Chapter 39

9.9K 221 0
                                    

Bigla akong bumitiw sa pagkakayakap kay Dave at napapikit na lang ako habang habol ko pa ang hininga.

"Fuck Benjamin!" napamura pa si Dave at inihinto ang paghalik sa dibdib ko.

Damn it! Nakakahiya but at the same time I feel disappointed. Disappointed dahil?

"Hey baby..look at me.." malambing na sabi ni Dave sa akin sabay hawi nang bangs ko na nasa mukha ko na pala. Nagmulat ako at tinignan siya. "I love you so much.." aniya saka ginawaran ako nang halik sa noo.


Dave! Lea! Hoy ano ba ang ginagawa niyo dyan! Mamaya na yan!

Natatawang sabi pa ni Benj.

"Shut up Benjamin!" paasik na sigaw ni Dave pero agad ko siyang kinurot.

"Tara na baka tayo na lang ang hinihintay.Nakakahiya sa mga kaibigan natin." sabi ko at nagtangka akong bumangon pero hindi pa rin siya umalis sa ibabaw ko.

"I just want to stay here and lay with you.."

Muli niyang sinakop ang labi ko. Pinigilan kong magpadala ulit dahil baka hindi na talaga kami makalabas nang kwarto.

"Sige na babe..please?" sabi ko habang kinagat-kagat ang labi niya.

"Damn!" aniya pero hinalikan ulit ako bago pa siya tuluyang tumayo.

Nang wala na siya sa ibabaw ko ay tinulungan niya akong bumangon at pareho naming inayos ang aming mga sarili.

Lumabas kami nang kwarto pero wala na ang mga kaibigan namin.

"Ayan tuloy naiwan tayo.." sabi ko pa.

Naglakad kami ni Dave papuntang elevator na magkahawak ang kamay.

Pagbaba namin ay naaubutan naming naghihintay na nga ang mga ito sa lobby nang hotel.

"Dave pare, parang iba yata yung lips mo ngayon. Parang namamaga.." utas agad ni Benj nang makalapit kami sa kanila.

Nakita kong binigwasan ni Jasmine si Benj.

"Fuck you Benjamin."' ani Dave na nakangisi lang. Ako naman ay hiyang-hiya na.

Yung mga kaibigan ko kahit nagtatawanan ay wala akong kakabakasan nang pagiging judgemental. Maybe because dumating na rin sila sa stage na kapareho nang ginawa namin kanina ni Dave? Or maybe mas higit pa doon?

"So,saan tayo?" ani Cody.

"Libutin muna natin yung buong resort and then picture-picture din pag may time.." sabi ni Chesca na hindi na ako nagulat pang ka-holding hands na si Cody.

Nang sulyapan ko sina Justin at Nicole ay parang may sariling mundo lang din yung dalawa. Maging sina Wilford at Alyssa ay ganun din.


Lumabas kami nang hotel at nilibot nga namin ang kabuuan nang resort.

Kulang pa ang salitang "maganda" kung idi-describe ito. Para tuloy gusto kong dito ako magtrabaho pagkatapos kung mag-aral pero malayo pa yun. Bawat places ay may picture kaming kinuha.

Sa group picture namin ay laging nakayapos si Dave sa akin. Maging ako ay ganun din sa kanya. Nag-picture din kaming mga babae gamit ang iba't-ibang pose. Yung mga lalaki ay ganun din. Sa couple pic namin ni Dave ay nakayakap ang braso niya mula sa likuran ko at nakalagay naman ang kamay niya sa tiyan ko. Nakita ko pang ini-upload niya iyon sa facebook niya. Until now ay wala akong facebook pero balak ko naman magbukas hindi pa nga lang ngayon.

Naaliw ang mga lalaki sa panunuod nang mga nagwi-wind surfing kaya kami namang mga babae ay humiwalay sa kanila at gumala rin. Mas lalo akong naaliw nang may makita akong nag-banana boating. Gusto ko iyong subukan.

A Love To Remember [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon