Chapter 46

692 22 2
                                    

Chapter 46

Dion p.o.v.

"talaga po?"excited kong ani at narinig ko ang tawa ni mommy sa kabilang linya

"yes anak,pyinensahan kami ng ate Melanie mo kaya makakalaya na kami.I just hope na maging maayos na Ang lahat para naman makabawi kami saiyo ng daddy mo.were planning to visit you in your workplace ihahatiran kita ng meryenda"

_____

"here,drink this"inabot saakin ni Simon ang bottled water, ngumiti ako sa kaniya at tinanggap iyon habang hawak hawak parin ang panyo niya

nasa labas kami ngayon ng building ng kompanya at pinagmamasdan ang mga sasakyan na dumaan sa kalsada habang nakaupo sa bench

"salamat"mahina kong sabi at uminom

naging tahimik kami ilang Segundo hanggang sa bumuntong hininga siya"do you still love him?"tanong niya na nagpatigil saakin

Mahal ko pa nga ba siya?

nawalan ako ng imik sa tanong niya

"I can treat you better than him you know"bigla niyang sabi.Sumulyap ako sa kaniya

"wala kang alam sa nangyari saamin"matapang kong ani

nakatingin siya sa mga sasakyan na dumadaan sa aming harapan habang malungkot ang mga mata"I know"

binalingan niya ako at malungkot sa ngumiti"kailan lang kita nakita pero ang gaan gaan na ng loob ko saiyo,you're different to the other girls.nakikita ko sa mga Mata mo Ang lungkot and I want to replace that with happiness"

binalik niya ulit ang tingin sa kalsada at malakas na bumuga ng hangin"I like you"

my breathing hitched at what he said.Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko Lalo na ng hawakan niya ang aking kamay at mariin na tumitig saakin

"I'll be by your side,kahit na anong maging desisyon mo, hindi kita pipilitin"

"Simon"agad akong napatayo sa kinauupuan ko ng marinig ang boses niya

"Dion"tawag niya saakin ng Makita ako,mapalad ang ngiti niya habang hawak hawak ang tatlong box ng pizza

"Miss Zion"bati ko at nagpilit ng ngiti

natutuwang lumapit siya saamin"andito ka pala Simon kanina kapa hinahanap ng daddy mo sa parking lot"Aniya habang sinisilip si Simon sa aking likod

hindi naman nagsalita si Simon kaya agad niya akong hinarapa,langhap na langhap ko ang mabango niyang Amoy"Here Dion,ang sabi ni Aleya ay hindi ka pa daw kumain kaya binilhan kita ng pizza,hindi ko alam kung anong gusto mo kaya tatlong uri na Ang binili ko saiyo Hawaiian---"hindi ko siya pinatapos

"busog pa po ako ma'am,katatapos lang po namin kumain ni Simon"magalang kong ani at ngumiti kahit na Ang totoo ay sakit na sakit na Ang loob ko

natigilan siya"sorry po"Aniko

akala ko ay ipagpipilitan niya pa pero ngumiti lamang siya"it's okay,Ibibigay ko nalang ito kila Aleya dahil alam kong hindi pa siya kumakain"she chuckled

hindi ako makasabay sa pagtawa niya, sobrang down na down ako ngayon at hindi ako makaramdam ng saya

"Anak Dion"agad akong napabaling sa Kay mommy na ngayon ay palabas sa taxi at kasama niya si ate Melanie at daddy

malawak ang ngiti nilang tatlo lalo na si mommy pero agad itong nawala ng Makita niya ang kasama ko.Dahan dahan silang naglakad palapit saamin habang nakatingin parin sa babaeng katabi ko na nanlalaki ang matang nakatingin sa kanila

"Cestra?"tawag niya sa pangalan ni mommy.Napalunok ako dahil doon

they still know each other

"mommy"agad kong sinunggaban ng yakap si mommy at si daddy pero hindi parin nila maalis ang tingin sa totoo kong nanay

"Z-zion"mahinang tawag nila da kaniya

"Miss Zion.M-mauuna na po kami"nanginginig ang boses ko dahil sa takot na baka malaman niyang ako Ang anak niya

masaya na siya kaya hindi na kailangang guluhin pa siya

hindi parin makagalaw sila mommy kaya hinawakan ko ang kamay nila para sana umalis ng biglang magsalita si Miss Zion

"is she my daughter?"agad akong nanlamig at nanigas sa aking kinatatayuan sa tanong niya

nagpilit ako ng ngiti Kay Miss Zion at hinawakan ng mahigpit ang kamay nila mommy at daddy"pasensiya na po Ma'am mauuna na po kami"

ngunit hindi siya nagpatinag"Cestra?Jay?I'm asking the both of you"sigaw niya at napatigil kaming lahat

nanlaki ang aking mata ng biglang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata kasabay non ang paglapit sa kaniya ni Simon at ng kararating na si kitty

"Miss Zion,sorry po pero hindi po Tayo magkaano ano"pagsingit ko sa usapan.Natigil siya sa aking sinabi at dumaan ang sakit sa kaniyang mga mata

pangungulila takot at saya ang nakapaskil sa Mata niya

pinigilan ko ang luha na gustong dumaloy sa aking mata

"Dion"tawag niya sa aking pangalan ngunit pagak lamang akong ngumiti

"Baka nagkamali lang po kayo Miss Zion"ayun na Ang huli kong sinabi bago kami pumasok sa loob ng taxi

pagpasok namin sa loob ay agad akong umiyak sa dibdib ni daddy

"it's okay anak,it's okay.Kung iyan ang gusto mo na ayaw mong sabibin ang totoo sa kaniya sususportahan ka namin"

_______________
Aykafaye❤️❤️

*******
Vote

Follow

Comment

Burning LoveWhere stories live. Discover now