Chapter 12

988 19 1
                                    

Chapter 12

Dion p.o.v.

tatlong araw na kaming nag-sstay dito sa Isabela at wala kaming ibang ginawa ni Xerxes kung hindi ang maglibot libot,nag hiking pa kami at snorkeling sa mga dagat nila dito

kung alam ko lang na ganito pala kaganda ang Isabela ay matagal na akong tumira dito

pero pagdating ng ikaapat na araw ay kailangan na naming bumalik upang ipagpatuloy ang trabaho

wala akong ibang ginawa sa biyahe kung hindi ang matulog dahil sa sobrang pagod habang hawak hawak no Xerxes ang aking kamay at ang aking katawan ay nakasandal sa kaniya kaya naman agad akong nakatulog dahil sa payapang aking nadarama

_____

pagkaland na pagkaland namin sa airport ay agad na tumawag saakin si Daddy habang pasakay kami sa kotse

"kailangan ka namin dito anak"rinig kong ani ni daddy at Ramdam ko ang saya ng boses niya

nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon,hindi tatawag saakin so daddy kapag may nagawa akong kapalpakan tungkol sa kasal namin ni Alexander kaya nagtataka ako kung bakit napatawag siya saakin

"b-bakit po dad?"tanong ko at napasulyap jay Xerxes ng pisilin niya ang aking kamay at ngumiti ng magtama ang tingin namin, ngumiti ako pabalik

"Basta anak you needed to see this"Aniya bago patayin ang tawag

sinabi ko Kay Xerxes ang tungkol doon at agad niya naman akong inihatid sa bahay nila mommy at daddy

binigyan niya muna ako ng halik sa labi bago ako pabayaan na makababa sa kaniyang sasakyan

pagpasok ko sa loob ng bahay ay tahimik ang loob,wala pa ding pinagbago pero napapansin ko ang mga bagong mamahaling gamit dito sa loob

ng makarating ako sa living room ay Doon ko nakita si daddy na nakaupo sa sofa habang nakatingin sa kaniyang laptop

ng Makita niya ako ay agad siyang tumayo sa kaniyang pagkakaupo at agad akong nilapitan,nagulat pa ako ng bigla niya akong yakapin

"anak I'm so proud of you"Aniya kaya napatigil ako ,never been in my life na nakarinig ako ng compliment galing sa mga magulang ko at Lalo na Kay daddy

kahit na naiiyak ako ay ngumiti ako sa kaniya at yinakap siya pabalik,alam ko na kung bakit maaring maraming nag invest sa kompanya o kaya naman maraming bumili ng stocks ng product sa kompanya nila

iyon lang ang dahilan na alam ko kung bakit ako ipapatawag ni daddy dito

naupo kami sa sofa"look someone invested a high price at our company"mapait akong napangiti ng marinig ang our company,hindi kailanman saakin ang kompanyang iyon dahil para sa kanilang dalawa lang iyon ni mommy

may mga pinakita pa siya saakin na mga chart chart na tumaas din daw ang sales ng kompanya namin,imbis na maging masaya ay nalungkot ako

hinihintay ko ang salita ni daddy,gusto kong kamustahin niya ako,gusto kong tanungin niya kung okay lang ba ako o sa trabaho ko pero ni isa wala,natapos na Ang pag-uusap namin pero ang sinasabi niya lang saakin ay dapat pa daw ako dumikit Kay Alexander at huwag ko daw siyang hahayaan na makipaghiwalay siya saakin

______

nag taxi na ako pauwi dahil wala man lang akong masasakyan,I was expecting dad will send me home with his car

"are you sure you're okay?"maamong tanong saakin ni Xerxes sa kabilang linya,sumandal ako sa upuan ng sasakyan at huminga ng malalim

"hmmm tawagan mo nalang ako kapag may ipapagawa ka pa saakin Diyan"sabi ko at tumingin sa labas ng binatana at pinanood ang mga malalaking building na nalalagpasan namin

"no you don't have any work do to,just stay home and rest tawagan mo ako kapag may gusto kang kainin o ano"napangiti ako sa sinabi niya, naramdaman ko ang paglambot ng puso ko sa sinabi niya

I really like him and I really appreciate him,siya lang ang palaging nagtatanong saakin kung okay lang ba ako kung gutom ba ako o ano.Hindi ko alam kung dapat ko din ba siyang pagkatiwalaan pero wala na akong pakialam,ang alam ko nalang ay nandiyan siya para saakin,walang pake sa ibang bagay at saakin lang siya nakatutok

"ok,take care"sabi ko bago pinatay ang tawag

napabuntong hininga ako bago ipasok sa loob ng bag ko ang cellphone,ang mga maleta ko ay ipinadala na no Xerxes sa bahay kaya wala na akong ibang problema

pagdating sa bahay ay nagbayad ako sa driver ng taxi, napatigil ako ng Makita ang sasakyan ng Asawa ko sa harapan ng bahay

parang may dumaloy na kuryente sa aking katawan at nagsimulang kabahan,hindi ko alam na nandito siya

palagi siyang wala dito sa bahay at Gabi lang siya umuuwi pero nagtataka ako kung bakit nandito siya ngayon

kahit na kinakabahan ay dahan dahan akong naglakad sa loob ng bahay bago pumasok doon

naabutan ko ang mga nagkalat na bote sa sahig at ang malakas na tunog ng tv galing sa living room

huminga ako ng malalim at naglakad ng makadaan ako sa living room ay bigla siyang nagsalita"hoy"sigaw niya saakin kaya kinakabahang lumingon ako sa kaniya

nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang tumayo sa kaniyang kinakaupuhan at lumapit saakin bago hatakin ang aking buhok kaya napasigaw ako

nagsimulang tumulo ang luha sa aking mga mata dahil sa takot

"alam mo ng dahil saiyo,nasira ang buhay ko ng dahil saiyo nawala na sa kamay ko ang kompanyang dapat ay nasa akin"sigaw niya saakin at pinilit na hinalikan ang aking labi pero agad akong umiwas

pagak siyang natawa ng nakitang umiwas ako"tingnan mo tong babaeng to-- nagpapakipot kapa huh?"pagak siyang natawa at akmang hahawakan ang aking hita pero agad kong kinuha ang hawak niyang bote at akmang ibabato sa kaniya iyon pero nahawakan niya ang aking braso

nakita ko ang pagdilim ng kaniyang mata sa ginawa ko"aba lumalaban kana ngayon ha"sigaw niya at saakin ponukpok ang bote

para akong binuhusan na malamig na tubig ng naramdaman ang likidong dumaloy sa aking ulo at ang unti unting pag-ikot ng ulo ko

para akong mapupunta sa ibang dimensyon at bago pa man iyon ay nawalan na ako ng Malay

_______________
Aykafaye❤️❤️

*******
Vote

Follow

Comment

Burning LoveWhere stories live. Discover now