Chapter 74

11.8K 241 5
                                    

Nanginginig pa ang mga tuhod ko nang papunta kami ni Benj sa kwarto kung saan nakalagay si Azalea. Kanina nang tawagan kami ni Justin na ililipat na raw sa kwarto ang mahal ko ay halos liparin ko na ang papunta roon.

Nang nakapasok na kami ni Benj sa kwarto ay agad akong nanlumo nang makita ko ang nakaratay na walang malay na si Azalea. Parang kinuyumos ang puso ko sa ayos niya. May tubo siya sa bibig at oxygen at may neck brace din na nilagay sa kanya. At may malaking benda pa sa noo niya.She's just lying on the bed as if she's in a long sleep.

Lumapit ako kaagad sa tabi niya at hindi ko na napigilan ang luha kong nangilid sa mga mata ko.

"Dave,we'll be outside. Tatawagan ko lang si Nicole at ang iba." si Justin na tinapik pa ang balikat ko saka lumabas na ito kasama si Benj.

Hinila ko ang bangko palapit sa hospital bed ni Azalea. Hindi ko kayang kontrolin ang sakit at awa na nararamdaman ko sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay niyang may mga maliliit pang galos.

"Baby.." sabi ko at gumaralgal na ang boses ko. "I am just here. I won't leave baby but promise me you won't leave me too..." at dinala ko ang walang lakas niyang kamay sa labi ko. "I love you so much baby..promise me you'll wake up soon,okay?"

Nang dumating ang iba pang naming mga kaibigan kinaumagahan ay pumayag na rin akong umuwi sandali sa condo dahil sabi ni Justin ay gising na raw si Alexis at kailangan ko pa siyang ihatid sa school niya. Napagdesisyunan kong mag-leave muna sa trabaho hangga't hindi pa ako nakakasigurong ligtas na nga ang mag-ina. Mabuti na lang at may mga kaibigan akong nag-volunteer na siya munang magbabantay kay Azalea sa hospital habang wala ako.

Sa condo ay naabutan ko si Nicole na binibihisan na si Alexis ng school uniform.

"Kuya!" ani Nicole at agad akong sinalubong at niyakap. "How is she?"

Kinalma ko muna ang sarili ko bago pa siya sinagot. "She's still unconscious,Nic." matipid kong sabi saka hinalikan ko na sa noo ang anak ko.

"Dad,where is Mom?" inosenteng tanong ng anak ko.

Malungkot na nagkatinginan kami ni Nicole at saka lumebel ako ng upo sa anak ko.

"Mom,is in the hospital right now,buddy.But she'll be fine and we'll see her soon." sabi ko.

"Magshower ka na muna Kuya.I'll take care of Alexis." si Nicole.

Ginulo ko muna ang buhok ng anak ko at saka ako pumasok sa kwarto namin ni Azalea. Matapos mag-shower ay nagbihis ako agad para ihatid na sa school si Alexis at ihatid rin sa condo nila ni Justin si Nicole.

Pagkahatid ko kina Alexis at Nicole ay nagpunta agad ako sa ospital. Nakita kong naroon na ang Mama ni Azalea,sina Mama at Papa at ang Mama ni Justin kasama ang mga kaibigan namin.

"Dave.."anas ni Mama at agad akong niyakap. "Iho..are you okay?"

Maybe if I was alone in the room I would have cried my heart out again but then having our loved ones here makes me a little at ease.Their presence gives me hope and strength.

Nang matapos akong yakapin ni Mama ay agad akong lumapit sa payapang natutulog pa rin na si Azalea at ginawaran ko siya ng halik sa noo.

"I love you so much baby.." bulong ko pa sa tainga niya.

I know I won't get any response hindi kagaya noong wala pa ang aksidente. My beautiful Azalea would always tell me how much she loves me too. I missed her. I missed so much.

Binalinga ko naman ang Mama ni Azalea na namumula pa rin ang mga mata.

"Tita." niyakap ko siya at napahagulgol ulit siya.

A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon