Chapter 41

9.7K 207 2
                                    

Pagkatapos naming mag-breakfast ay tumulak agad kaming lahat para sa land activities namin sa umaga. We explored all the beautiful places sa Misibis. We did the zip line too.

Kinahapunan ay nag kayaking kami at nag scuba dive naman yung mga boys. Ako ay hanggang tanaw na lang dahil hindi ako pwedeng lumusong sa tubig dahil baka mag ka red tide pa..

Halos wala kaming pahinga the whole day dahil sinusulit na namin ang stay namin rito kasi bukas ay uuwi na kami.

Matapos ang lahat nang activities ay napagkasunduan naming magbabarkada na mag bonfire sa tabi nang dagat.

Kasalukuyang sinisiga nina Benj at Wilford ang bon fire. Sina Justin at Dave naman ay naroon pa rin sa isang tindahan kung saan bibili sila nang mga drinks at kung anu-ano pa. I like how the boys are taking good care of us girls. Si Cody ay may hawak na gitara ngayon katabi naman nito si Chesca. I'm just waiting for them to sing their heart out tonight.

" I'm going to miss you ,Lea.." 

Nalingunan ko si Nicole na malungkot ang mukhang nakatingin sa akin. 

"Mamimiss rin kita,Nic. Kayong lahat."

Hindi ko na rin naiwasan ang pag garalgal nang boses ko. Tonight will be the last night na makakasama ko silang lahat. The day after tomorrow ay lilipad na kami ni Mama pabalik sa Tarlac.How I wish that this day won't end. 

"Mag-transfer ka na lang kaya ulit sa DACU para kumpleto tayo roon?" aniya.

Sa totoo lang ay naisip ko na yan kaso hindi ko alam kung papayagan ba ako ni Mama. At isa pa ay may isang sem pa ako na tatapusin doon at may mga commitment pa ako sa team.

"Hindi ko pa naiisip yan Nic,eh. At saka bibisita naman ako rito."

Hindi ko alam na mas masakit pala na magpaalam ako sa kanila kaysa sa noong umalis na lang ako bigla.

"Okay ka ba talaga doon? Wala bang masamang nangyayari?"

Napatingin ako kay Nicole na puno nang pag-aalala ang kanyang mukha. Oo nga pala. Ni isa man sa kanila ay wala akong sinabihan sa mga masamang nangyari sa akin mula noong insidente nina Justin at Raph.

"O-okay na man ako doon. Mababait naman yung mga tao."

I lied. Kung pwede lang talagang di na ako pumasok roon ay ginawa ko na. Sometimes kasi ay very alarming na din ang mga pambubully nang mga kampi kay Raph sa akin. But hindi ko pwedeng sabihin yun sa kanila lalo na kay Dave.Ayokong lumaki pa lalo ang issue at madamay pa ang mga ito.

"The drinks are here..." 

Napalingon kami ni Nicole kina Dave at Justin na papalapit sa amin.

Pagkalapag nina Dave sa mga drinks at pagkain ay agad siyang tumabi sa akin.

"You okay?" 

Tanong agad niya sa akin. Nginitian ko siya at saka tumango ako.

Nakuha ang atensyon naming lahat nang magsimula nang magstrum sa gitara si Cody at nagsimula itong kumanta. 

"Sometimes in our lives we all have pain"

"We all have sorrow

But if we are wise

We know that there's always tomorrow"

Ang ganda talaga nang boses nito. Sumunod naman si Chesca.

"Lean on me, when you're not strong

And I'll be your friend

I'll help you carry on

A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon