5

13 10 0
                                    

Kinabukasan ay pumasok na ako sa school
pero pagdating ko doon ay wala akong Zen na nadatnan sa Gilid ng gate.


Malungkot akong pumasok magisa sa room namin siguro ay hindi iyon papasok baka may sakit iyon kaya nagpapahinga at nagabsent na muna.


Dumating na ang Teacher namin pero walang Zen na dumating, walang Zen na umupo sa gilid ko.


Malungkot akong nakinig sa lahat ng diniscuss ng Teacher namin nakakaboring na nga tapos wala pa si Zen buong maghapon.


Oras na ng uwian kaya nagmadali na akong magayos ng mga gamit papasok sa bag ko. Lakad takbo ang ginawa ko para makalabas ng gate.


Pinuntahan ko ang bahay nila Zen pero nakasarado ito. walang tao. nasaan naman kaya sila? tanong ko sa isip ko.


Nakatayo lang ako sa tapat ng bahay nila naghihintay ng mapansin ako ng kapit bahay nila .


"Wala sila dyan!" sigaw niya saakin


"Nasaan po sila manang?" baling ko sa matandang babae


"Hindi ko alam iha e" nagpasalamat nalang ako sakaniya at umalis na


Napagpasyahan kong umuwi na lamang ng bahay at magpahinga na lamang


Pagpasok ko sa bahay ay pumunta ako agad sa kwarto at hinanap ang cellphone ko at binuksan ang facebook account para tignan kung online ba si Zen pero bigo ako dahil hindi siya online.


"Saan naman kaya pumunta ang lalaking yon?" wala sa sariling sambit ko


Nang gabing din yon ay may masama akong pakiramdam pero wala akong sakit parang may kakaiba lang akong nararamdaman na parang may masamang mangyayari.


Pinagsawalang bahala ko na lamang lahat ng yon at nagpahinga na baka guni-guni ko lamang ang mga yon.


Siguro naman kinabukasan ay papasok na sa school si Zen.


Napangiti na lamang ako habang inaalala ang mga ngiti't tawa ni Zen sa tuwing magkasama kaming dalawa.


Sa oras na yon alam ko sa sarili ko na matagal na akong mahulog sa kaibigan ko hindi ko lang maamin sakaniya dahil baka iwasan niya ako.


Dahil alam ko naman na hanggang kaibigan lang ang tingin niya saakin o baka kapatid pa ang turing saakin non atsaka hindi ako ang gusto niya.

The Story of UsWhere stories live. Discover now