Chapter 56: Hopeless

Start from the beginning
                                    

When afternoon came ay sabay-sabay na kaming pumunta sa training room dala-dala ang mga sandata namin.

"Malakas talaga si President Waldo Prime?Kaya ba talaga nating talunin?"-Tanong bigla ni Arrow

Paulit-ulit.Malakas nga eh.

"He's strong"-maikling sagot lang ni Prime sa kaniya

"Anong ability niya?"-Tanong ulit ni Arrow

"Hologram and Projection"

I saw Mr.President's ability at the meeting before but I never knew how he can use that in the battlefield.

"So paano natin siya matatalo?"-Tanong naman ni Naomi

"Di niyo siya masasaktan because his body is also like a hologram,di natatamaan"-Sabi ni Prime na mas lalo kong ikinakaba.So how can we defeat him?

"Kaya ba natin siyang talunin?Paano natin siya masasaktan?"-Tanong naman ni Naomi

"Figure it out yourself"-sagot agad ni Prime pagkatapos ay binilisan na niya ang paglalakad niya

"Nakakabuwesit talaga minsan tong si Prime"-reklamo ni Naomi nung makalayo na si Prime samin na mahinang ikinatawa ni Nieves

Di pa nasanay eh no?

O baka di lang din talaga alam ni Prime kung paano?

Pagkapasok namin sa training room ay ramdam ko na agad ang kaba when I saw Prime and President Waldo talking inside.

"Ingatan mo,as a guy this is your last---"-Sabi pa ni President Waldo kay Prime pero napatigil siya sa pagsasalita when he saw us

Napatayo naman agad si Prime when he saw us at agad na napangiti

"Akala ko tumakas na kayo"-sabi ni Prime samin na ikinatawa ni President Waldo

"Ang bagal niyo kasing maglakad eh"-pangsisisi agad ni Arrow samin nina Naomi

"Ikaw nga tong nahuli dahil pumunta pa ng banyo,natae dahil sa kaba ang g*go"-Sabi ko na ikinabusangot ng mukha ni Arrow

"Prime,ang bibig oh"-parang-batang pagsusumbong ni Arrow na mahinang ikinatawa ni Prime

Napailing nalang ako sa kagaguhan ni Arrow

Napatigil lang si Arrow sa pagmamaktol nung bigla nalang kaming palibutan ng maraming clone ni President Waldo,we don't even know which is the real one.

Napaalerto agad kami dahil dun,so this is the start of our last training?

***
Naomi's POV

Pagkatapos kaming palibutan ng maraming clone ay nagulat nalang ako nung bigla akong makulong sa isang metal na kahon.Napahinga agad ako ng malalim dahil sa kaba.Anong mangyayari ngayon?

Napatingin agad ako sa paligid when I suddenly heard some loud screams and then namalayan ko nalang na nasa bayan nako.

It's already dark outside and the people are running away from men that are chasing them.May mga nakabulagta na din sa sahig and blood is scattered everywhere.

When I saw the guys killing many Corans ay napaiwas agad ako ng tingin as tears started streaming down my face.

Napatingin agad ako sa harapan ko when I heard President Waldo

"This is what will happen kapag natalo kayo.Masakit bang makita ang mangyayari sa hinaharap?You can't win,wala kayong pag-asa sa loob ng laro kaya tumakas ka nalang habang maaga pa.This is what will happen to the town because of your failure!"-sunod-sunod na pagsasabi niya sakin na mas lalong kong ikinaiyak

Sabi ko na nga ba at wala na kaming pag-asa sa loob ng laro,si President Waldo na mismo ang nagsabi.Bakit pa ba ako naniwalang may pag-asa pa?

Napapikit agad ako when President Waldo spoke again

"Umalis ka na habang maaga pa kung hindi ay madadamay ka rito.Wala nang pag-asa ang Cora,wala na kayong pag-asa sa loob ng laro"-habang sinasabi niya yun ay naramdaman ko agad na may tumulo ng dugo mula sa balikat ko.

Napapansin ko din na sa bawat pagtulo ng luha ko ay nadadagdan ang sugat sa katawan ko.What's happening?

"Akala mo ba mananalo kayo?Di kayo mananalo kaya wag ka ng umasa pa.Wala na kayong pag-asa dahil kontrolado na nila ang lahat.Mamatay lang kayo sa loob ng laro"

Pagkasabi ni President Waldo nun ay hindi lang din ako nagsalita pa at napaiyak nalang ako lalo.I also feel the same way.Pakiramdam ko ay wala talaga kaming pag-asa and when President Waldo said those words ay mas lalo ko yung napatunayan.

There's no hope for us now.

Wala na akong makitang pag-asa.

Wala na akong makitang pag-asa sa mga mata ni President Waldo,sa mga mata ng mga mamayan,at kahit pa sa sarili ko mismo.There's no hope anymore.

As I cried more ay napasigaw agad ako sa sakit ng sugat ko sa balikat.Mas lumalaki ito ay mas lalo pang lumala ang pagdudugo.

Napaluhod agad ako sa sahig dahil sa sakit when I saw something sa malayo.Medyo malabo pero alam kong si Ella yun.

She's defending the town from the guys that are killing the people.

Napatingin agad ako sa langit when suddenly I saw the sun slowly shining from the east.Sunrise.

And then bigla kong naalala si Ella,ang babaeng hindi nawawalan ng pag-asa.

'I will never lose hope.Not when I can still see light.Not when the sun still shines in the morning.Not when many people depends on me'

As I remembered those words that Ella said to me before ay napatanong agad ako sa sarili ko

Why did I let hopelessness eat my soul?

Paano ko hinayaang mawalan ako ng pag-asa kung mismong ako ay pag-asa ng iba?

"Wala na kayong pag-asa"

Pagkasabi ni President Waldo nun ay napatayo agad ulit ako at matalim siyang tinignan

"Naniniwala ako na may pag-asa kaming manalo"

Pagkasabi ko nun ay sinugod ko agad si President Waldo gamit ang espada ko at agad niya naman yung naiwasan

"Walang pag-asa"-pagsasalita niya parin kahit na inaatake ko na siya

"Tumahimik ka!"-pagkasabi ko nun ay sinaksak ko na agad siya at agad kong nakita ang pagbulagta niya sa sahig, President Waldo wouldn't talk like this dahil siya ang inaasahan ng Cora,he should always see hope even in the smallest things.

Simula ngayon ay hindi na ako mawawalan ng pag-asa sa kahit ano mang laban na haharapin ko because I know that there's no life when there's no hope.

Hope can be found everywhere.

Kahit sa simpleng pagtubo ng isang halaman ay may makikita kang pag-asa;new life and survival.

Kaya wala akong karapatang mawalan ng pag-asa!

Not when I can still feel the wind touching my skin and blowing my hair!

Not when the birds are still flying freely in the sky!

Not when I can still see life around me!

And there,I conquered my greatest fear....


The fear of hopelessness.

*******



Fearless:The Death LeagueWhere stories live. Discover now