Chapter 23

0 0 0
                                    

Kasal ko na ngayon. Naghihintay pa rin ako sa paglaban mo, na bawiin mo ako mula sa maling tao.

Anastacia PoV.
Mabilis na lumipas ang araw, at linggo pagkatapos ng pagkakakidnap sa aming tatlo nina Elizarde.

Sumapit na ang araw ng kasal ko. Pero hindi na naman nagpakita sa akin si Elizarde.

Ang huling pagkikita naming dalawa, ang araw na sabay kaming nakidnap at nagising ako sa isang madilim na silid kasama siya. Nakatali sa isang upuan at nasa likuran ko lang siya...abot kamay ko na.

Elizarde.

Nasaan ka na?

"Ang ganda mo talaga, Insan. Para kang diwata sa pagkakasaayos mo ngayon." Ang nakangiting mukha ni Mandy sa may salamin ang nagpabalik ng diwa ko.

Nakatayo si Mandy sa likuran ko, hawak niya ang magkabilaang balikat ko. Nasa mga mata ng pinsan ko ang matinding paghanga, at nagyayabang na ekpresyon. Bakas sa kanya ang katuwaan dahil lang sa ayos ng mukha at buhok ko.

"Wag ka masyadong maggagalaw, insan...baka mabinat ka." Hindi ko pinansin ang pagpuri niya sa akin.

"Ikaw naman...don't worrying about me. Cheer up, cousin. You're getting married now! Hindi ba ito ang matagal mo nang dreams, ang maikasal kay Stone? Nangyayari na, bakit tila hindi ka masaya?"

Pumihit na ako patalikod sa salamin na naglilitaw ng sarili kong repleksyon.

Hindi ko rin alam kung para saan ang kalungkutan na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Dahil ba si Elizarde talaga ang mahal ko at gusto kong pakasalan?

"Insan...tama ba na si Stone ang pinili ko?" Humigpit ang pagkakahawak ko sa bouque na nasa kandungan ko.

Gusto kong tumakbo pero paano?  Ayokong ilagay sa alanganin ang mga Clarkson. Ayoko ring bigyan na naman ng sama ng loob si Lola...bigyan ng malaking kahihiyan sina Papa.

"Anastacia...

Pinigilan kong wag mapaiyak. Kung noon, baka kanina pa ako kinakabahan at may matamis na ngiti sa labi gaya ng natural na reaksyon ng taong ikinakasal.

Tama ang sinabi Mandy, ito ang kaytagal ko nang pinangarap na mangyari...pero bakit ngayon na nagkatotoo na...hindi ko naman magawang maging masaya?

Nakaramdam rin ako ng matinding takot once na natuloy ang kasal ko kay Stone.

"Hilaria, pwedeng iwan mo muna kami ni Anastacia?" Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa bulaklak nang magsalita si Papa.

"Sige po. Insan, cheer up okay." Kinuha ni Mandy ang kamay ko na ikinaangat ng mukha ko. Ang nakangiting mukha niya ang kaagad na nakita ko. "Your heart will always find the right way in your true love. Just trust the beats of it, okay."

Namuo na ang luha sa gilid ng mata ko sa huling sinabi ni Mandy bago binitiwan ang kamay ko. Alam na niya na hindi si Stone ang totoong mahal ko!

"Baby...

Nilapitan ako ni Papa, kinuha niya ang isang kamay ko. Iniwasan ko na mapatingin sa mga mata ni Papa. Ayokong makumpirma niya ang hinala nila, na hindi na ako sigurado sa nararamdaman ko toward Stone.

"Are you happy that you're getting married to Dailstone?" Nasa tono ni Papa ang matinding pag-aalala. "If you're not. Then choose the guy that makes you happy."

Papa!

"I don't...ayoko ko pong ipahiya na naman po kayo sa karamihan. Tama na po nang minsan na naging failure po ako sa mata ng lahat."

Nag-unahan nasa pagpatak ang mga luha ko. Alam nga ni Papa na si Elizarde ang mahal ko.

"Pero hindi ka naman masaya? Baby Asia...

BEYOND THE LIGHT (Finding True Love Series #2)Where stories live. Discover now