03

85 24 5
                                    

“Liang...”

Gulong gulo na ang isip ko dahil sa mga sinabi niya. Nandito siya dahil sa akin? At masaya siyang nakita niya ako ulit?! Wala namang espesiyal sa una naming pagkikita. At hindi ko naman sinasadya na mabunggo ko siya!

At paanong... ‘yung pangalan na ‘yon?

Titig na titig lang ako sa mata niya habang iniisip pa rin ang mga iyon. Stalker siguro?

“Saan mo naman nalaman ‘yan?” Naguguluhang tanong ko.

Kung alam mo lang kung paano mo nagagawang pagbuhol-buhulin ‘yung mga ugat ko sa utak! Gulong-gulo na ‘ko!

“Ang alin?” Tanong niya pabalik, nakangiti pa rin. Nasisiraan na siguro ito ng ulo.

“‘Yung pangalan ko, saka anong sinasabi mong nandito ka dahil sa akin?” Sunod-sunod kong tanong sabay hikab. “May atraso pa rin ba ‘ko sayo ha?”

Masyado yatang malakas ang pagkakabunggo ko, natamaan pati ulo? Gano’n ba?

Sa pagkakataon ito nawala saglit ang ngiti niya at tumigin siya sa malayo, para bang iniisip pa niya ang isasagot niya sa mga tanong ko.

Bumaling ulit ang tingin niya sa akin saka ngumiti.

“Lumalalim na ang gabi.” Tumayo siya at umatras ng ilang hakbang.

“Good night Liang, masaya akong nahanap kita. Magkikita ulit tayo mamaya.” Naglakad na siya papalayo habang kumakaway.

Mamaya? Anong ibig niyang sabihin? Saka anong? nahanap? Does it mean... hindi coincidence ang lahat? Na sinandya niya?!

Anong dahilan mo?

Nang mawala siya sa paningin ko tumayo na ako at nilock ang gate maging ang pinto. Pinatay ko na rin ang ilaw sa sala at umakyat na sa kwarto namin ni Denise.

Pagtingin ko ng oras, alas dos y media na pala ng madaling araw. Umupo muna ako saglit katapat ng salamin. Ngayon ko lang napansin na nasa akin pa rin ‘yung jacket ni Clifford!

Hinubad ko iyon at isinampay sa study chair. Ibabalik ko nalang sa kaniya bukas.

Binuksan ko ang lampshade saka naupo sa kama. Mahimbing na natutulog si Denise habang ako ay puyat, maaga pa naman akong papasok mamaya!

Humiga ako sa kama ko, at iniharap ang sarili ko sa kisame.

Gulong-gulo pa rin ako. Sino ba talaga siya? Anong pakay niya? Kung meron man, ano kayang posibleng mga dahilan niya?

Sa kinikilos niya ngayon palang... parang matagal na kaming magkakilala.

Umiling-iling ako para burahin ang mga iniisip ko at pumikit na para makatulog na.























“Lia!” May narinig akong pamilyar na boses. Boses ng lalaki.

Lumingon ako sa kinaroroonan niya. Siya ulit. Tumatakbo siya habang hinahangin ang long sleeves niyang hindi naka butones. Nang makita ko ang abs niya agad akong umiwas ng tingin.

Umupo ako sa buhanginan at sumunod naman siya. Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko na nagpalakas lalo sa tibok ng puso ko. ‘Yung mga paghampas ng alon ang tanging nagpapakalma rito.

Kumusta ka?” Tanong niya.

“Okay lang,” tipid kong sagot. “Ano palang pangalan mo?”

Iniangat niya ang ulo niya mula sa pagkakasandal sa balikat ko saka siya tumingin sa ‘kin at dahan-dahang ngumiti.

I Do Love You But...Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin