05

78 20 2
                                    

“Gaya ng sagot ko dati sa tanong mo. Nandito ako dahil at para sayo, kahit pa ayaw mo basta para sayo.”

Napangiwi ako at tila nag-echo sa utak ko ang mga sinabi niya.

“Ano bang sinasabi mo?”

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Umupo siya sa tabi ko, humarap muna siya sa dingding bago niya binaling ang tingin sa akin.

Nailang ako sa mga tingin niya, ngayon ko lang kasi siyang nakitang sumeryoso. Dahil sa tuwing nagkikita kami walang oras na hindi siya nakangiti, kaya nakakapanibago.

Gamit ang kamay niyang kanina ay nakadampi sa pisngi ko ay inangat niya ng kaunti yung mukha ko dahil sa nakayuko ako. Inilapit niya ang mukha niya na lalong nagpabilis sa tibok ng puso.

Sobrang nailang ako kaya naman tinulak ko ang mukha niya palayo. Natawa siya dahil sa naging akto ko. Ano bang problema nito?!

“Hindi kita hahalikan hangga’t walang permiso galing sayo,” he stated then he lightly squeeze my cheeks.

Umiwas ako ng tingin at binaling nalang sa ibang bagay ang atensyon ko.

“Lia,” he called. “Hindi mo ba talaga ako nakikilala o natatandaan man lang?” Tanong niya.

“Kilala kita, ikaw si Clifford. Clifford Jimenez.” Para akong maloloka sa mga pinagsasasabi niya.

“No, I mean...” umiling-iling siya.
“Nevermind.” Lumungkot ang kanina ay masaya niyang mga mata.

Napayuko ako. Hindi ko alam ang tamang sagot sa mga tanong niyang gumugulo sa isip ko. May tama bang sagot kung sa sarili ko mismo ay hindi ko alam. 

“I have to go, see you tomorrow?”

Tumango ako, “Sorry.” Pilit siyang ngumiti at naiwan akong tulala.

Paglabas ni Clifford ay saka lang niluwa ng pinto si Denise.

“Saan ka bang lupalop nanggaling?” Nakasimangot na tanong ko. Inabot niya ang bote ng tubig sa akin

“Dyan lang.”

Nakatulala lang ako. Unti-unting kinakain ng guilt. Ang gulo. Naguguluhan ako. Alam ko namang maling iniwan ko nalang siya basta pero... wala akong magagawa, kailangan eh, late na ko. Hindi ko na alam. Hindi rin naman ako nakahabol sa klase. Binaksakan pa ‘ko ng mga gawain sa apat sa subjects.

“Ah Lia, anong pinag-usapan nyo ha? Saka bakit parang malungkot si Clifford?” Huminto siya sumandali saka ako pinagtaasan ng kilay. “Busted agad?” Muntik ko nang maibuga sa kanya ang iniinom ko.

“Ano bang tanong iyan Denise?! Walang ligawang nangyayari! Saka wala lang iyon!” Depensa ko agad.

Medyo napalakas yata ang pagkakasabi ko kaya siya napahagalpak ng tawa.

“Oh relax,” sabi niya sabay tawa ulit. Umiwas ako ng tingin, naramdaman ko nalang ang pag-init ng mga pisngi ko!

May mga sinasabi pa si Denise pero hindi ko na narinig pa iyon dahil sa malalim na iniisip ko. Bumalik-balik kasi sa ala-ala ko ‘yung mga sinabi at naging reaksyon ni Clifford.

Wala talaga akong maalala na nagkita na kami noon. Baka siya lang ‘tong nakakakilala sa ‘kin.

“Lia! Lia!” Natauhan ako dahil sa pagyugyog ni Denise sa braso ko. “Nakikinig ka ba?” Hindi ko siya sinagot, nanatili pa rin akong tulala.

“Kailangan na nating umuwi, dumidilim na.” Tumango ako sa kaniya, kinuha ko ang bag ko at sumunod na sa kaniya.











I Do Love You But...Where stories live. Discover now