Chapter 28

784 19 7
                                    

hindi ko alam kung paano mag dedicate kaya isusulat ko nalang dito

Dedicated to YuiLovesEverything
😊😊

Chapter 28

Dion p.o.v.

"w-what?"hindi makapaniwalang tanong niya saakin

huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha sa aking pisngi, ang Plano ko ay ipakikita ko sa kaniya na hindi ako naaapektuhan sa kaniya pero ngayon palang na umiiyak ako feeling ko panalong panalo na siya sa Plano nila

"tumigil kana"humina ang boses ko,puno ng kuryosidad ang kaniyang nga mata kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita"t-tapusin natin lahat ng connection nating dalawa"gumaralgal ang boses ko

nagbaba ako ng tingin ng Makitang natigilan siya sa aking sinabi,dumaan ang sakit sa mga Mata niya kaya bago pa siya makapagsalita ay agad akong umalis sa kaniyang harap at lumabas

"Dion"rinig kong tawag niya saakin kaya tumakbo ako ng mabilis hanggang sa makarating ako sa elevator,agad itong bumukas kaya nakahinga ako ng maluwag

pag-angat ko ng tingin ay natigilan ako ng Makita si tito Fernando, seryoso ang tingin niya saakin

"Dion"rinig ko ang boses ni Xerxes kaya agad akong nagmadali at pumasok sa elevator kasabay ng paglabas ni Tito Fernando

ng Makita kong mabilis ang pagtakbo ni Xerxes papunta saakin ay agad kong pinindot ang close button sa elevator, pumikit ako ng mariin at hinayaan ang sarili na umiyak

nanghihina akong napaupo sa sahig habang umaandar ang elevator.Hindi ito Ang desisyon ko,hindi

ang kailangan kong gawin ay dapat na ipakita sa kaniyang wala akong pakialam sa kaniya pero ng Makita ko si Olivia kanina ay nagbago ang isip ko, kailangan naming putulin ang koneksiyon namin sa isat isat

____

"a-ano?"hindi makapaniwalang tanong saakin ni Sara na natigil sa pagiimpake sa mga damit ko

malungkot akong bumuntong hininga"hindi ko na uulitin ang sinabi ko Sara"Aniko

"tang-ina kaya pala ganon na Lang ang trato at pag-iingat sa iyo ni sir,any relasyon pala kayo tsk tsk"napapailing niyang ani

"ginamit niya ako"Aniko at mukhang nagulat siya roon"ginamit niya lang ako upang maipaghiganti niya ang daddy niya kay mommy"malungkot kong ani

hindi ko alam ang past nila mommy at Tito Fernando pero mukhang hindi maganda ito

her lips parted"e-eh diba,hindi mo naman siya totoong nanay?"pagpapaalala niya saakin

tumango nalang ako habang siya ay hindi padin natigil sa pagdadaladal,sinasabi niyang walang hiya daw si Xerxes at kung ano ano pa

nakapagdesisyon na ako,aalis ako dito at magsisimula ng bagong buhay sa Laguna kung saan doon nakatira sila ate Melanie,siya lang ang makakaintindi ng pinagdadaanan ko ngayon

kailangan kong itaboy lahat ng masasakit na ala-ala ko.mabuti nalang at nandiyan si Sara upang tulungan akong makapagimpake.Bukas ako aalis kaya binigay ko na kay Sara ang resignation letter ko''ikaw na ang bahalang magbigay niyan sa kaniya,approbahan niya man o hindi walang na akong pakialam''mahina kong ani,wala ako sa mood ngayon para magalit o mag emote

iba din ang pakiramdam ko,feeling ko ay lalagnatin ako

malungkot siyang ngumuso''hayaan mo pagkatapos kong makuha ang sahod ko ngayong buwan na ito sususnod ako sa iyo''aniya kaya mahina akong natawa

nagpaalam na siya saakin at saka umalis kaya nakaramdam ulit ako ng lungkot

nanghihinang pumasok ako sa loob ng aking condo at saka maghapong nagkulong ako doon

_______

ang paulit ulit na text at tawag ang gumising saakin kina umagahan,walang gana ko itong binalingan at ng Makitangsi Xerxes ito ay agad akong napa-irap,kinuha ko ito saka sinilent mode

kumulo agad ang tiyan ko pagdating sa kusina,hindi pa ako kumakain kagabi

wala na akong ibang nagawa kaya lumabas nalang ako at bumili ng kanin at ulam sa malapit na carinderia saamin

pagdating ng alas diyes ay nagbihis na ako upang makaalis na,tinawagan ko na din si ate Melanie tungkol sa plano ko at wala naman siyang naging problema doon

nag taxi ako papunta sa bus station at saktong pagdating ko doon ay bumuhos ang malakas na ulan mabuti nalang at nag suot ako ng jacket dahil malakas din ang hangin

naputol ang aking pag-iisip habang nakaupo ako sa isang bench''Dion''nanigas ako sa aking kinauupuan ng marinig ko ang kaniyang boses

napatingin ako sa aking gilid at agad akong napatayo ng makita si Xerxes na hinihingal habang papalapit siya saakin,nagulat ako ng bigla niya akong yakapin paglapit niya

''Dion please dont leave me let me explain''hinihingal niyang ani sa aking leeg, nanginginigang kaniyang boses at kahit na namumuo na naman ang luha sa aking mga mata ay tinulak ko siya

''wala ka ng dapat pang i explain,tapos na ang lahat at tapos nadin tayo kaya please lang layuan mona ako,wag mo na akong lokohin at paasahin pa''mahinang ani ko habng nakatitig sa maamo niyang mukha,mas lalo akong naiyak ng makitang may tumulong luha sa kaniyang mga mata

umiling siya''no n-no please--''hindi ko na siya pinatapos at agad kong pinadapo ang aking palad sa kaniyang pisngi

ngayon nasa harapan ko na siya ay saka ko lang napagtanto na mahal ko siya,mahal na mahal.Nagdadalawang isip pa ako kung itutuloy koba ang pag alis

huminga ako ng malalim kahit na ramdam na ramdam ko ang kung anong bumabara sa aking lalamunan''masaya ba?masaya ka ba na ngayon naipaghiganti mo si tito fernando kay mommy''pagak akong natawa ng umiling siya''Xerxes pinagkatiwalaan kita,hinayaan ko ang sarili ko na mahulog sa iyo at mahalin ka pero ginago mo lang ako''i fake a smile,masakit sa aking damdamin ang nakikita siyang ganito''napaka gago ninyong mag-ama''

''sana hindi nalang kita pinagkatiwalaan''aniko at saka naglakad paalis ngunit pinigilan niya ako kaya napapikit ako ngmariin

''please hon,i know its all my fault pero sana pakinggan mo ako.I didn't do it to get revenge--''naputol ang sasabihin niya ng tawagin ako ng driver ng bus

''maam aalis na po tayo''

''dont leave me please,i need you so bad,mahal na mahal kita Dion please stay''huminga ako ng malalim ng marinig ang kaniyang sinabi.i-i want to stay too,gusto kong dinggin ang paliwanag mo pero ayaw ko ng masaktan pa ulit

pagod na ako

walang lingon lingon akong umalis habang naririnig ko ang malakas niyang hikbi

pagpasok ko sa loob ng bus ay saktongg umandar ito,napasulyap ako sa bintana at nakitang basangg basa si Xerxes habang nakaluhod

nag iwas ako ng tingin at pinunasan ang nagbabadyang luha sa aking mata, napatingin ako sa katabi kong matanda

''anak boypren mo ba iyon?kawawa naman siya basang basa sa ulan''

_______________
Aykafaye❤️❤️

*******
Vote

Follow

Comment

Burning LoveWhere stories live. Discover now