Chapter 16

921 25 3
                                    

Chapter 16

Dion p.o.v.

naramdaman ko ang malambot na labi sa aking labi at marahang hinahalikan nito ang aking labi

dahan dahan kong iminulat ang aking mata at bumungad saakin ang mukha ni Xerxes

"wake up hon, kumain ka muna bago matulog"bulong niya bago huling pinatakan ng halik ang aking labi

humikab ako bago itinaas ang dalawang kamay"buhatin mo ako"utos ko sa kaniya at agad niya namang sinunod habang natatawa

pinangko niya ako at agad kong pinulupot ang aking hita sa kaniyang bewang, Humawak ako ng mahigpit sa kaniyang leeg at sinandal ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib

hinayaan ko ang aking sarili na langhapin ang kaniyang mabangong pabango

pagkarating namin sa kusina ay dahan dahan niya akong Pina-upo sa upuan,nanlaki ang mga mata ko ng Makita ang chapsuey sa harapan ko,hindi lang chapsuey dahil mayroon ding ice crambled egg at torta

agad akong napangiti at kumuha ng kanin bago ulam"linuto mo lahat ito?"tanong ko sa kaniya

sumulyap siya saakin bago agawin ang sandok sa aking kamay at siya na Ang naglagay ng kanin at ulam sa aking pinggan"yeah, tulog kapa kanina kaya nagdahan dahan ako sa pagluluto"

habang kumakain ay nag kwekwentuhan lang kami tungkol sa naging araw namin hindi Kona rin tinanong sa kaniya kung okay naba sila daddy niya dahil alam kong wala na ako doon, pagkatapos naming kumain ay inutusan ko siyang umuwi na siya pero ayaw niya parin

kaya nasa likod ko siya ngayon habang naghuhugas ako ng plato,hawak hawak niya ang aking bewang habang Ang kaniyang baba ay nasa aking balikat, mahigpit ang pagkakayakap niya saakin na para bang ayaw niya akong umalis

nakikita ko sa gilid ng aking mata na pinapanood niya ang aking kamay kung paano hugasan ang mga Plato

bawat minuto ay papatakan niya ng halik ang aking pisngi

pagkatapos kong maghugas ng plato ay nasa aking likuran parin siya at hindi bumibitaw sa aking bewang, pinunasan ko ang lamesa na aming pinagkainan

"hindi ka pa uuwi?"tanong ko sa kaniya ng matapos na akong mag-ayos sa kusina

humalik siya sa aking pisngi"I want to stay here"bulong niya

hinayaan ko nalang siya sa kaniyang desisyon

"are you sure hon?"ngising Aniya habang kumukuha ako ng damit sa cabinet

umirap ako sa kaniya"mamaya ka na maligo ako muna"Aniko sa kaniya

ng makarating kami sa tapat ng banyo ay hindi parin siya bumibitaw saakin kaya mahina akong natawa at pinalo ang kaniyang kamay na nasa aking tiyan na ngayon"maliligo na ako"Aniko

muli niyang pinatakan ang aking pero ngayon ay mas matagal na,napahiyaw ako ng bigla niyang kagatin ang aking pisngi

_____

napaungol ako ng kagatin niya ang aking leeg"Good night"bulong niya bago pakawalan ang aking Balat,kung kanina ay nasa leeg ko ang kaniyang mukha nakasiksik ngayon naman sa gitna na ng dibdib ko ang kaniyang mukha

mukha naman siyang komportable kaya hinayaan ko nalang siya,linaro laro ko ang kaniyang buhok hanggang sa bumigat na Ang kaniyang paghinga

pinatakan ko ng halik ang kaniyang ulo bago pumikit pero bigla akong nagpamulat ng bigla niyang kuhanin ang aking kamay at nilagay iyon sa kaniyang buhok" I can't sleep without your hands"bulong niya kaya napangiti ako

hinayaan niyang laruin ko ulit ang kaniyang buhok, naramdaman ko nalang na inaantok ako kaya tumigil ako sa paglalaro sa kaniyang buhok

tanging ang mabigat na paghinga lamang ang naririnig sa loob ng aking condo

_____

"hindi pa ba ako papasok?"tanong ko sa kaniya habang inaayos ko ang pagkakabutones ng kaniyang shirt

"you'll be tired"bulong niya at muling pinatakan ng halik ang aking labi kaya napanguso ako

"mas napapagod ako dito sa condo wala akong ibang ginagawa"Aniko sa kaniya

bumuntong hininga siya"are you sure?"tanong niya kaya agad akong tumango

tinapik niya ang aking ulo"alright get dress then" Aniya kaya napangiti ako sa saya bago naglakad papasok sa cabinet kinuha ang damit ko

napatingin ako sa aking relo bago tumayo"lunch time"bulong ko bago nagsimulang maglakad

nagpaorder na ako ng kakainin niya kanina pa kaya pagdating ko sa labas ng building ay nandoon na Ang delivery boy, nagbayad at nagpasalamat na muna ako sa kaniya bago kuhanin ang paper bag na may lamang mga ulam

kumatok muna ako sa kaniyang pintuan ng makarating ako doon"come in"malamig niyang ani kaya agad akong pumasok

naabutan ko siyang seryoso ang tingin sa kaniyang laptop at mukhang focus na focus siya sa kaniyang trabaho

ng Makita niya ako ay agad na lumambot ang kaniyang ekspresyon, lumapit ako sa kaniyang desk at ipinatong doon ang tatlong paper bag na dala ko

"kain na"Aniko at ngumiti, ngumuso lang naman siya saakin at tinapik niya ang kaniyang hita

lumapit ako sa kaniya at umupo sa kaniyang hita, Nakaharap ako sa kaniya kaya kitang kita ko ang pagod sa kaniyang mga mata

hinaplos ko ang kaniyang mukha"kumain ka muna,pagod kana"utos ko pero isang halik lang ang aking natanggap sa kaniya

pinagdikit niya ang aming nuo at mahigpit na hinawakan ang bewang"this is what I needed"bulong niya habang mahigpit na nakahawak parin saakin, pinikit niya ang kaniyang mata

napabuntong hininga ako bago hawakan ang kaniyang ulo at marahang minasahe iyon,huminga siya ng malalim ng masahiin ko ang kaniyang ulo

lumipat ang paglakasandal ng kaniyang nuo sa aking leeg"that felt nice hon"bulong niya

ilang minuto kong hinilot ang kaniyang ulo hanggang sa narinig ko ang mabigat niyang paghinga,his grip loosen in my hip

dahan dahan kong isinandal ang kaniyang ulo sa kaniyang swivel chair , nakahinga ako ng maluwag ng hindi siya nagising

dahan dahan ang aking galaw habang tumatayo paalis sa kaniya hita

napatingin ako sa mga papel na nakatambak sa kaniyang lamesa

napabuntong hininga ako bago ayusin ang mga ito pero habang inaayos ito ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone, automatic din na nag open ito kaya napatingin ako doon

nangunot ang aking nuo ng Makita ang picture ko doon na kaniyang wallpaper pero ang mas napakunot ng aking nuo ay ang message na nag pop up

Dad

kung ayaw mong gawin ang pinapagawa ko sa iyo Xerxes,kuhanin ko sa iyo ang kompanya.sobrang dali lang ng pinapagawa ko sa iyo I want you to broke her heart just like her mother did to me

_______________
Aykafaye❤️❤️

*******
Vote

Follow

Comment


Burning LoveWhere stories live. Discover now