"Kitang kita ni Spencer pano bumagsak si Spek nung nabaril sya. Nilapitan pa nya ako non at pinaghahampas habang umiiyak. Gulat, lungkot at galit ang nararamdaman ni Spencer non. Pinagpipilitan nya na ako ang pumatay sa mga magulang nya kahit hindi naman, bago sya kunin ng lola nya na mama ni Lany may sinabi sya non sakin na pinagamba ko" kwento ni Tito tapos yumuko sya.

"Ano naman po yon Tito?" tanong ni Cyrus.

"Maghihiganti ako at si Princess ang magbabayad kapalit ng buhay nila Daddy ' yun ang katagang sinabi nya, alam kong bata lang si Spencer non pero naalala ko sa kanya si Spek na nasa salita sya kaya pinabantayan ko na si Princess para sigurado na hindi sya mapapahamak. Tinigil ko lang ang pagbabantay sa kanya ng mga bodyguard na kinuha ko nung nalaman ko wala na sa bansa si Spencer pero nung dumating ulit sya mas kinaylangan ko ang dobleng bantay kay Princess dahil alam kong may balak na si Spencer ngayon at non ay nakita kita Gino alam kong bata ka pa para sa ganto pero may pakiramdam ako na magagawa mong iligtas si Princess at hindi ako nagkamali don. Kaya salamat sa pagliligtas kay Princess, utang ko sayo to dahil buhay ni Princess ang nakasalalay" ngumiti si Hapon kay Tito Gian.

"Wala po yon. Parang kapatid ko na din si Cess" napangisi ako.

"Sya nga pala, pupunta kayo sa boracay hindi ba? mas mabuti pang kami na bahala sa paghahanap kay Princess at magpahinga muna kayo sa boracay, alam kong madmai kayong ginawa kaya mabuti pang magpakarelax kayo at wag intindihin si Princess dahil kami na ang bahala sa kanya." sabi ni Tito Gian. "And don't worry hindi kami hihingi ng tulong sa police, kami ng kagangmates ko ang maghahanap kay Princess" dagdag nya.

"Hm..Tito kung makita nyo man si Spencer balik nyo po sya ng buhay. Bata pa sya para mamatay, hayaan na atin ang DSWD ang bahala sa kanya." sabi ni Gela, para naman may tumusok sakin na tinik sa sinabi nya. She still love him huh?

"Ofcourse hija hindi ko rin naman hahayaan yon dahil kahit papano naging malapit sya samin non at dating bestfriend ko ang ama nya" nakangiting sabi ni Tito Gian.

"Dad sa haba ng kwento mo nakatulog si Mom" napatingin kami kay Tita Jalene na nakatulog. Napatawa na lang na mahina si Tito tsaka binuhat si Tita.

"Dadalhin ko lang Tita Jalene nyo sa taas" sabi ni Tito.

"Sige po" sabi namin lahat.

"1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9 ,10, 11, 12" napatingin kami lahat kay Kyle na nagbilang sya pagkaalis nila Tito.

"Bakit ka nagbibilang dyan Hotcake?" takang tanong ni Kath.

"Sobra ng tatlo yung ticket papuntang boracay. 15 yon diba? so sino pa yung tatlo? kasama na sa 12 yung mga magulang ni Gino"

"Mga bata na lang, sina Rio, Ria at Leo" sabi ni Lou.

"Mababantayan ba natin sila?" -Cyrus.

"Oo naman, nandito naman kami ni Mia tapos si Gino dahil alam kong makikipaglaro sila kay Gino at tsaka hahayaan ba natin sila? so no worry"

"Okey na yon wala na din naman tayo isasama eh at tsaka para makapag enjoy din ang mga bata" -Gela.

"Okey na! kita na lang tayo mamayang gabi" tumango kami lahat. Mamayang gabi ang flight namin papuntang boracay, nasundo na din namin sila Tito Gio nasa apartment sila ngayon ni Hapon.



Gino's POV

"Welcome Boracay!!" sigaw nila pagkalabas namin ng airport. Natawa na lang kami sa kanila.

"Bukas nyo na ienjoy ang view ng boracay. Pumunta na tayo sa Hotel para makapagpahinga" sabi ni Nick, sumang ayon naman kami tapos sumakay kami ng van na maghahatid samin sa hotel na tutuluyan namin buong sem break.

Pagkarating namin don nagpunta kami sa kanya kanya namin room. Dalawang tao sa isang room kaya ang magkakasama ay sila Mia at Gela, Kath at Lou, Kyle at Cyrus, Michael at Allen, Nick at Leo, sila Inay at Itay tapos kaming tatlo nila Rio. Hindi na kami kumain dahil nakakai na din kami bago kami umalis pero yung iba ata kakain pa.

"Tulog ka na 10pm na oh" sabi ko, kausap ko ngayon si Mia sa cellphone.

[Ikaw din..[Mia ko pakiabot naman ng tuwalya!] ] natawa ako ng marinig ko boses ni Gela [Tsk..oh [thank you!] ] nailing na lang ako.

"Tulog na, bukas na lang ulit"

[Okey, goodnight i love you]

"I love you too goodnight" sabi ko at hinintay na ibaba nya yung tawag. Nahiga ako sa kama at pumikit.


Kinabukasan nilibot namin agad ang buong resort at triny ibang activities dito like Banana boat, Jet Skiing at Scuba Diving. Inuonti onti namin dahil matagal pa naman kami dito sa boracay tapos swimming at libot libot ang ginawa namin ngayon araw, nanood din kami ng fire dance kinagabihan.

"Gino inaakit ka ata netong isa oh" sabi ni Kyle na katabi ko, tinignan ko naman yung sinasabi nya at nagulat ako ng bigla nya ako kindatan habang pinapaikot nyang yung who-la-hoop sa bewang nya na may apo sa gilid.

"Ikaw kinindatan non noh?" rinig kong sabi ni Kath kay Kyle kaya sa kanila ako tumingin.

"Hindi ah kay Gino, mukhang nagwapuhan kay Gino eh hahaha" medyo malakas na sabi ni Kyle kaya napatingin sa kanila sila Gela. Nailing ako at nanood ulit.


"Wag kayo pupunta kung saan saan ah" sabi ni Inay samin dahil matutulog na sila ni Itay.

"Opo goodnight po" sabi naming lahat, ngumiti naman samin sila Inay at nag-goodnight din bago sila pumunta sa room nila.

"Ria, Leo let's go, it's time na" sabi ni Rio habang nakatingin sa relo nya kaya napatingin din ako sa relo ko. 7pm na. May pinapanood pala sila na cartoon tuwing 7pm.

"Doon lang kayo huh? tawagin nyo kami may kaylangan kayo" paalala ni Lou kanila Rio tumango naman sila tsaka sila nagsisitakbo papunta sa room kung saan man sila manood.

"So ano gagawin natin ngayon?" tanong ni Kath, napadako ang tingin ko kay Mia at katulad nainaasahan ko nakaakbay nanaman sa kanya si Allen.

"Don't know" sagot ni Kyle. Napatingin kaming lahat kay Cyrus na tumayo.

"Maglalakad lakad lang ako" hindi pa kami nakakasagot ay umalis na sya. Sigurado namimiss nya si Cess, kamusta kaya ang paghahanap nila kay Cess? hindi na rin nagte-text sakin si Spencer kaya hindi ko din alam kung ano na nangyayari kay Cess.

Napatingin ako sa cellphone ko na magvibrate. tinignan ko kung sino nagtext si Michael lang pala.

From: Michael

Hahanapin namin ni Gela si Cess dito baka nga nandito lang sila. Hindi ka pwede sumama dahil baka nasa tabi tabi lang spy ni Spencer malaman nya pa na hinahanap na natin sila.

Magre-reply na sana ako kay Michael na magvibrate ulit cellphone ko.

From: Unknown Number.

1234 Palasyong Lugar st. Luther Adom Way. 8am. Ikaw lang at wala ng iba kundi bye bye Cess. Mark my word Prince Gino Barcimo.

Tapos may picture ni Cess, na umiiyak. Napahawak ako ng mahigpit ng makita ko ang itsura ni Cess sa picture, natakot na takot sya, may mga sugat na din sya sa braso nya at hita nya, namumula ang pisngi nya at medyo basa ang dami nya dahil siguro sa luha at dugo. Napapikit ako, ayoko talaga nakikitang nasasaktan si Cess para dinudurog ang puso ko, mas mabuti pang ako yung masaktan wag si Cess kaya ginagawa ko ang lahat wag lang sya masaktan. Damn!

Tumingin ulit ako sa cellphone ko na may maalala ako.

Prince Gino Barcimo? wtf?


To be continued...

The Probinsyano in ManilaWhere stories live. Discover now