22

38 15 0
                                    

“They’re so excited to meet you, so get ready Liang.”

Excited sila na makita ako? Kilala nila ako? Sino-sino? Mas lalo tuloy akong kinakabahan.

Hinawakan niya ang kamay ko, may sasabihin pa sana siya pero dumating na si Dani. May hawak-hawak siyang food tray. Bumaling ang mata niya sa akin, kaya naman nginitian ko siya.

Inilapag niya ang tig-isang plato sa harapan namin ni Clifford na may lamang kanin at pork afritada. Maganda rin ang pagkakaplating.

Napalunok ako ng mariin, ngayon lang ako nakaramdam ng gutom!

“It’s your favorite, right?” Dagdag pa niya, hawak-hawak pa rin ang kamay ko.

Umagaw ng pansin ko ang kunwaring pag-ubo ni Dani. Kaagad kong binawi ng kamay ko mula sa kaniyang pagkakahawak, at ibinaba ko na lamang ang magkabilang kamay ko na natatakpan ng table cloth.

“Enjoy your dinner. Boss, ma’am.”

“Salamat,” sambit ko ngunit hindi na niya ako nilingon. Siguro hindi niya narinig.

Mukha namang mabait at matinong tao si Dani, pero may kutob akong panlabas na anyo lamang niya iyon.

Napayuko akong ulit at nakita kong kusang nanginginig ang kamay ko. Kaagad na lumapit si Clifford sa akin at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

May sinasabi siya pero hindi ko marinig. May bahid din ng pag-aalala ang mga mata niya.

Bakit ako nagkakaganito? Bakit hindi ako makarinig? Anong meron sa babaeng iyon at ganito nalang ang takot ko?

Nilingon kong muli ang counter kung saan siya nakatayo kanina, pero wala na siya roon. Luminga-linga pa ako, nagulat ako at muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang makita ko siya sa likod ng poste.

Madilim ang sa parte na iyon pero tila nagliliwanag ang mga nanlilisik niyang mata. Nakakakilabot.

“Aurelia! Aurelia! Can you hear me?!” Natauhan ako sa malakas na pagsigaw ni Clifford. Binaling ko ang tingin ko sa kaniya, at napansin ko ang bahagyang pamumula ng mga mata niya.

Tumango ako, dinaluhan niya agad ako para yakapin ng mahigpit. Narinig ako ng mahina niyang paghikbi sa balikat ko.


Nang naging maayos ang pakiramdam ko hiyakap ko rin siya pabalik. “Shh, I’m okay.”

Bakit naman siya umiiyak?

Humiwalay siya sa akin, at kaagad siyang bumalik sa kinauupuan niya kanina.

Bahagya siyang tumalikod sa akin para hawiin ang bahid ng mga luha sa kaniyang mukha.

Hinanap ulit ng mga mata ko si Dani, nakita ko siya sa counter kasama ang dalawa pa na crew. Mukhang may nakakatawa silang pinag-uusapan.

“Kumain ka na,” Clifford said, but in a low voice.

Nakakapanibago. Noon, kung magsasalita siya mahahalata mo talagang may saya sa pagkakasabi niya. Pero ngayon, tila may pangamba at pagkabahala sa boses niyang ‘yon.

Hindi ko naman mawari kung ano man ang bumabagabag sa kaniya.

His breaths became heavy, he look like a traumatized person.

Binalot kami ng katahimikan habang kami ay kumakain. Nakapokus lamang siya sa kinakain niya, habang ako naman ay panay ang sulyap sa kaniya.

Pakiramdam ko kasi kailangan ko gumawa ng aksyon. Gusto ko siyang tulungan, kahit na wala akong karapatan na panghimasukan ang buhay niya.

Pakiramdam ko obligasyon kong pagaanin ang loob niya dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit bigla siyang natahimik at napuno ng takot.

Ibang-iba ang pagkakakilala ko sa Clifford na palangiti at sa Clifford na tahimik.


I Do Love You But...Where stories live. Discover now