Chapter 38

665 15 0
                                    

Chapter 38

Dion p.o.v.

''paano ba ito,baka hindi na ako makapunta mamaya sa kaniya"aniko habang tinitignan ang schedule ko ngayon

panibagong meeting nanaman ang gagawin namin mamaya kaya kailangan kong ayusin ang hindi ko pa natatapos na presentation habang maaga pa.Plinaplano kong puntahan ang puntod ng anak ko para bisitahin siya pero baka hindi ako makakabisita ngayon sa kaniya

ilang minuto pa akong nag titipa sa aking laptop ng marinig kong may tumatawag sa aking pangalan

''Dion''nagtaas ako ng tingin kay Aleya na ngayon ay papunta saakin habang may hawak siyang paper bag

tumayo ako ng makalapit siya saakin''bakit?''tanong ko at ngumiti

tinaasan niya ako ng kilay bago ngumuso''diba sabi ko saiyo ay sabay na tayong mag lunch pero bakit nag order kana agad ng pang lunch mo''aniya at binigay saakin ang paper bag na hawak niya kanina

nagtatakang tinanggap ko ito''hhuh?hindi ako nag order baka sa ibang empleyado ito''sabi ko at akmang ibabalik sa kaniya ang paper bag pero hindi niya iyon tinanggap

''pangalan mo ang nakalagay sa resibo''aniya at tumaas ang kilay''o baka naman wrong adress ang napagdeliveran ng rider tapos magkapangalan kayo nung totoong umorder diyan''kinuha niya ang paper bag at agad na lumaki ang mata ko ng makita ang dalawang paborito kong pagkain

kaldereta at chapsuey

''hayaan mona kainin mo nalang ito sayang naman''binalik niiya iyon saakin

''ayaw mo?''tanong ko pero bumuntong hininga lamang siya

''diet ako,sa susunod na araw pa ang cheat day ko''aniya kaya mahina akong natawa,nagpaalam siya pagtapos saakin

napatingin naman ako sa naka tupper ware na chapsuey at kaldereta bago napangiti

_______

ika ika akong naglakad papunta sa puntod ng aking anak,bawat madadaanan kong lalaki ay iniiwasan ko ng tingin at dumidistansiya lalo na kapag mabigat ang pakiramdam ko sa presensiya nila

''haaaayyyy''pasalampak akong naupo sa harapan ng kaniyang puntod at ngumiti

Xion Ledesma

''Good afternoon anak,sorry at ngayon ka lang ulit nabisita ni mommy''pagkausap ko sa kaniya habang tinatanggal ang mga damo sa gilid gilid ng kaniyang puntod

''miss na miss ka ni mommy anak,kanina ay nakita ko ang daddy mo sa trabaho ko.Wala parin siyang pinagbago,guwapo parin siya katulad mo''malungkot akong ngumiti

''anlaki ng pinagbago niya,hindi ko alam ang mga balita sa kaniya pero sigurado akong tumaas na ang kompanya niya ngayon--- sana lang ay nandito ka para makita mo kung gaano ka talino at kaguywapo ang daddy mo''

_______


"mag tatake muna ako ng vacation Dion"napatigil ako sa paglalagay ng polbo sa aking mukha

"As you can see,may nangyaring masama sa Lola ko kaya babantayan muna siya"sabi ni sir Xecred

tumango naman ako habang pinapakinggan siyang magsalita sa cellphone.Nasa Taxi ako ngayon at dahil late akong nagising kaninang umaga ay late din ang pagpunta ko sa trabaho. Bigla siyang tumawag saakin at akala ko ay kukunsintihin niya ang pagiging late ko Lalo na at baguhan palang ako pero hindi pala

"e-eh sir sino po ang mag hahandle sa kompanya niyo?"kinakabahang tanong ko

he chuckled"you will see Dion,you will see"Aniya bago patayin ang tawag kaya nagtaka ako

sino naman kaya Yun?

______

nagmamadali akong pumasok sa loob ng elevator at saka pinindot ang 25'th floor.Kinakabahan ako habang naghihintay na bumukas ang elevator

sino naman kaya ang magiging boss ko pansamantala ngayon?hindi kaya si Aleya since siya naman ang president ng kompanya o kanang kamay ni sir Xacred.Kung hindi ang president puwedeng si Vice-president

napabalikwas ako ng biglang tumunog ang elevator.Agad akong lumabas at nakasalubong ko agad si Aleya na busangot ang mukha

hindi niya ako napansin dahil sa sahig siya nakatingin habang naglalakad, pinigilan ko siya"bakit anong nangyari?"hinihingal kong ani"sinong bagong boss natin?"sunod sunod kong tanong

mas lalo siyang ngumuso"pinagalitan ako ng pinsan ni sir Xecred Yung bagong boss natin.Kanina kapa hinahanap"nanlaki ang mata ko dahil doon.Agad akong nagpaalam sa kaniya at walang sabi saving pumasok sa loob ng opisina ni sir Xecred kung saan nakaupo doon ang hindi ko inaasahang tao

nakasandal siya sa swivel chair at naka Armani suit.Walang emosyon siyang nakatitig saakin at nang-aakusa ang kaniyang mga mata na para bang may ginawa akong Mali.Napakaayos ng buhok niya at ang mukha niya ay ganon padin,dumapo ang tingin ko sa labi niyang kulay Rosas

agad akong nag-iwas ng tingin

Dion sinaktan ka niya,huwag kang marupok

nakita ko ang pagsulyap niya sa kaniyang relo"you're late again Miss Dion"wala ding emosyon ang kaniyang boses

"coffee"sabi niya at inalis ang tingin saakin

napalunok ako at nagbaba ng tingin.Again.Deja Vu hit me,ganitong ganito palagi ang nangyayari noong sa kaniya pa ako nag tratrabaho

naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa aking mata kaya napakagat ako ng labi habang nakatingin parin sa sahig"s-sorry po sir"nanginig ang aking boses sa pagkakasabi noon

naramdaman kong natigilan siya pero bago niya pang Makita na umiiyak ako ay agad akong tumalikod at saka walang sabi sabing umalis.Sumandal ako sa pader malapit sa pintuan ng opisina at huminga ng malalim habang tahimik na humihikbi

sobrang bigat ng pakiramdam ko at hindi ko alam kung bakit.Dahil ba sa pag tratrato niya saakin o dahil naalala ko lang noon ang kung anong meron saamin noon?

pinunasan ko ang aking luha Saka inayos ang sarili

nakatulala lang ako habang inaantay na mapuno ang tasa ng kape.Ramdam ko parin ang bigat ng aking puso pero itinabi ko nalang ito.Kailangan kong magtrabaho at iyon ang gagawin ko

naiinis ako sa sarili ko dahil kahit anong gawin ko ay hindi padin ako maka move on sa kaniya.Kahit anong sakit at trauma ang binigay niya saakin ay siya parin ang nasa puso ko

kahit na ramdam ko ang titig niya saakin ay hindi ako nag-angat ng tingin sa kaniya,dahan dahan ay maingat kong binaba ang kape sa lamesa at tahimik na umalis

napapikit ako ng mariin ay huminga ng malalim

Damn you Xerxes.Ano bang gayuma ang binigay mo saakin at ganito ako kabaliw saiyo?

_______________
Aykafaye❤️❤️

*******
Vote

Follow

Comment

Burning LoveWhere stories live. Discover now