"Hindi ako ang taong nakalaan sa kaniya, dad! Kayo! Kayo ang naglaan sa aming dalawa ni Frenzon! Ayaw kong ikasal! Hindi niyo pa rin ba naiintindihan iyon? What do I have to do, dad? Para naman maintindihan niyo na ako! Sabihin niyo lang sa akin kung ano ang dapat kong gawin nang matapos na lahat ng mga--"


"Ang sumunod ka sa amin, Risha! That's all you can do! And in order to do that, you don't have to think about ruining all our plans!" Mom shouted, cutting off what my words were. Mrs. Isles suddenly laughed at us. It was a wicked laugh.


"Look at the Tanquile family! What a scene! Hindi niyo pa rin ba naiintindihan? Na ganyan niyong pinalaki ang anak niyo..." Umiling-iling si Mrs. Isles sa amin. Nakita ko rin kung papaano bumagsak ang mga balikat niya. "I have done enough, okay? Let's all end here. I don't think I can handle your daughter if ever she got married to my son. Isa pa ay hindi ko rin matatanggap na maging byenan ako ng babaeng 'yan dahil baka kung anong magawa ko sa kaniya. Sa totoo lang, ayos lang naman sa akin. Tutal alam ko naman lahat ng balak ni Risha simula pa lang... nila ni Daven. Daven is like a son to me kahit na pamangkin ko lang siya. I told you before na kailanman ay hindi sinungaling si Frenzon sa amin, kaya s'yempre... ganoon din si Daven sa amin. As an Isles family, we teach them right manners and right conduct." Pagkatapos sabihin ni Mrs. Isles iyon, nagsimulang tumayo si Daven sa tabi ng parents ni Frenzon. Nakita ko kung papaano niya ako buhusan ng masamang tingin. Fuck! What is this, Daven? Why did you betray me? How could you do this to me...


"D-Daven, what--"


"Yes, it's true. Tita is true, Risha. Kailanman ay hindi ko magagawang maging taksil sa kanila. I'm not a liar, but you are. I am Daven Nick Isles, always keep that on your mind. Ang Isles ay mananatiling Isles. Kung ang isang babaeng kagaya mo ay hindi nagpapatalo, lalo naman ako. I guess magkakaroon ka ng katapat mo ngayon na hindi mo kakayanin... at ako iyon, Risha. Ang kompanya nila tita ay mas mataas kaysa sa inyo ngayon. Mas angat kaming mga Isles kaysa sa inyong mga Tanquile." Kinagat ko ang labi ko nang sabihin niya iyon. Halos magdugo na ang labi ko dahil sa pagkakagat ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong masaktan sa sinabi niya, na siyang nararamdaman ko ngayon. Bakit ganito itong buhay na ito? Ang sadya ko lang naman kay Daven ay ang masira kaming dalawa ni Frenzon. Pero bakit kung kailan nandito na'y doon ako hindi nasisiyahan? Why do I feel so hurt and betrayed like hell? Like... Risha is not even like this before! And speaking of her, she is the lady who is hurtless and dauntless.


A sovereign lady who doesn't accept a defeat by her existence because all things are always the winner of her any things. But right now, what the hell is wrong with the Risha? What is wrong with me, seriously?


"I never feel the same way as you. From the beggining, I already planned about everything. 'Yung may nangyari sa ating dalawa noong gabing iyon, sanay na ako sa mga ganoon. It was all an acting only if you knew that. Kagaya ng tingin mo sa pinsan ko, isa ka lang ding basura para sa akin. Naaawa nga ako sa pinsan ko dahil ikaw ang magiging asawa niya, but thank god that I was in the right decision. You know I will never betray the Isles family because I am a part of them. Always remember that, Ms. Tanquile. And you..." He pointed his index finger on me and then said, "You will never be a part of the Isles family."


"To be a part of your family, Daven. Do you think I want your family?" Kahit na ako ay nanghihina na, nagawa ko pa ring sumagot sa kaniya. "There is no way I can easily give up. Hindi ako papatalo sa'yo o sa pinsan mo. Tandaan mo 'yan..." Nagtaas siya ng isang kilay nang sabihin ko iyon sa kaniya. Na tila ba iyon na ang naging sagot niya pagkatapos ng lahat. Nang tumulo ang mga luha ko, agad na akong umalis sa mansyon ng mga Isles. Dinig ko ang sigaw ni mom sa akin bago ako makapunta sa pinto na aniya'y grounded daw ako simula ngayon. Nang pagkatapos kong buksan ang gate nila, hinila ni Gwen ang kaliwang braso ko.


My Karma StipulationWhere stories live. Discover now