Patron Tequila

115 4 0
                                    

ZACHARY (POV)

"Hay kapagod!-" sabay ang pag bagsak ng katawan ko sa kama. Kakatapos ko lang maligo dahil sa sobrang haggard sa pag cover namin ng live tv show ng anniversary ng show namin.

"Saya pre!- pero di man lang makaporma ng pahinga! Hindi na nga natin nagawang mag break halos diretso na ang pag cover natin!- " wika ni Jared habang nag sisindi ng sigarilyo nya

"Oo nga eh. Sige tulog lang ako. Sara mo nalang pinto kung lalabas ka." saad ko papikit na ako pero bigla nalang ko binato ng unan.

"Gago ka! sabi ni Marti may post party tayo kasama lahat ng crew." nakangiting sabi ni Jared habang inaayos nag sarili nya sa harap ng salamin.

Napabalikwas ako "A...ano?! Anong post party?-"

"Syempre. Congratulatory party-" he laughed "-Ano ka ba naman pre! alam mo naman anong klase party yun! " natatawang sabi nya.

"Tsk. Imbis na magpapahinga ka na. Di ba pwede umabsent ako? pagod na pagod na ako at ilan araw na tayong pagod!-" reklamo ko.

"Hoy pare! di pwede yan! special request yan ni boss na magpa party bago tayo mauwi ulit sa syudad!-"

"Basta ayoko- "

"Gago talaga pre!-" natawang saad nya. "-sumama ka na! pag nalaman wala ka sa party ako malilintikan ni boss eh!-" sita nya.

"Oo na! tsk-" napatingin ako sa cellphone ko at nag text kay Daphne na nasa party ako ng show. Hindi na ako nakapag antay pa ng text nya dahil sa agad agad na pag hatak sa akin ni Jared sa party.

Agad kaming sinalubong ng ilan sa ka trabaho ko masayang nagsasayawan at nag iinuman sa isang pub na inupahan ng show namin. Nahagip ng tingin ko sila Maggie at ilan pang mga dancer ng show namin.

Di ko maiwasan mapadpad ang tingin ko kay Maggie. Sobrang sexy nya sa damit na halos lumuwa na mga malalaking dibdib nya pati ang mini skirt na halos kaunti galaw nya makikita ko ang red thong na suot nya.

Hindi maiwasan mag init ng bahayga ang katawan ko sa nakikita kong mga nakakaakit na sayaw nya. Alam kong sa lahat ng dancer ng show namin sya ang pinaka palaban sa lahat.

Madami na akong naririnig sa kanya. Kaya kahit paano iniiwasan ko sya. Ayoko ng madami pang hassle sa buhay ko at isa pa may Daphne na rin ako.

Biglang napatingin si Maggie sa gawi namin ni Jared pero hindi ito tumigil sa pag sayaw.

Sabay akbay sa akin ni Jared. "Tang ina pare. Ang swerte mo! ikaw na hinahabol ng palay! Tukain mo na yan!-" nanggigil na sabi ni Jared.

Siniko ko sya at pumunta sa bakanteng pwesto. "Gago! e di ikaw ang tumuka!-" sabay inom ng beer.

"Ikaw na! Ikaw na ang pinaka pakipot na lalaki sa buong kalawakan! Ganyan na ba ang epekto ni Daphne sayo?-" tukso nya.

"Nagbago na ako Jared. Ayoko na ng kung ano pang complications sa buhay ko-"

"Complications? Gago!- One time lang! as in one time lang kayo magkakasama ni Maggie. Di naman malalaman yan ni Daphne eh." pamimilosopo nya sa akin.

"Itigil mo na yan! nandedemonyo ka nanaman. Sinasanib mo nanaman ako sa samahan mo!-" sabay inom "-Eh kung ikaw nalang kaya makipag 'do' kay Maggie?! di yun ako yung binubugaw mo kung kani kaninong babae?!-" patawang sabi ko.

Napatawa sya sabay kamot ng ulo "E..eh kung pwede nga lang eh. Kaso olats ako kay Maggie. " medyo lumumanay ang tono ni Jared.

Napatigil ako sa pag inom ng bagong beer "Ha? Ano?-" napukaw ang atensyon ko kay Jared. Kilala ko to. Pag medyo tumamlay ang diwa nito, malamang seryoso na sa usapan.

The Sexbiography of the Erotica NovelistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon