Chapter 25

0 0 0
                                    

Hindi ko sinasadya na saktan ka noong panahon na naghahabol ako ng maling tao.

A N A S T A C I A
Napatalon ako sa gulat nang maramdaman ang mabigat na presensya na pumasok sa sala.

"Where is he?" Ang malakas na boses ni Elizabeth ang mas nagpatalon sa akin sa gulat.

Bakas sa mukha ni Elizabeth ngayon ang galit.

"Elly?" sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ko rin ang matinding takot na bumakas sa mukha ni Elizarde.

"You bastard!"

Muli akong napatalon sa gulat nang lumipad ang katawan ni Elizarde patama sa flat screen tv ng sala.

"Elizabeth?!"

"Betty!?"

"Elizarde!?"

Dala marahil nang adrenaline rush ko at pagkabigla,  kusang kumilos ang katawan ko para sana awatin ang magkapatid na magkasakitan. Pero pinigilan na ako ni Spanide na gawin 'to.

"Ano ba?! Let me go! Nagkakasakitan na ang magkapatid!" umiiyak na pakiusap ko kay Spanide.

"Dahil sa'yo! Ikaw na naman ang dahilan ng away ng mga Aragon!" galit na ring sigaw ni Spade na ikatahimik ko.

Ako ba ang reason kung bakit nag-aaway ang magkapatid ngayon?

May pag-aalala na sinulyapan ko ang mukha ng magkapatid. Hindi ko intensyon na pag-awayin silang dalawa, na magkasakitan.

"Tarantado ka! Mas inuna mo pa ang kaligayahan mo kaysa ang alamin kung buhay pa ako! O, nakaligtas ba ang kapatid mo mula sa pagkakakidnap ng Romualdez na 'yun."

"Nakidnap ka?" nakita ko ang pagkawala ng kulay ng buong mukha ni Elizarde.

Tinapunan ng tingin ni Elizarde si Stone bago siya kinuwelyuhan ni Elizabeth.

"Tell me...bakit mo siya kinidnap? Alam mo bang malaking gulo ang nagawa mo!" bulyaw pa ni Elizabeth sa mukha ni Elizarde.

"Nagmahal lang ako, Elly. Mahal ko si Anastacia...at hindi ko kakayanin if ever na mawala na siya ng tuluyan sa akin. Sumugal ako! Elly!! Isinugal ko ang lahat ng mayroon ako para sa pesteng pagmamahal na 'to!"

Inis na ring tinabig ni Elizarde ang kamay ni Elizabeth. Pinahid ang gilid ng pumutok na labi.

"Sinubukan ko naman eh...akala ko noong una, makakaya ko na pakawalan si Anastacia, na makita siya na minamahal si Stone at papakasalan. Pero, Elly...sa bawat araw na lumilipas, sa paulit-ulit na nasasaksihan ko kung gaano kasaya si Anastacia habang kasama si Stone. Na makita silang dalawa na bubuo ng mga pangarap na minsan ko na ring hiniling na sana...ako na lang 'yun. Na sana...ako 'yung mahal niya...na sana...ako 'yung pinili niya...at maraming sana ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko, Elizabeth." pumatak na ang luha sa mga mata ni Elizarde.

Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko para mapigilan ang pagkawala ng isang hikbi.

Hindi palakwentong tao si Elizarde kaya wala akong ideya sa nararamdaman niya noon.  Hindi ko napapansin na nasasaktan ko na siya habang hinahabol ko si Stone.

Kahit nitong nakaraang araw na lumipas habang kasama ko siya sa yate. Hindi siya nag-open ng nararamdaman niya, hindi niya binanggit kung gaano siya nasasaktan habang nakikita niya ako na minamahal si Stone. Tanging ipinadama niya lang sa akin, ang pagmamahal na mayroon siya para sa akin.

Elizarde.

Marahan na tumayo si Elizarde, pinahid ang mga luha sa mga mata niya. "Hindi ako kasing tapang mo na handang magparaya. Na handang tanggapin ang sakit at kalungkutan na makitang may mahal ng iba ang taong mahal mo. Oo...nagpalamon ako sa emosyon ko, naging selfish ako. Sabihin na nating mali ang ginawa ko pero, Elly...mali ba na piliin ko naman ang nararamdaman ko, ang bawiin ang nararapat na para sa akin?"

BEYOND THE LIGHT (Finding True Love Series #2)Where stories live. Discover now