Caught off (Part 1)

146 2 1
                                    


ZACHARY (POV)

Kinaumagahan napansin ko na di pala nakauwi sa cottage si Jared. Sinilip ko ang cellphone ko ngunit walang tawag at text man lang sa kanya at lalo na kay Daphne-

Ano ba nangyari dun?!-

Nagsimula ako makaramdam ng pagkairita sa di nanaman pag check sa akin ni Daphne.

Imbis na maunahan ng ka badtripan ay nag ayos na ako para sa pag usi namin sa syudad. Habang nag eempake ako, nakita ko si Jared na papasok ng cottage namin.

"Oh par- saan ka nakatulog?" bungad na tanong ko.

"Dyan lang-" walang gana sagot sa akin ni Jared sabay punta ng cr.

"Dalian mo at mag agahan tayo sabi nila boss-" wika ko habang inaayos ko mga pasalubong na pastries na nabili ko para kay Daphne at kay tita.

"Di na ako sasabay-" sabay din ang paglabas nya ng cr. Nag ayos ito sa salamin "-pasabi nauna na ako mauwi, may emergency-" mabilis na sabi nya habang patungo sya sa pag empake ng damit nya.

"Ha?-" biglang sambit ko "-akala ko ba sasabay ka sa amin pauwi?" nagtatakang wika ko. Di ako sanay na ganito si Jared, parang ang lamig nya.

Ano ba nangyari?

"Ah- basta!- pass muna ako!" sabay nito sa paglabas ng kwarto "- Sige pare una na ako-" sabay alis nito.

Di na ako nakapag tanong kung ano ang nangyari. Nagtatampo ba yun dahil umalis agad ako sa inuman at game namin kagabi?

Pinag kipit balikat ko nalang kung man ang nangyayari sa kanya.

Pagkatapos ng agahan namin agad naman kami sumakay ng bus service ng kumpanya at nakita ko na wala si Maggie sa grupo nila.

Nagtataka ako sa nangyari at pilit na binalewala ang mga pangyayari. Isuot ko nalang ang earphone ko at nagsimula mag soundtrip habang i text ko si Daphne para mangamusta. At doon ko nalang naramdaman ang pagkapagod at natulog sa kahabaan ng byahe.

Pagkababa ko agad akong sumakay ng taxi at dumeresto ako patungo sa apartment ni Daphne. Balak ko sya sopresahin sa mga dala ko at syempre-

Na Miss ko sya

Sa tagpo namin ni Maggie na halos maiyak sya sa harap ko hanggang sa pagtulog ko, doon ko lang nalaman na may nararamdaman akong 'kakaiba' sa amin ni Daphne.

I wasn't sure of this before but at this time-

I try-

I will try to paint a different picture between us. Masyado ko na ikinulong ang sarili ko sa nakaraan ko.

Masyado na akong nagpaka kampante sa amin ni Scarlett.

Pero tulad ng dati, lagi nalang endless disappointment ang nangyayari sa amin

She always breaking up

But I was the one who chose to pick up the pieces back to her. Same old routine and endless heartbreak.

Paakyat na ako ng unit nya pero sa bigla ko ay nanatili pa rin lock ito. Kinuha ko ang spare key sa bag ko at tumuloy sa makalat nyang unit.

Napailing habang nakangiti. Smells like coffee, paper, books. Smells like a total book geek like her.

Inilapag ko ang mga gamit ko at mga pasalubong ko sa kanya at nagsimula kong ligpitin ang mga kalat nya. Ilan minuto pa ang lumipas at nagluto na rin ako ng dinner namin dalawa. Naalala ko pa din ang mga recipe na parati namin kinakain ni Daphne na sponsor ng kanyang mama. Kaya maiigi kong pinaghandaan yun.

Naligo na rin ako at sa di malamang dahilan matagal pa din ang oras ng pag uwi nya.

Sinubukan ko syang tawagan pero busy ang line nya. Nanood na rin ako ng mga replay ng basketball games pero wala pa din sya. Di ako mapakali at sumungaw na ako sa labas para maaninag kung paparating na sya pero nakita ko na may nakaparada itim na kotse sa tapat ng apartment nila.

Bumaba ako at sa gulat ko nakita ko may lalaking nakasakay dun kasama si Daphne!

Di ko masisisguro kung kakilala ko ang lalaking yun pero alam ko na nagkita na kami dati pa.

Mas lalo akong nagulat sa mga sumunod na eksena- bigla nalang hinalikan ng lalaking yun si Daphne sa kanyang pisngi!

Lalo nagtangis ang ngipin ko at bigla nalang nanginig ang kamao ko sa sobrang inis.

Halata sa istura ni Daphne ang pagkabigla sa ginawa ng lalaki pero nakangiti lang ang lalaking yun matapos syang halikan.

Palapit na sana ako at ako mismo ang kumuha kay Daphne palayo sa lalaking yun pero huli na ang lahat ng makita nila akong dalawa na nakatayo sa tapat ng sasakyan nila.

The Sexbiography of the Erotica NovelistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon