Chapter 15

928 21 0
                                    

Chapter 15

Dion p.o.v.

agad kong sinagot ang tawag ni Lola Arianne" la"aniko habang inaayos ang bedsheet ng aking kama

narinig ko ang mahina niyang pagbuntong hininga"Dion"parang nanghihina ang kaniyang boses kaya nagtaka ako

"la ano pong problema?, okay lang po ba kayo?"tanong ko bago inayos ang unan

"nandiyan ba si Xerxes?"tanong niya saakin,inilipat ko ang cellphone ko sa kabilang Tenga ko

"ah wala po siya,ang sabi niya ay may aayusin muna siya sa kompanya-- ayaw niya din po akong papasukin"pagsususmbong ko Kay Lola at napanguso

paggising na paggising namin sa umaga ay sinabihan na niya akong wag muna akong pumasok,ok lang naman saakin ma huwag pumasok dahil masyadong madami din akong gagawin sa opisina pero nakaka board din dito sa condo

narinig ko ang mahinang pagtawa ni Lola Arianne"nagmamadali din po siya kanina sa pagpasok may problema po ba sa kompanya la?"nagtatakang tanong ko, pagkatapos na pagkatapos niya akong paglutuan ng pancake ay agad siyang pumasok

"meron apo,malaking problema pero hindi sa kompanya niya kung hindi sa daddy niya"napatigil ako doon

huh?,may problema siya pero hindi niya sinasabi saakin

"pero alam kong maayos din nila ito,may tiwala ako Kay Xerxes--- at may tiwala din ako sa iyo"narinig ko ulit ang mahina niyang pagbuntong hininga na para bang hirap na hirap na siya at parang iiyak na"Dion apo,Mahal mo ba ang apo ko?"bigla niyang tanong

dahan dahan akong napaupo sa kama sa narinig na tanong,para akong nanghihina

Mahal ko nga ba talaga siya?

"h-hindi ko po alam l-la, n-- naguguluhan po a-ako"nauutal kong ani

masyado akong na dadala sa kabaitan ni Xerxes kaya minsan ay hindi na ako nag-iisip pa kung may gusto nga ba ako sa kaniya o wala,dahil para saakin ay masaya na ako sa kung ano man Ang namamagitan saamin

masaya na akong kasama siya

"alam kong mahal mo siya Dion,nakikita ko sa mga Mata mo at nararamdaman kong mahal mo Ang apo ko, naguguluhan ka lang dahil hindi mo masyadong pinapansin ang nararamdaman mo--- alam kong mahal ninyo ang isat isat,mahal ka ng aking apo"para akong nawalan ng hininga sa sinabi ni Lola

"kaya humihingi ako sa iyo ng tulong, gabayan mo Ang aking apo huwag mo siyang sasaktan,at kung ano man Ang problemang dumaan sa inyo hayaan mo siyang nagpaliwanag--- ngayon pa lamang ay sinasabi ko na saiyo Malaki ang problema ni Xerxes at ng ama niya at maaring maging dahilan ito ng hindi ninyo pag kakaintindihan"

hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Lola pero parang may pinapahiwatig siyang magkakaroon kami ng away o problema ni Xerxes

_____

pagkatapos kong maglaba ay agad na kumulo ang aking tiyan kaya nagpunta ako sa kusina

pagtingin ko sa ref ay agad akong napanganga,isang carrots lang ang naroon

nakalimutan ko palang maggrocery ngayon

napanguso ako bago kuhanin ang aking cellphone dahil sa sunod na sunod na pagtunog nito

pagtingin ko ay ang pangalan ni Xerxes ang agad na bumungad saakin

Boss X:

what are you doing?

Boss X:

nasaan ka?

Boss X:

why aren't you answering my calls?

Boss X:

hon

Boss X:

Answer me

Boss X:

hindi kita papatulugin mamayang Gabi kapag hindi mo sinagot ang tawag ko

agad na nanlaki ang mata ko sa kaniyang message, pinindot ko agad ang call at tinawagan siya,wala pang isang Segundo ng agad niya itong sagutin

"what the fuck are you doing?"inis niyang tanong

ngumuso naman ako"naglalaba Kasi ako"Aniko at narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya

"hindi mo sinabi saakin na kailangang kong mag grocery ngayon,wala akong makain"sabi ko bago naupo sa stool at nagpalumbaba sa counter

"I know,sabay tayong kakain anong gusto mo?"tanong niya at narinig ko ang pag-andar ng kotse sa kaniyang linya

"hmm chapsuey"Aniko at humikab, nakakaramdam na naman ako ng antok pagkatapos maglaba

"alright,hintayin mo ako"

akmang ibaba ko ang tawag pero agad siyang nagsalita"don't hang up,I want to hear your voice"sabi niya sa kabilang linya

napanguso ako,paano ako makapagsalita eh inaantok na ako

hinayaan ko nalang siya at pinikit ang mga mata"hon"tawag niya saakin

"hmm"I hummed

"what's your thoughts about having a baby?"agad na dumilat ang aking mata sa kaniyang tanong

what the hell?,anong problema niya at bakit iyan ang pumapasok sa utak niya

"what about it?"pabalik kong tanong

"I want to have a child"bigla niyang ani na nagpatigil saakin,para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig

binasa ko ang nanunuyong labi"I want to have a child with you"muntikan na akong mahulog sa stool sa kaniyang sinabi

tumikhim ako"i-im taking pills remember?"Aniko,taas baba ang dibdib ko dahil sa kaba na hindi ko alam

"I know---- c-can you stop taking pills hon?,I mean it's okay if you don't want a child I respect your decision"malambing niyang ani,this time tuluyan na akong hindi makahinga ng maayos

rinig na rinig ko ang malalim na paghinga ko sa loob ng condo

huminga ako ng malalim at pagkatapos ng isang minutong katahimikan ay tuluyan na akong nagsalita"s-sige"Aniko

narinig ko ang pagbuga niya ng marahas na hangin

dahan dahan kumalma ang aking puso

_______________
Aykafaye❤️❤️

*******
Vote

Follow

Comment

Burning LoveWhere stories live. Discover now