Chapter 8

12.1K 319 6
                                    

Habang kumakain ay panay pa rin ang titig sa kanya ni Dave. Nawalan tuloy siya ng ganang kumain kahit pa kanina pa siya nagugutom. Gusto niyang singhalan at sawayin ito pero baka kung anong isipin ng mga kaibigan nito.

"Hey guys,did I miss something?"

Napaangat ang kanyang tingin sa kararating lang na lalaki. Parang sumakit ang sintido niya ng mapagsino ito.

Isa pa itong lalaking 'to! Wala na ba talaga akong ligtas sa mga arroganteng lalaki sa campus na ito? Punong-puno na nang mura ang kanyang utak.

"We have a new member here,Justin." ani ni Benj.

"Justin Imperial." pakilala nito.

Kumunot ang noo niya ng magkatinginan sila ni Azalea. Napalunok ito.

"Azalea. Azalea Reyal." pinigilan niyang lagyan ng inis ang tinig niya.

Sa halip ay pinagdiskitahan niyang tusok-tusukin ang banana cake na nasa pinggan niya.

"Azalea,are you okay?"

Napatigil siya sa ginagawa ng mapokus ulit ang mga mata ng mga ito sa kanya. Ngumisi lang siya ng peke.

"Azalea Reyal. Your name sounds familiar." seryosong sabi ni Justin.

Konti na lang talaga. Konti na lang at magwa-walk out na talaga siya. Ano bang problema ng mga ito at siya ang pinagdidiskitahan.

"Excuse me,may tatawagan lang ako."

Tumayo si Justin at binunot nito mula sa kanyang bulsa ang cellphone at lumakad palayo sa kinaroroonan nila .

" On our weekend study ,Azalea,what time ka available?" biglang tanong ni Chesca.

Himala at pinansin siya nito.

"Mga 6 pm na siguro." sagot niya.

"What? it's weekend? May gagawin ka ba during day time?" usisa ni Nicole.

"May trabaho kasi ako sa bakery diyan sa bayan every weekend. 6 pm pa yung out ko." aniya.

There's no sense of hiding who she really is. Unang tapak pa lang niya sa eskwelahan ay agad na niyang tinanggap na iba ang kanyang kalagayan sa mga estudyante rito. Kahit kailan ay hindi niya inisip na magpanggap sa totoong katayuan niya sa buhay. Hindi niya ugali ang ganoon.

"What's your work?" tanong ni Chesca.

Nakita niyang nakatingin na sa kanya ang mga ito. Pati ang mga lalaki ay naghihintay rin ng sagot niya.

"Nagtatrabaho ako bilang isang tindera sa bakery. Actually bago ako nakapasok rito araw-araw akong nagtatrabaho roon pero nang matanggap ako dito bilang scholar ay tuwing Sabado at Linggo na lang yung trabaho ko roon." pagtatapat niya.

Hinintay niyang pagtawanan siya ng mga ito sa sinabi niya pero walang imik ang mga ito. Sa halip ay nagpatuloy lang sila sa mga ginagawa nila. Gustong niya maiyak sa sobrang relief na nadarama niya ngayon dahil buong akala niya ay huhusgahan siya ng mga ito dahil mahirap siya at mayaman ang mga ito.

"What if sunduin na lang kita sa pinagtatrabahuhan mo para sabay na tayong pumunta kina Nicole every weekend?"

Napaubo sa kanyang iniinom si Nicole sa tinuran ni Chesca.

"Ha? Naku wag na. Hihingin ko na lang yung address ng bahay niyo Nicole para hindi ko na kayo maabala." hiyang-hiya sabi niya.

She's happy that she felt she belonged in the group alright? Pero di rin naman niya inaaasahang sunduin pa siya nito. Kalabisan na iyon at ayaw niyang isipin ng mga ito na nagta-take advantage siya sa kabaitang ipinapakita nito sa kanya.

A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon