Bitter Sweet Dessert

190 2 0
                                    


Daphne (POV)


 "G...gosh girl di ako nakapaniwala!- bakla ka ang gwapo ngayon ni Clareth ah!-" mahinang wika ni Jessica sabay kurot nito sa tagiliran ko.

Napa atras ako sa kanya "Aray ano ba!-" mahinang sita ko.

"Gaga ka talaga! pinakawalan mo pa yan. Bakla ang gwapo at in fairness ang yayamanin na ah!-" nakikilig na wika ni Jessica.

Hindi ako nakasabat ng makita kong biglang nagtama ang tingin namin ni Clareth sa isa't isa.
Napatulala ako.

Gosh mas naging gwapo nga ito.

 Bigla itong tumango at ngumiti sa akin. Napangiti nalang ako at biglang yumuko. Na insecure tuloy ako saa itsura ko. Namula akong bigla at napaisip na sana pala nag ayos pa pala ako para naman maging presentable ako sa kanya.

"Bakla! ang cute ngumiti! Umayos ka ah! wag kang lumandi dyan!- isumbong kita sa boyfriend mo eh!-" mariing wika nya. 

"Ikaw to lumalandi eh! Isumbong kita sa asawa mo eh!-" sita ko.

"Heto naman! Minsan lang mag window shopping ng yummy fafa. Pag bigyan mo na ako bakla!-" kurot nya. 

"Naku tumigil ka nga-" putol ko.

"Guys as our lunch break may konting salusalo tayo sa cafeteria. Sponsored by our current partner Mr. Clareth Villafuerte. Thank you very much po mga sir. " magiliw at magalang na wika ni Louise. 

"It's okay Mam. I would like to thank you all for the opportunity for connection of our partnership. I do hope we will work more for our shared passion. " magalang na sabi ni Clareth.

"Thank you po sir." bati ng mga empleyado. At sabay sabay na nagpuntahan sa cafeteria at nabigla at natuwa ang lahat sa bongga salu salo na handog ng kumpanya ni Clareth. Sobra na ito at talagang preperado.



Habang abala ang lahat sa pagkain at pagsalu salo ng masasayang pag uusap ng mga empleyado dun. Kami naman ni Jessica ay nakamasid kay Clareth, Alvin at Louise.

"Grabe nuh. what a small world, girl-" mahinang sabi ko.

"Small world talaga. Akalain mong pamangkin pala ni Mam Louise yan si Clareth. bali parang malayong kamag anak din. " sabi ni Jessica.

"R. really?! lahi pala nila ang mga mahihilig sa libro-" di ko maiwasang magulat. 

"Sister ng mama nya ata. Basta nasa mother side nila si Mam Louise.-" sabay kain ng dessert "-Grabe girl laki ng kina gwapo ni Clareth ngayon ah. Lumusog ang pangangatawan. Ang biceps ah. Medyo lumaki ang swabe ng beywang nya teh!-" nakangiting sabi ni Jessica sa akin. 

"O..oo nga eh. Nag iba un improvement nya ngayon compare sa dati. Though cute sya before pero mas malakas ang appeal nya ngayon". dagdag ko.

"Asus! nagpantasya sa nakaraan!-" nakangiting asar nya "-sabay inom ng drinks nya "-Ikaw kasi eh pinakawalan mo pa! pero huli na ang lahat sa inyo may fafa Zachary ka na!-" tukso nya.

"Hay naku Jessica. Ikaw kaya sumbong ko kay Audi ng tumigil tigil ka sa pagpapantasya mo." sita ko.

Napatigil si Jessica at pasimpleng siniko ako. "Girl papunta dito si Clareth!-" mahinang giit nya agad syang tumayo at inawat ko bigla.

The Sexbiography of the Erotica NovelistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon