt. Pwede ba ako magteleport? Mula rito papunta sa kwarto ko kasi nabibingi na ako sa mga sinasabi ni Matt na para bang tatay ko kung makapagbilin ng mga nonsense.

"Kapag kaya mo naman gawin, gawin mo na hindi mo na kailangan iutos pa kila Manang. Naiintindihan mo ba Sam? SAMANTHA!" Nabalik ako sa reyalidad ng ibagsak niya ang mga palad niya sa mesa.

Napaangat ako ng ulo at na ayos ang pagkakaupo. "What?!" iritada kong tanong.

Bumuntong hininga siya. "Kanina pa ako nagsasalita, hindi ka nakikinig."

Pinagkrus ko ang dalawang braso ko. "Naiintindihan ko naman, at hindi na ako bata para pagsabihan mo sa mga dapat at hindi ko dapat gawin, I do whatever I want." Taas noo kong sabi sa kanya.

Bigla nagdilim ang mukha nito. "Sure, okay move forward tayo sa rules ko.."

Napalunok ako ng laway dahil bigla naging seryoso at nakakatakot ang boses niya. Deretso lang siyang nakatingin sa akin at para bang gusto na ako ibaon sa lupa.

Hindi ko magawang iiwas ang mga mata ko sa kanya eto na naman yung feeling na para bang minamagnet ng mga mata ni Matt ang mga mata ko.

"Rule no. 1, hindi ka pwede umalis ng hindi nag-papaalam sa akin, dapat alam ko kung saan ka pupunta at kung sino makakasama mo."

"What?! Hell no! Hindi na ko 10 years old para mag paalam pa sayo-"

"Rule no. 2, always ka maguupdate sa akin kapag nasa labas ka, kahit saan man yan dapat alam ko." Pagpapatuloy niya.

"Nahihibang ka na ba?! What if kung ayaw ko!?" Hindi ko na mapigilang sumigaw sa harapan niya umiinit ulo ko.

Para ba siyang bingi na hindi iniintindi mga sinasabi ko.

Sumandal siya sa kinauupuan niya. "Rule no. 3, eksaktong 8 pm ng gabi dapat ang uwi mo kung hindi, hindi kita papasukin dito sa bahay or hindi ka lalabas inshort grounded-"

Padabog akong tumayo sa kinauupuan ko kaya napatigil siya sa pagsasalita, I can't believe na magagawa niya ako gawan ng rules na napakawalang kwenta. Nakakainsulto for me.

"Anong akala mo sa akin, bata na kaya mo mapasunod?! How dare you to insult me? Ano ba pinalalabas mo, na iresponsable akong anak para latagan mo ng mga nonsense na rules na yan?!"

Nakakuyom ang dalawa kong kamay dahil sa inis, daig ko pa nasa kulungan sa ginagawa niya sa akin. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya at mas lalo umiinit ulo ko sa kanya na nakatingin lang sa akin.

"Ano nginingisi mo dyan? Kapal ng mukha mo-"

"Naiinsulto ka? Sa pagkakaalam ko kasi, hindi ka naman ibibilin ng parents mo sa akin kung may tiwala sila sayo na iwan kang mag-isa dito." Napatigil ako saglit para akong sinaksak sa dibdib sa sinabi niya.

Rich Girl Series #1: Tame The Wealthy Brat Where stories live. Discover now