Chapter 6

11.8K 302 3
                                    

"Ouch! Pwede bang hinay-hinay lang Nicole?" reklamo ni Chesca. 

Kinaladkad kasi siya nito papuntang second floor dahil sa pagmamadaling hindi sila malate sa klase. Kaya habol tuloy ang hininga niya.

"Late na tayo." ani ni Nicole.

"Yeah right.Kasalanan mo naman eh." ani nito.

Nang makapasok na sila ay agad na nabaling ang atensyon ng mga kaklase nila. Agad na nagbulong-bulongan ang mga ito.

"Araneta & Castillo! Talagang sinimulan niyo ang first day of class ng late ha?" puna ng instructor nila. 

Nagtawanan naman ang mga kaklase nila. Nang tingnan ito ng masama ni Nicole ay aga na nagsitahimik ang mga ito.

"Halika,doon tayo umupo sa tabi ng bago kong kaibigan." sabay hila sa kamay ni Chesca.


"Araneta & Castillo! Talagang sinimulan niyo ang first day of class ng late ha?" 

Napatingin si Azalea sa bagong kapapasok lang na si Nicole at ng kasama nito. Agad itong napuna ng kanilang professor. Nagulat pa siya ng isang tingin lang ni Nicole sa mga kaklaseng tumatawa kanina ay nagsitahimik na ang mga ito na para bang takot. Nakita niyang papalapit ang mga ito sa upuan niya. Pinili kasi niyng doon maupo sa hulihan kaya nagulat siya na pati doon ay sinundan siya ni Nicole at nang kasama nito. Naupo ang kasama nito sa unahan niya at katabi naman niya ngayon si Nicole. Nginitian niya ang mga ito.

"This is my bestfriend,Chesca." halos pabulong na sabi ni Nicole.

Lumingon naman sa kanya ang kasama nito kaya nag-smile siya pero hindi ito gumanti ng ngiti sa kanya.

"Hello. Ako nga pala si Azalea." mahina niyang sabi.

"Chesca. Chesca Castillo." saad nito sabay talikod.

Bagamat nagtataka siya ay di na lang niya pinansin ang pinakita nitong attitude sa kanya.

"Don't worry,ganyan lang siya pag bago pa lang kayong magkakilala but she's nice naman." ani ni Nicole.

Tumango lang ako kay Nicole. Honestly,balewala lang naman sa kanya yun. Sanay na siya sa mga attitude na ganito. Sa dami ba naman ng nakasalamuha niya araw-araw sa bakery shop.

"Alright class,naipaalam naman siguro sa inyo na simula sa Wednesday ay magsisimula na kayong magsuot ng uniporme. Wash day will be on Friday. Kaya palalampasin muna ngayon ng school ang mga attire niyo but make sure na before coming to school starting Wednesday ay magiging effective na ang proper dress code. Not following the rules ay may karampatang violation kaya wag niyo kalimutan yan." sabi ng professor bago ito lumabas ng classroom.

Oo nga pala at kailangan niyang mag0secure nang school uniform at P.E. uniform. Plano niyang dumaan mamaya sa Registrar's office para tanungin si Mrs. Chua about dito if included ba ito sa benefits niya sa scholarship or she has to provide it on her own.

Matapos ang second subject nila ay nakita na lang ni Azalea na tumayo sina Nicole at Chesca bitbit ang bag ng mga ito.

"Do you want to come with us for lunch,Azalea?" baling ni Nicole sa kanya.

Nakita niya kung paano umismid si Chesca. 

"Hindi na. Pupunta pa rin kasi ako sa Registrar's Office eh..next time na lang" ani niya.

Ang totoo ay awkward na para sa kanyang sumama rito lalo na't alam niyang hindi siya gusto ni Chesca.

"Sige.Kita na lang tayo mamaya." wika nito at tuluyan ng lumabas sa classroom.

A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon