Chapter 20

11.5K 246 1
                                    

Pagkatapos ng last subject namin sa araw na ito ay nakita ko agad si Dave na naghihintay sa akin sa may labas ng room. Agad na pinagkaguluhan ng mga babae roon ang presensya niya.

"OMG! Picturan mo dali! Ang gwapo talaga ni Dave!"

"Tweet mong nasa building natin si Dave Alexander Araneta!"

"Ang swerte talaga ni Azalea!"

"Di naman sila bagay!"

Halos matawa na lang ako sa mga pinagsasabi ng mga kaklase ko. Maging sa may pasilyo ay nakikita ko ang mga matang nakatutok sa amin ni Dave or mostly kay Dave. Magkahawak kamay ulit kaming naglakad. He's holding my hand like he was so proud of me. Na walang siyang pakialam sa mga taong nandoon. Nasa likod naman namin sina Nicole,Chesca,Jasmie at Alyssa.

Nang makarating na kami sa gate ay agad na nagpaalam sina Jasmine at Alyssa. 

"Andito na ang sundo ko...O sabay ka na ba sa akin Nicole?" ani Chesca.

"Oo.Kita na lang tayo bukas Lea..." humalik pa sila sa pisngi ko bago sumakay sa naghihintay na sasakyan.

"Sige,ingat kayo." kumaway ako nang tuluyan na nitong sinarado ang bintana ng sasakyan nila.

"May klase ka pa mamaya di ba?"tiningala ko si Dave na nakatingin pala sa akin.

"Oo.I'm tempted to drive you home baby.." ani niya sa nagungusap na mata.

Kung pwede lang Dave sabi ko sa sarili. Alam ko kung gaano siya ka-frustrated hanggang ngayon sa set up naming ito.

"Wag na. Andyan na naman ang tricycle ni Mang Kanor. Bumalik ka na sa klase mo. Kita na lang tayo bukas..." 

My heart is aching for him. Ako man din ay nasanay na sa ginagawa niyang paghatid at sundo sa akin.

"Payakap nga..." sabi ko sa malambing na boses.

I need to make him feel na ramdam ko din ang paghihirap niya.

Kinulong niya ako sa kanyang mga bisig at hindi na ako nag-atubiling yakapin din siya pabalik.

Dave is my home. His hug gives me comfort. He's all I need sa mga oras na ganito. Oh how I love this man.Kulang pa ang isang buong araw na makasama siya.

Kumulas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"I love you so much Azalea..." ani niya.

Ramdam ko ang pagkakagulo ulit ng kaloob-looban ko. Ganito na ba ako kaswerte? Who would believe na ang isang katulad ko ay walang sawang sinasabihan ng mga salitang ito ng isang gwapong Dave Araneta.

"Mahal na mahal din kita.." sagot ko naman.

Bawat letra at salita ay gusto kong maramdaman niya.  Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko.

Halos magdikit na ang mga labi namin ng marinig ko ang tinig na siyang nagpabangon ng kaba sa dibdib ko.....


AZALEA!

Napahumindik ako sa galit na boses ni Mama. Bigla akong lumayo kay Dave na ngayon ay napamaang na ring nakatingin sa babaeng kaharap namin ngayon. Galit na galit at puno ng pagkadismaya ang mukha ng aking ina. Ako naman ay nagpalipat-lipat ang tingin kina Mama at Dave. Nanginginig ako sa takot.

"Lea..." puno ng concern ang mukha ni Dave na nakatingin sa akin.

"Umuwi ka na Lea!" sigaw ni Mama.

Halos ikahinto na nang aking paghinga nang lapitan ako ni Mama at daklitin ang aking braso pero agad na lumapit din si Dave na hawak naman ang aking isang kamay.

A Love To Remember [Completed]Where stories live. Discover now