29

37 6 1
                                    

“Mukhang kailangan mo nang umalis. Hinahanap ka na ng boyfriend mo.”

Nagpaalam na sa akin si Kleo na uuwi na raw siya, hindi na ako nakasagot dahil talagang umiikot na ang paningin ko.

“Ma’am gusto niyo po bang alalayan kita?” Napansin ng security guard ang kilos ko papasok ng gate.

“Hin... di na po, s-salamat n-nalang ho,” pagtanggi ko. Tuloy pa rin sa paglakad.

Tuluyan na akong nawalan ng balanse. Naaninag naman ng blurry kong paningin si Kenzo, narinig ko pa ang paulit-ulit niyang pagtawag sa pangalan ko bago mablangko na ang paningin ko.














◸ ◹ ◺ ◿◸ ◹ ◺ ◿◸ ◹

“Aurelia wake up!”

“You need to wake up.”

“Hinihintay ka na niya, hinihintay kita.”

Narinig ko ang umi-echong boses ni Gavin habang kumakapa ako sa dilim.

Pinipilit kong makarating kung saan nanggagaling ang boses niyang iyon pero parang wala naman akong pinipuntahan.

Gusto kong sumigaw at tanungin siya kung nasaan ba siya pero kahit katiting na ingay hindi ako makagawa, hindi ako makapagsalita!

Unti-unting tumulo ang mga luha ko, wala akong makita at wala rin akong boses.

Paano kita hahanapin? Nasaan ka na ba?

“Huwag ka nang umiyak. Nandito lang naman ako. Sana mapansing mong nasa tabi mo lang ako... palagi.”



















“Gavin... Gavin... Gavin!”

Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa nakapaligid sa akin.

“Aurelia gising,” rinig kong sabi ni Clifford.

Unti-unti kong iminulat ang aking mata, malabo ang paningin ko pero may mga naaaninag akong mga gumagalaw sa paligid.

Iginalaw ko ang kamay ko at sandaling kinusot ang mata ko, pumikit ako ng ilang ilang ulit bago luminaw ang paningin ko.

Nakatayo sina Auntie Lita at Mang Kaloy sa harapan ko. Nasa gilid naman si Clifford, nakatingin sa akin.

Habang si Kenzo ay nakasandal sa pader, nakayuko at nakakrus ang kaniyang mga braso.

“Maayos na ba ang pakiramdam mo hija?” Tanong ni auntie. Tumango-tango naman ako.

Napabuntong hininga siya. “Salamat naman, magpahinga ka lang dyan at maghahanda kami ng makakain.” 

Nagpaalam na silang dalawa ni Mang Kaloy bago lumabas ng kuwarto.

Nang makalabas sila ay napansin ko ang pagsimangot ni Clifford.

“May masakit pa ba sayo? Huwag kang mahihiyang magsabi sa akin.” Umiling-iling na lamang ako bilang sagot.

“Aurelia...” nilingon ko si Kenzo nang tawagin niya ako. “I’m sorry... really.” Hindi na siya ngayon makatingin sa akin.

“Wala ka namang kasalanan.”




Ilang sandaling natahimik ang buong kuwarto. Napansin ko ang matingkad na kulay na nagmumula sa labas.

Pakiramdam ko hinihila ako nito palabas kaya kaagad akong bumangon. Pagkatayo ko ay nakaramdam ako ng pananakit ng ulo ko, pagkahilo at kirot mula sa palad ko.

I Do Love You But...Where stories live. Discover now