Chapter 21

0 0 0
                                    

Ngayon na nalaman ko na mahal pala kita pero bakit hinayaan mo akong mapunta sa iba?

Anastacia PoV.
Dumaloy sa isipan ko ang mga alaala na pinagsaluhan namin ni Elizarde habang hinahabi ang isang malamyos na musika mula sa harp na hawak ko.

Ang nakangiti niyang mukha ang paulit-ulit na bumabalik sa balintanaw ko. Sana nandito ka, pinapanood ako mula sa malayo.

Para kay Elizabeth ang concert ko ngayon, siya ang pinaka main reason nito. Tribute ko ang concert na ito sa mga sacrifices na ibinigay sa akin ni Elizabeth, sa hindi niya pagsuko na ibalik ako sa liwanag gaya ng ginawa ng kuya niya.

Gusto kong ipaalam sa lahat na ang magkapatid na Cornelio ang dahilan kung bakit ako nakatayo ngayon sa harapan ng karamihan. May positibong pananaw at handa nang lumaban sa mga hamon ng buhay na pagdadaan ko.

Ginusto kong ipaalam sa dalawa na kahit through music and arts na binago nila ako ng buong-buo at utang ko ang lahat ng ito sa kanila.

'Sana, umabot ang musika ko sa inyong dalawa!! Sana pakinggan mo ako...MAHAL KITA, ELIZARDE. BAWIIN MO AKO MULA KAY STONE!'

Natapos ang concert na hindi ko man lang nakikita kahit ang matandang Aragon o di kaya'y si Spanide na madalas kong makasalamuha sa Caramoan Island.

Hindi ka na naman dumating. Naghintay ako sa wala.

Napahinto ako panandalian nang matanaw ko si Stone na naghihintay sa paglabas ko sa may entrance ng back stage. May hawak na bungkos ng kulay pink na rosas.

Ang ngiti niya...hindi na katulad ng ngiti na mayroon siya noong panahon na si Elizabeth pa ang nasa katawan ko.

"Salamat," I said when I accept his flowers.

"Why? Kung makatitig ka sa akin. Akala mo hulog na hulog ka na?" matamis kong nginitian si Stone bago yumapos sa braso niya. Itinago sa harapan niya ang tunay na nararamdaman ko.

Na hindi siya ang inaasahan kong sasalubong sa akin. "Sa bahay ka na magdinner."

"Okay."

Pinagbuksan ako ni Stone ng pintuan ng kotse niya. Inalalayan na makapasok bago nagmamadali na lumipat ng pwesto sa may driver seat.

Isang tipid na ngiti ang ibinigay ko kay Stone nang lingunin niya ako after na buhayin at paandarin ang makina ng kotse.

Nakuha ko na ang matagal kong pinangarap...

Dumaan panandalian sa akin ang lungkot nang ibaling ko sa labas ng bintana ng kotse ang paningin ko. Napakuyom ang dalawang kamao ko na nakapatong sa may magkadikit na hita ko.

Pero bakit...

Nakuha ko ang pagmamahal ni Stone, nakuha ko na ang atensyon niya na kaytagal kong pinangarap.

Minahal niya ako ng totoo, malambing siya sa akin...sweet kapag magkasama. Hindi siya nawawalan ng oras para sa akin. He always make sure na okay lang ako kapag wala siya. Na maglalaan rin siya ng time kahit busy pa siya.

Pinatutunayan niya ngayon...I am his first priority now. That I am his...

Mas humigpit ang pagkakakuyom ko. Napayuko at napatitig sa mga kamay ko. Hinayaan kong takpan ng bumagsak kong buhok ang buong mukha ko.

Pero bakit...

Sa tuwing hahalikan, hahawakan at yayakapin niya ako. Ibang lalaki ang nasa isip ko.

Elizarde.

"Dumaan nga pala dito ang mga Aragon."

Nakuha ng sinabi ni Mama ang atensyon ko, naagaw mula sa paglalayag ng diwa ko habang tinatahak namin ni Stone ang daan pauwe. Hindi ko nga napansin na nakauwe na kami, at nasa harapan ng hapagkainan.

BEYOND THE LIGHT (Finding True Love Series #2)Where stories live. Discover now