04: They're Here

2 1 0
                                    


Ngayong araw ay tutulongan ako ni Rosie kung papaano ko papalabasin ang mighty ko. I was hesitant at first dahil baka wala naman talaga akong mighty kagaya nila ngunit may part naman din sa akin na nagbabakasakali na meron dahil merong mighty si mom kaya baka posibleng ako rin.

I came up to a conclusion that mom was once a citizen here according from what I read from the book. Hindi naman din iyon nakakapagtataka dahil kakaiba rin siya katulad ng mga naririto. Pero ang hindi ko talaga makalimutan sa mga nabasa ko ay ang isang mighty hero from the rare color na Red. Coveirra ang surname niya at may kakaiba talaga akong nararamdaman nong binabasa ko ang pangalan niya.

"Go ate Jasmine!"

Napahinto ako sa pagiisip nung narinig ko si Cherry. Nandoon siya sa isang kahoy na upuan.

Nandito pala kami sa isang open ground sa likod ng building malapit sa garden dito kami ngayon magsasanay ni Rosie dahil hindi niya ako pweding sanayin doon sa practice room dahil hindi ko pa alam ang mighty color ko.

"Handa ka na ba Jazzy?" Tanong ni Rosie sa akin, tumango ako sa kanya bilang tugon. Kinakabahan tuloy ako dahil baka hindi lumabas ang mighty ko. Somehow, I don't want them to get disappointed.

Agad kaming pumwesto sa gitna, inalis ko ang kaba na nararamdaman at nag focus na lang sa mga sasabihin niya. Bumaling muna ako ng tingin kay Cherry dahil chini-cheer niya ako, pinatahimik naman siya ni Rosie para daw ako makapagfocus.

"Okay first, e focus mo ang isip mo at wag ka muna magisip ng kung ano ano." Sabi niya saka siya dumistansiya sa akin. "Now try to close your eyes." Sinunod ko naman ang sinabi niya.

Sabi niya pa ay e relax ko lang daw ang isip at katawan ko at subukan ko raw'ng mag summon ng energy.

"Isipin mo lang na para kang umiipon ng lakas sa kaibuturan ng katawan mo."

Hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya dahil hindi ko alam kung pa'no ko efe-feel ang ganoon. I tried to force myself to think of gathering energy but I failed kaya napamulat ako sa pagkadismaya.

I feel ashamed of failing kaya hiyang-hiya akong napatingin sa kanya. "Sorry."

"It's okay, try mo pa." Pagpapursigi niya sa akin.

Pero kahit ano talagang gawin ko ay hindi ko talaga magawa. Nahihiya na ako sa kanya ngunit sabi niya ay okay lang daw pero nahihiya parin ako sa kanya.

"Tingnan mo ako."

Pumikit siya at sa maikling segundo lang ay naramdaman ko ang pag-galaw ng mga bato sa paligid. Naglutangan ito sa ere kaya manghang-mangha ako, na isip ko tuloy na ganito din ang ginawa ni mom para sindakin ang grupo nila Felix.

Unti-unting binuksan ni Rosie ang kanyang mga mata at kita ko mismo na nag iba na ang kulay ng mga mata niya. Naging blue na ito at ang ganda niyang tingnan dahil mas bumagay sa kanya ang kulay ng mga mata niya.

She lift up her both hands and the rocks goes higher mid air. I grasp a breath when she motioned her hand towards me. Nanlaki ang mata ko nung biglang papunta sa direksyon ko ang mga bato. Agad akong napapikit at hinarang ko ang dalawa kong kamay ngunit wala naman akong naramdamang tumama kaya napamulat ako.

"Hala sorry Jazzy!" Natatakot niyang saad saka ako nilapitan para aluhin. "Okay ka lang ba? Sorry talaga." Nag-aalala niyang sambit hindi siya mapakali.

Tumango lang ako sa kanya. Lumapit na rin si Cherry at nag-aalala rin siya.

"Ate Rosie, siguro pagpahingahin muna natin si Ate Jas." Sabi ni Cherry saka nila ako pinaupo sa inuupuan niya kaninang kahoy.

"Sorry talaga, hindi ko maipalabas ang mighty ko." I said in a soft voice, tama lang para marinig nila.

"Naku okay lang Yan Jazzy! Marami pa namang bukas para palabasin yan. Sorry talaga kung natakot man kita." Rosie held my hand and press it smoothly.

The Land Of Mighty ColorsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang