3

13 11 1
                                    

Simula ng araw na yon hindi kona siya tinigilan palagi ko itong kinukulit at dinadaldal hanggang sa paunti unting nagiging close na kami.


Nagtataka na nga ang mga kaklase namin dahil ako lang ang kinakausap nito.


"Did you study?" tanong ni Red saakin habang nakatingin sa notebook nito.


Hindi ko ito kinibo at nagkunyaring natulala.
Walang pasabing kinurot ako nito ngunit hindi naman masakit pero nagkunyari pa rin akong nasaktan ako hihihi


"Aray! Mr.PAL masakit yon alam mo ba ha" singhal ko dito pero nagsusungit sungit na naman ito


"Di ka na naman nagreview!" sigaw nito saakin "Bahala ka diyan hindi kita bibigyan ng sagot!" umakto itong babalik na sa upuan kaya sinigawan ko ito


"Sige lang palibhasa madamot ka!" sigaw ko dito at inirapan siya


Lumipas ang mga araw ay naging matalik na magkaibigan kaming dalawa kilala na din ako ng Mama ni Zen dahil ako lang daw ang ipinakilala nitong kaibigan niya sa mga magulang niya.


Kinilig naman ako dahil doon. Hayaan mona kahit kaibigan lang ang mahalaga ako lang ang babaeng dinala niya sa bahay nila at wag ka pinakilala pa niya ako sa Mama niya kahit na as a friend.


Linggo ngayon kaya napagdesisyonan kong i-open ang facebook account ko dahil sa bored ako ay nagmessage ako kay Red

              Zen pikit mo mga mata mo.

Bakit? sige wait.

Ano nakita mo?

Hoy Zen ano nakita mo?

Hoy wag mong sabihin na nakatulog kana

Luh sige wag mo na akong kausapin

Panget mo kabonding

Bahala ka dyan!

Dika talaga magrereply?!

👍

Sunod-sunod kong reply sakaniya dahil naiirita na ako dahil sa hindi siya marunong makisama sa trip ko hmp!


Hello, Mama niya to tinatanong ng anak ko kung pwede na ba daw siyang dumilat.


Napasampal nalang ako sa noo ko nang makita ko ang reply.


Kinabukasan ay naghanda na ako sa pagpasok sa eskwela excited ako kasi makikita kona ulit si Zen.


"Zen!" tawag ko sakaniya ng makita ko siya sa tapat ng gate papasok sa school


Lumingon ito saakin atsaka ngumiti nginitian ko nalang din ito dahil mukhang maganda ang mood ni Mr.PAL


"Mukhang goodmood tayo ngayon ah!" pantitrip ko sakaniya habang nakangiti pa din sakaniya


"Ahh oo naman,nakita ko kasi yung crush ko" pagkwekwento nito saakin


Bigla na lamang tuloy akong nakaramdam ng kakaiba ewan ko ba hindi ko maipaliwanag tong nararamdaman ko lately kasi palagi kong naabutan si Zen na nakatingin doon sa crush niyang ubod ng puti at kakinisan Lianne ang pangalan niya mabait din ito at hindi mo makikitaan ng kahit anong kapangitan ng ugali.


Binalewala ko na lamang ang lahat ng iniisip ko at nagpatuloy nalang sa paglalakad kasabay si Zen.


Nang makarating kami sa room namin ay agad agad akong umupo sa upuan ko at inayos ang bag ko sa likod, umupo na din si Zen sa upuan niya bigla kasing dumating yung Teacher namin kaya ayon hindi na kami nakapagdaldalan pa ni Zen.


Nakinig na lamang ako ng tinuturo ng Teacher namin kahit na walang pumapasok sa utak ko about sa dinidiscuss nito.


"Class dismiss." pagkasabing pagkasabi pa lang ng Teacher namin ay nagsitayuan na ang mga kaklase namin at lumabas na ng room


"Hey, Faster!" sigaw saakin ni Red hindi ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy sa pagaayos ng mga gamit para ipasok na sa loob ng bag.


"Grabe naman kasi makafaster e atat na atat teh?"  Sabi ko sakaniya duh paano kasi masyado siyang nagpapamadali


Nang matapos ako ay niyaya kona si Zen na lumabas. sabi niya ay may pupuntahan daw kami pero ayaw niyang isabi saakin kung saan surprise daw kasi ito.


Paglabas namin ng school ay pumunta kami sa park doon pala balak ni Red na pumunta.


May mga nagtitinda doon ng kung ano-anong street foods katulad ng kwek-kwek, isaw, pisbol, at kekyam. may mga nagtitinda din ng taho, coton candy at iba pa.


Naglaro kami ni Zen ng kung ano ano, katulad na lamang nung magshoshoot ka ng bola parang basketball lang tapos pagnanalo ka magkakaroon ka ng premyo na teddy bear.


Nanalo si Zen ng Brown na teddy bear na merong cup sa ulo nito. Sobrang saya ko kasi ito yung pinakaunang bagay na binigay saakin ni Zen. I will cherish this moment talaga.


Sabi ni Zen ay friendly date daw namin itong dalawa pero kahit na friendly date lang to sobrang saya kona para saakin ito ang pinaka espesyal na araw sa buong buhay ko!


Sinubukan pa namin ang kung ano-anong laro tapos kumain din kami nang kumain kasi super nakakapagod din naman pero nakakaenjoy din naman at the same time kaya ayos lang.

"Ohh it's late na pala" bulong ni Zen. Hindi na namin na pansin ang oras dahil sa sobrang enjoy namin at least nasulit namin ang oras na magkasama kami.


"Mukhang pagod kana yata Zen ah" tanong ko sakaniya kasi mukha talagang pagod na pagod na siya


"Ha? Hindi naman ah" pagsisinungaling nito kahit kitang kita naman na pagod na pagod na siya.

Binalewala ko nalang tsaka nagyayaya na din kasi siyang uuwi e. Sobrang saya ko talaga kasi nagkaroon kami ng time ni Zen na makapagbonding dalawa feeling ko talaga magshota kami napahagikgik ako sa naisip


"Are you happy?" Tanong nito saakin


"Yes naman Zen, sobrang saya ko kaya, thankyou nga pala sa pagdala saakin dito ha." Nakangiting wika ko


"You're welcome, you know naman na i will make you happy in any ways." Tapos kumindat pa siya saakin kaya nagsiwalaan na naman ang mga paru-paru sa tyan ko


Kung pwede ko lang sanang aminin kay Zen ang nararamdaman ko para sakaniya kaso baka pagsinabi ko ang nararamdaman ko iwasan niya ako, ayaw ko naman na hindi kami magpansinan kaya kahit kaibigan lang ang turing niya saakin keri na kesa naman wala diba


I love Zen more than anything but Zen probably love Lianne. Nasaktan ako sa naisip na mahal nga niya si Lianne kung pwede ko lang sanang paibigin si Zen ginawa kona kaso makasarili yung ganon. Kung ano nalang ang makakapagpasaya kay Zen ayos na ako doon kahit it doesn't concluded me.

The Story of UsWhere stories live. Discover now