Chapter 17

0 0 0
                                    

Binigyan mo ako ng dahilan para bumalik.

Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga nasaksihan kong pagluluksa ng dalawang tao sa buhay.

Hindi sila nagluluksa dahil namatay ako, hindi rin sila nagluluksa dahil nawalan ako ng mga alaala habang kasama ko sila. Nagluluksa sila dahil naging mahina ako, naduwag ako na hayaan sila na muling mapakasok sa buhay ko. Na bigyan sila ng pagkakataon na mahalin ako ng buong-buo.

Nagkamali ba ako ng daan na tinahak?

Hindi ko alam kung paano o anong nangyayari, ilang araw after my staying in that weird places, alone and empty. I found out myself infront on our house, staring at the gate.

Ibinalik ako ng pagkakataon, sa mismong araw na nagawa kong kalimutan...ang importanteng araw ni Elizarde.

Napasinghot ako, pinigilan ang pagtulo ng sipon ko. Nanginginig ang kamay na pinahid ang luha na hindi tumitigil sa pag-agos.

Ginusto kong takasan ang sakit at lungkot na ibinibigay nila sa akin. Pero bakit ba paulit-ulit rin akong bumabalik sa kanila?

Pinanood ko kung paano isayaw ni Elizarde ang katawan ko na ilang buwan nang hinihiram ni Elizabeth. Nasa gitna ang magkapatid, kapwa may kalungkutan na nakapaloob sa mga mata nila.

Alam na kaya ni Elizarde ang sitwasyon namin ni Elizabeth?

Marahil hindi pa, hindi pa ako nagpapakita sa panaginip ni Elizabeth para ipaalam sa kanya ang nangyayari sa pagitan naming dalawa.

Nilapitan ko si Stone na nakatanaw sa direksyon ng nagsasayaw na magkapatid. Ang mga mata ni Stone ngayon...

Nasasalamin ko ang matinding paghanga't pagsuyo.

"Kahit kailan...you never look at me just the way you look at Elizabeth now. Siya ba ang nakikita mo ngayon sa mukha ko, hindi ang dating Anastacia?" malungkot kong naitanong.

Umangat ang kamay ko tyaka hinaplos ang pisngi ni Stone. Kung noon, hindi ko magawang hawakan kahit ang kamay mo. Pero ngayon, isang naliligaw na kaluluwa na lamang ako...nagawa kong hawakan ang pisngi mo. Nagkaroon ako ng chances na matitigan ang mukha mo sa malapitang distansya.

Anong mayroon sayo at nagustuhan kita? Nagawa kong balewalain ang pagmamahal ng lalaking walang ginawa kundi ang samahan ako sa mga ups and down ng buhay ko.

Naagaw muli ni Elizabeth ang atensyon ko, palapit na siya sa kinaroronan namin ni Stone. Nasa mata rin ni Elizabeth ang matinding pagmamahal na minsan ko nang nakita sa kanya noong mga bata pa kami. Ang tingin na nagawang kalimutan ng batang Elizabeth, na ngayon...paunti-unti nang bumabalik dahil sa naganap na kakaibang pangyayari sa pagitan naming dalawa.

"Anong pinag-usapan niyong dalawa?" tanong ni Stone kay Elizabeth bago pinagapang ang dalawang kamay sa bewang ng huli, hinila para mas mapalapit sa katawan niya.

Kahit kailan...hindi mo ako trinato ng ganyan, Stone. Hindi ka naging sweet sa akin noon.

"Umamin na ba siya sayo?"

"Oo." tipid na sagot ni Elizabeth.

"Tapos?"

"Wala na. Umamin lang siya para mag-moving on. Tara? Pagod na ako. Gusto ko nang magpahinga."

Umiiwas ba si Elizabeth ng topic? Hindi ba siya masaya na si Stone ang napili niya para sa akin? Umaasa ba siya na baka...magkaroon ng himala sa sitwasyon niya?

Gusto niyang mabuhay...samantalang ako, sumuko na.

Nagdesisyon na lang ako na wag sundan ang dalawa na papasok ng mansyon ng mga Aragon. Anong silbi nang pagsunod ko kung hindi naman ako masaya sa nakikita ko ngayon.

"Happy Birthday!" masayang bati ni Robert Peter kay Elizarde.

Itinaas pa ni Robert ang hawak na wine glass sa harapan ni Elizarde. "Para sa moving on stages ng buhay mo, Pareng Zarde."

Birthday nga pala ni Elizarde ngayon. Hindi ko man lang naalala, o sadyang kinalimutan ko lang?

"Ironically, even my birthday...she doesn't know. Ni minsan hindi niya naalala, pero ang birthday ni Stone ay kabisado niya. Nakakatawa ano? Kung kailan nakalimot siya, ito pa ang chances na nakadalo siya sa mismong araw ng birthday ko." Bakas sa boses ni Elizarde ang matinding kalungkutan.

Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko, bumabalik sa akin ang sobrang sakit na nakikita ko ngayon sa mga mata ni Elizarde. Nasasaktan rin ako gaya niya.

"At ang naging regalo niya...ang pagbitaw ko sa nararamdaman ko."

Nasaksihan ko kung paano saluhin ng palad ni Elizarde ang luhaan niyang mukha.

Wag kang umiyak, Elizarde.

Nasasaktan ako kapag nakikita kitang nasa ganyang kalagayan.

"Bakit ang sakit...napasakit na mahalin siya?"

Sorry...nalilito pa ako sa nararamdaman ko.

"Nagmahal ka kasi ng taong may mahal ng iba." Sinalinan ni Robert ng panibagong alak ang baso ni Elizarde. "At nagdesisyon kang pakawalan na siya, hindi ba? Sana masaya ka sa ginawa mo."

"Hindi ko alam, Dude...tanging gusto ko lang ngayon ay ang makita si Anastacia na maging masaya, and Stone makes her happy. So, I choose to let her go without a fair fight."

Dumapo sa direksyon ko ang paningin ni Elizarde, marahan na lumitaw sa labi niya ang isang malungkot na ngiti.

"Mahal kita...mahal na mahal kita, Anastacia."

Mas doble ang sakit nang nararamdaman ko ngayon na masaksihan ang kalagayan ni Elizarde ngayon, malungkot, wasak at nasasaktan. At lahat ng mga iyon...dahil sa akin.

"Sorry, Zarde. Sinaktan kita."

Marahan kong pinahid ang luha na ayaw tumigil sa pag-agos. Hindi inaalis ang paningin sa mukha ni Elizarde.

After na ipakita sa akin ng matandang babae sina Papa at Arabella. Dinala naman niya ako ngayon sa Caramoan Island kung saan natagpuan ko ang mas masidhing damdamin na ayoko nang maramdaman...binabalot ako ng matinding pangungulila para kay Elizarde.

Nilingon ko ang matandang babae, nagtatanong.

Bakit niya ba ako dinala sa mga taong gusto kong makita at makasama?

"Alam ko...miss mo na rin sila. Subalit pinangungunahan ka lang ng takot na bumalik sa kanila. Wag mong pigilan ang sarili mo, Anastacia. Kailangan mo nang magdesisyon dahil nagdesisyon na rin si Elizabeth."

Sinabi nga niya...pagod na rin siya gaya ko. Gusto nang magpahinga ni Elizabeth.

"Ano po ang mangyayari sa kaluluwa ni Elizabeth kapag bumalik ako sa katawan ko?"

Hindi ko naiwasan na matakot muli sa mangyayari para sa kinabukasan. Paano na si Elizabeth? Siya ba ang magbabayad ng pagkakasala na ako mismo ang may gawa?

"Tanging si Elizabeth lamang ang makakasagot ng katanungan mo. Marahil, sa naging tanong mo sa akin ngayon...nakapagdesisyon ka na?"

Isang mapaklang ngiti ang sumilay nasa labi ko. Yeah...I made my desicion now and this guy infront of me, he's the main reason why I choose to walk into light, again.

"Sa kabila ng liwanag na nakapagitan sa pagitan naming dalawa, nagawa niya pa rin akong hilain at ibalik sa tamang daan. Ang tanga ko...hindi ko man lang siya binigyan ng chances na mahalin ko, o kahit bigyan siya atensyon na higit pa sa isang kaibigan. Nagpakabulag ako sa maling pagmamahal."

Hintayin mo ako, Elizarde. Babalik ako, pangako.

BEYOND THE LIGHT (Finding True Love Series #2)Where stories live. Discover now