47

39 4 0
                                    

Hindi ko pa rin maintindihan kahit nasagot na niya ng tanong ko. Nakukulangan ako. Ang hirap maniwala.

Bakit ngayon lang? Bakit hindi noon pa? Buong buhay ba talaga akong nabuhay sa kasinungalingan?


Bakit pakiramdam ko ang damot-damot sa akin ng mundo?

Hindi ba... do I deserve to know the truth?


Binalot ko ang sarili ko sa loob ng makapal na kumot, nanlalamig sa mga nalaman. Nakafull volume ang earphones ko dahil may kung sinong katok ng katok sa pinto ko.

Wala akong ganang makipag-usap o kahit ang tumayo at lumabas ng kuwarto para kumain ay ayoko. I can’t even move my phone, I don’t know if I have to finish something from my office. Isa lang ang sigurado ako, makikita ko lang sa screen ko ang missed calls at unread messages ni Clifford.


Ayoko muna. Ayoko na.


Muli kong kinalikot ang kuko ko. Maya’t maya ko kasing naaalala ang mga sinabi niya. Hindi ko masikmura. Hindi ko kayang tanggapin. Ang hirap maniwala.





“Niloloko niyo po ba ako?” Hindi ko na mapigil ang sarili ko.

Umiling siya ng umiling, humigpit din ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

“Noong bata ka pa... when your dad and I were still together, sobrang sakitin mo...” natigilan siya arang pilit na ngumiti na animo’y normal na nakukwento lang. “Lapitin ka ng infections. You were always confined to the hospital...”

Napag-isip-isip ko na baka nga pera talaga ang basehan sa lahat, na baka nga pera ang solusyon sa lahat.

“Si Alice ang laging sumasagot ng hospital bills mo since siya lang ang malalapitan ko, siya lang ang kaibigang meron ako, siya na rin ang nag-insist na tuluyan kang ipagamot kasi... anak, your father and I have none. Wala kaming kapera-pera para maipagamot ka... hindi pa kami umaasenso kagaya ngayon... ikaw lang ang meron sa amin. And seeing you getting weaker and weaker, ‘yon ang pinakamasakit sa lahat.”

Nagsisimula na naman siyang umiyak sa harapan ko, na para bang nagsisisi siya sa mga nagawa niya.

At ano nga ulit ‘yon? Ako lang ang meron sa kanila? Paano niya nasabi ‘yon eh nagawa nga niya akong ipamigay.

“So naisipan niyong ibigay ako sa iba? Is... that so?”


“If that’s the only way Aurelia, gagawin ko. Gagawin namin... para... para sayo.”

“Only way? Wala talagang ibang paraan other than ipaubaya ako sa iba? Na parang tutang pinagsawaan?”


Sa mga oras na ito gustong-gusto ko nang sumabog. Gusto kong maiyak sa sobrang frustration pero hindi ko magawa. Nangingilid lang ang mga luha ko. Mas nangingibabaw ang galit at ang bigat ng nararamdaman ko.

“H-Hindi sa ganoon.”

Humahagulhol na siya, napadako naman ang tingin ko sa kinalakihan kong ina, hinihimas biya ang balikat ng babaeng tunay na ina ko raw.

Umiling-uling ako. “Ang hirap niyong intindihin. Ang hirap maniwala.”

Tumalikod na ako, kaagad na pumasok sa kuwarto ko at nagkulong. Narinig ko pa ang mga pagkatok niya at pagmamakaawa na kausapin ko siya.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Do Love You But...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon