18

53 16 8
                                    

Ten o’clock na nang magising ulit ako. Kaagad kong nilingon ang hinihigaan ni Kleo, pero wala na siya.

Naupo ako saka nag-unat. Napansin ako ang nakatuping damit sa dulo ng kama.

Nilapitan ko ‘yon at kinuha ang nakadikit na sticky note.

Get dressed and go down the stairs.
                           - Kleo

Sa akin ‘tong zip back lace up shorts pero kay Kleo itong orange t-shirt. Ang tagal ko nang hindi nakikita ‘to sa bahay. Nandito lang pala. Natawa nalang ako saka kinuha ang damit at nagtungo sa restroom para makapagpalit.


Iniligpit at inayos ko muna ang pinaghigaan namin bago ko kinuha ang phone ko, saka lumabas ng kwarto.

Habang pababa ako ay nakaamoy ako ng chocolate latte. Nakaramdam agad ako ng gutom. Nasa loob pa pala ng microwave.

“Morning,” Kleo greeted. “Nagpuntang mall sina Tita and Mommy para maggrocery.” Dagdag pa niya. Nakita ko siyang nakahiga mula sa sofa.

Nilapitan ko siya saka ko inilapat ang palad ko sa noo niya. Napangiti ako, “Pawala na.”

Inasahan kong ngingiti siya pabalik pero hindi niya nagawa.

Nang tumunog ang microwave ay tumayo siya at kinuha ang dalawang malaking cup. Naupo siya sa dining chair kaya naman naupo na rin ako.

“For you,” sabi niya sabay abot sa akin ng isa sa hawak niya.

“Salamat.” Ngumiti siya sa akin.

Inumpisahan kong inumin ‘yon. Lumapad pa lalo ang ngiting nasa mukha ko. Hindi ko mapigilan. Sobrang sarap

“I really love how your lips turned into a curved one,” seryosong sabi niya na nagpasamid sa akin.

Napaubo ako ng ilang ulit, halos hindi ako makahinga. Parang may bumabara. Hinagod niya ang likod ko hanggang sa bumuti na ang pakiramdam ko.

“Ikaw kasi, ang sagwa naman ng biro mo,” sambit ko.

Biro ba ‘yon o pang-aasar? Ano namang nagustuhan niya sa ngiti ko? Wala namang espesyal doon. Saka araw-araw naman niya akong nakikitang nakangiti. Nakakapanibago lang.

Sumimsim ulit ako sa hawak ko, nakita kong napasimangot siya. “Oh bakit?” I asked.

“Anong masagwa ro’n? Ang ganda-ganda mo nga.” Depensa niya. Naguilty tuloy ako. Seryoso pala siya roon, akala ko naman ay inaasar niya lang ako.

Itinikom ko na lang ang bibig ko, at baka magtampo pa siya lalo.


















Lumipas ang ilang oras, pahapon na naman. Nawala na ang lagnat ni Kleo kaya naman naisipan naming libutin ang buong subdivision sakay ng kaniya-kaniya naming bisikleta.

Binilisan ko ang pagpadyak, humabol naman si Kleo sumunod naman si Denise na nasa likuran naming dalawa.

Narating namin ang pinakadulo nitong subdivision nila Denise, nag-uumpisa pa lang na lumubog ang araw.

I Do Love You But...Where stories live. Discover now