Badtrip talaga ako ewan ko ba!




“Hoy Bes. Masama yan, pwede ka kasuhan ng animal cruelty” sabi niya.




Muntik na akong matawa.




“Baliw. I mean si Kaizer Montenegro, yung isang transferee” sabi ko at nanlaki ang mata niya.





“What?? Si Kaizer? Yung gwapo? Ayiiieeeeh! Oy bes panalo makakausap mo siya one on one!” kinikilig na sabi niya.





Ha? Panalo? Eh talong talo nga ako eh. Lugi pa nga!


Kung pwede nga lang na wag kausapin yung unggoy na yun!



“Hay naku! Panalo ka dyan! Sa itsura nun ay mukhang may gyera kami mamaya sa SC Office” inis na sabi ko.





“Weeh? Teka, hindi ba bibigyan mo sya ng punishment? Isama mo na din siya bes sa club ko” sabi niya na kinikilig pa.




Ang harot! Sarap kurutin sa singit!!!




“Bes, yung maraming punishment lang ang mandatory kong isasali dun, okay? Pero once niya pa lang naman nagagawa. Unfair naman sa kanya.” Paliwanag ko.





Kahit galit at inis naman ako dun fair parin naman dapat ako.





“Ay sayang naman. Sige na nga Bes, una na ako sayo sa room, bye” sabi niya.





Ako naman ay pumunta na sa SC Office baka nanduon na nga si Unggoy.




Pagpasok ko, nanduon nga siya at nakaupo na sa sofa.



Parang nagulat pa siya nung una nung nakita ako, pero saglit lang maya-maya ay ngumiti ito.




WTF!



“Good morning” bati ko dito.



Syempre formal muna ako kasi ako ang SC President. Ngunit ang mokong hindi man lang nag greet back.



Bastos talaga!!!! Kagigil!



“Well, well, well. Mukhang may punishment ka rin ah. Lagot ka dun. Sabi nila strict daw yun. Kaya matakot ka na” sabi nito na natatawa.



Ano daw? May punishment ako? Kanino? At paano?



“What? Kanino naman? At bakit naman ako matatakot?” takang tanong ko dito.




Nakatayo parin ako sa harap nito.



“You really are an idiot! Tsk!” pailing-iling na sabi nito.




Tiningnan ko lang siya ng may pagtataka. Hindi ko talaga ma-gets kung ano ang ibig niyang sabihin.




“You don’t know kung bakit ka nandito? Well ako na ang magsasabi sayo. You are here para parusahan dahil sa violation na ginawa mo. Lagot ka ngayon sa SC President natin kasi pahihirapan ka nun. And you know what? Habang pinarurusahan ka niya ay papanuorin kita at tatawanan cos’ you deserved that!”  Humahagalpak pa niyang sabi.

Ohhhhh emmmmmm ggggiiiiiiii!!!!


Bobo amputa!!!




Well, unggoy na nga ito tanga pa!



Hindi niya pala alam na yung SC President na tinutukoy niya ay walang iba kundi ako.




Nakakatawa lang.



Listen To Your Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now