PROLOGUE

4 1 0
                                    


Padabog akong pumasok sa kwarto ko at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na umiyak. I immediately close the door and run towards my bed. My tears can't stop from falling and my heart ache so much.

"Jasmine! Open the door!" I heard mom, calling my name as she keeps on knocking the door.

I don't understand her, bakit niya ba ako gustong huminto ng pag-aaral? Ayaw niya ba na matupad ko ang mga pangarap ko? Hindi ba siya proud sa akin?

This day is very special to me but I don't know that this day would be a mesiry for me. Graduate na ako ng high school. Masaya pa nga ako habang kakwentuhan ko ang mga friends ko kanina sa school dahil pare-pareho kami ng universities na papasukan but those smiles and laughters suddenly vanished when I came here and Mom told me to stop schooling just because I am something peculiar.

Sabi niya ay iba daw ako sa lahat. Hindi daw ito ang mundo para sa akin. I almost laugh when she said that, hindi ko man gustong isipin pero parang nababaliw na siya.

Marami siyang mga sinasabi na hindi ko maunawaaan but when I asked about my father, she can't utter even a single word. Iniisip ko nalang na patay na ang dad ko. Tanggap ko na simula pa nung elementary pa ako dahil kahit anong pilit ko na sabihin niya kung may ama paba ako pero hindi niya ako sinasagot bagkus ay tinatalikuran niya lang ako.

Matagal akong nangungulila sa kanya. Hindi ko man lang siya nasilayan sa mundong ito kaya pinapanalangin ko nalang na masaya siya kung nasa'n man siya ngayon.

I wish dad is here, maybe he would comfort me atleast man lang may karamay ako sa bahay nato.

I snatched my phone from my pocket. Tiningnan ko ang mga posts ng mga kaibigan ko.

Lahat sila ay masaya sa kani-kanilang post na may caption na happy graduation day!

I stalked my best friend Jamaica. Ang dami niyang pi-nost na pictures sa fb account niya. She was so happy and somehow, napapangiti rin ako. Hindi ko maiwasan ang maiingit sa kanya dahil makakapagpatuloy siya sa universities na plano naming pasukan lahat ng circle of friends namin.

I felt drops of tears again streaming down from my face. Ang sakit sakit, at sobrang naiingit ako sa kanila. Gustohin ko man pero parang hindi ko na mababago ang desisyon ni mom. Ayaw ko rin naman siyang layasan dahil kahit papano ay naawa ako sa kanya dahil maiiwan siyang mag-isa.

Hindi ko namalayan at siguro dahil narin sa pagod ay nakatulog ako.

Napabangon ako sa pagkakahiga nang marinig ko ang malakas na tunog galing sa labas.  Dali-dali akong lumabas ng kwarto at agad kong nakita si mom papalapit sakin, she seemed so scared.

"Shit! Nandiyan na sila, umalis na tayo Jasmine!" lingon siya ng lingon, hindi siya mapakali. Pumunta siya sa kwarto ko at palinga-linga siya sa palagid.

Agad niyang sinarado ang bintana at minadali niya akong hatakin.

"What's happening?" Hindi ko rin maintindihan ngunit pagdating namin sa living area ay nakita ko mga basag na bintana. Ito siguro ang narinig kong kalabog kanina.

"This is not the right time to explain Jasmine."

Kahit gulong gulo na ang isip ko ay nagpatangay nalang din ako sa pagkakahila niya. Dumaan kami sa kusina at agad kaming pumunta sa kotse namin sa parking area ng bahay namin.

We stopped, when a group of people blocked our way.

"Melissa.. akala mo ba makakatakas kayo?" saad nung lalaking naka hood. He is tall parang kasing edad lang din ng mom ko and his face screams authority.

"Don't you dare touch my child Felix!" Mom shouted and I could see how the guy laugh.

Mahigpit akong hinawakan ni mom sa kamay and she covered me. I'm behind her back.

The Land Of Mighty ColorsWhere stories live. Discover now